Chapter 6

1327 Words
Nagising ko ng may narinig akong tunog,tunog ng phone ko.aabutin ko na sana ang phone ko pero parang ang layo ng night stand table ko. “Ghrrrrr isturbo naman. Nag mulat ako ng mata pero nagulat ako dahil iba ang nakita ko. Para akong masa hawla at ano ito?teka! Nag ring ulit ang phone ko at nasa pocket ko pala. “Hello!” Angil kong sagot. “Anak bakit galit ka? Kailan ka uuwi ng Manila?” Si mommy. “I’m so sorry mey, ummm di ko po alam kung kailan basta po surprise nalang pag uwi ko dyan” sagot ko na nilambingan ko ang boses. “I miss you na kasi anak.dadalawa na nga lang kayo anak ko pero di naman kayo mapirme dito sa bahay” reklamo ni mommy. “I’m sorry mey, babawi po ako .mag date tayo pag uwi ko dyan ng Manila” lambing ko g sabi kay mommy. “Okay Sige anak. Ingat ka dyan.bye” “Kayo din po mey,bye bye .love you”binaba ko na ang tawag ni mommy.napatingin ako sa sarili ko.may kumot at ano ito parang net na nakapalibot sakin.inamoy ko ang kumot na naka patong sakin.hmmm masarap sa ilong amoy lavender.napalinga ako sa paligid dahil medyo madilim na. Sharon, alas singko na akong natapos mag luto ng hapunan kaya nag hain na ako ng lumabas si nanay. “Nay kain na po tayo” aya ko sa kanya. “Oh ikaw ang nag luto?asan ang ate mo?” Tanong ni nanay. “Umm umalis po nanay di ko alam kung saan” sagot ko na kumuha na ng tubig sa ref. “Haay talaga yang ate mo di nagpapa alam.sige na kain na tayo pa—— tao po !tao po!” May kumakatok sa labas kaya napa lingon ako kay nanay. “Sino kaya to?” Sabi nya na lumakad papunta sa pinto para buksan. “Tao po! Nanay Azon?” Tawag ng tao sa labas. “Sino yan?” Tanong ni nanay “Si waldo po ito.” Sagot nya kaya binuksan agad ni nanay ang pinto. “Oh waldo anong atin?wala na kaming tindang pagkain” sabi na bungad ni nanay. “Ah hindi po, nandito ako para sunduin si sir Jacob” sabi nya kaya napamulagat ako ng mata. Nakalimutan ko pala na natulog sya doon sa likuran kanina at di pa gumising. “Aba’y wala naman dito si Jacob”sagot ni nanay kaya tumikhim ako para makuha ko ang atensyon nila. “Umm nasa likuran po sya nay,sa may duyan” sagot ko “Ay ganon ba? Sige puntahan mo na doon baka nilamok na yon dahil madilim na.” Sabi pa ni nanay kaya sinamahan ko sa likuran si kuya waldo. At nakita nga namin na nahihirapan na umalis si gurang sa duyan. “Sir Jacob okay lang po kayo?” Tanong ni waldo ng makalapit sa amo. “Help me!I don’t know how to remove this!” Turo nya sa mosquito net.kaya lumapit na rin ako para tanggalin ang tali. “Pasalamat ka at nilagyan kita nito kung hindi baka nilipad ka na ng mga lamok!” Inis kung sabi.napangiti naman si kuya waldo sa sinabi ko pero si gurang nakasimangot malamang bagong gising to kaya masungit. “Tsk!! I am too heavy for them” sagot pa nya kaya napa ikot nalang ako ng mata. “Duuuhhh bahala ka nga sa buhay mo!” Sabi ko pagkatapos ko maalis ang tali saka ko sila iniwan. “Sir naka ready na po ang tulugan nyo sa barracks” dinig kong sabi ni kuya Waldo. “Oh anak asan na bisita natin?” Tanong ni nanay ng makapasok ako sa kusina. “Nasa labas pa po nag uusap pa sila” sagot ko at naupo na para kumain. Susubo na sana ako ng mag salita si nanay. “Jacob anak saluhan mo na kami sa hapag” aya ni nanay kaya napa angat ako ng tingin.pumasok sila ni kuya Waldo at nakita ko na hawak ni kuya ang mosquito net at naka ipit naman sa kili kili ni gurang ang kumot na kinumot ko sa kanya. “Naku Nay di ko tatanggihan yan dahil gutom na ako.” Sabi nya,ang kapal ng mukha di man lang tumanggi. “Sharon anak ikuha mo ng plato sila Jacob para makakain na” utos ni nanay sakin kaya wala akong nagawa.kumuha ako ng dalawang plato para sa kanila. “Salamat po nanay Azon.pasensya na kayo nakatulog ako sa duyan nyo sa labas” sabi nya .ako naman tahimik lang na kumakain. Ganon din si kuya waldo. “Naku wala yon anak. Pag pasensyahan mo na itong nakahain ha, alam ko hindi ganito ang pagkain ninyong mayayaman.” Sabi ni nanay at napakamot naman sa baton si Jacob. “Sobrang sarap nga po nito at lagi po akong kumakain nito dahil yong mga kasambahay namin nag luluto sila nito.” Sabi nya kay nanay eh adobong sitaw at pritong tilapia lang naman ulam namin. “Ah ganon ba buti naman at hindi ka masilan sa pagkain.si Sharon ang nag luto nito.” Pag bibida ni nanay pero ako tuloy lang sa pag kain dahil nagutom ako sa ginawa ko kanina. “Sharon masarap ka palang mag luto.pwede ka ng mag asawa” sabat ni kuya Waldo pero nasamid ako sa sinabi nya.inabutan naman ako ng tubig ni Jacob saka hinaplos nya ang likuran ko. “Dahan dahan naman kasi sa pagkain” sabi nya na mahinang tinapik ang likod ko. “Si kuya waldo kasi kung ano anong sinasabi.wala pa po yan sa utak ko” sabi ko na nakahinga na ng maluwag. “Biro ko lang yon” sagot nya na tumatawa. “May boyfriend ka na ba?” Biglang tanong nya kaya napa irap nalang ako. “Sabi ko bata pa po ako para sa mga ganyang bagay,” sagot ko. “Mabuti naman” sabat ni Jacob . “Nag aaral pa itong anak ko kaya bawal muna.at alam nyo ba na siya mismo ang nagpapa aral sa sarili nya?” Proud na sabi ni nanay kaya napangiti ako sa kanya. “Wow, lodi na kita Sharon.” Sabi ni kuya waldo. “Ano yong lodi?” Confuse na tanong ko. “Idol yon binaliktad lang” sagot nya kaya napatango ako. “Ahh ganon ba ang salita nyong Taga manila?” Tanong ko na nagpatawa kah kuya waldo. “Salitang kalye yon kaya wag mo na alamin.”sabat naman ni gurang. “Malaki ba nag Manila? meron kasi akong gustong hanapin na tao” sabi ko na nagpa tigil sa kanilang lahat. “Hanggang ngayon ba anak yon pa rin nasa isip mo?” Tanong ni Nanay,tumango lang ako. “Oo malaki ang Manila.sino ba amg hahanapin mo?” Tanong ni kuya. “Yong future husband ko po” sabi ko na nakangiti sa kanya. napa ubo naman si gurang sa sinabi ko. inabutan sya ng tubig ni kuya Waldo. “Akala ko ba wala pa sa isip mo ang mag boyfriend bakit ngayon husband agad?” Tanong nya ng mahimaasan. “Eh sa matagal ko na syang gustong makita.siya kasi ang hero ko at sana wala pa syang asawa para ako nalang” sabi ko na nakangiti. “Aaahh kaya ba wala kang boyfriend dahil siya ang hinintay mo?” Tanong ni kuya. “Hahahhahaha joke ko lang yon!!” Sabi ko na tumatawa. “Naku kuya ang chismoso mo po” sabi ko sa kanya na napakamot sya sa ulo. “Hayaan mo anak at sa tamang panahon makikita mo rin sya” sabat ni nanay. “Sana po nanay para makapag pasalamat ako sa kanya”sabi kong nakangiti. Pagkatapos namin kumain nag paalam na rin sila kuya waldo at gurang na aalis na.ako naman nag hugas ng katawan para makapag pahinga na dahil napagud ako sa paglilinis ng mga kaldero at tindahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD