Madam calling.. hello po madam”
“Waldo kasama mo ba ang sir mo?” Tanong ni madam.
“Ay hindi po. Pero andito kami sa Bacolod ngayon” sabi ko.
“Ok sige sunduin mo ako dito sa airport”
“Ho? “
“Ohh bakit parang gulat na gulat ka?”
“Ah eh hindi po. Sige po sunduin ko na kayo”sabi ko.
“At waldo wag mo sabhin sa sir mo na darating ako. Maliwanag ba?”
“Opo madam.” Patay!! Sir sagitin mo tawag ko please!!! Haaaay bahala na nga!”
“Hoy! Kanina pa yan nag do-doorbell!” Tapik ko sa kanya kaya napilitan siyang bumangon.
“Finally jacob anak!!” Pag bukas ko ng pinto.
“O my,” gulat kong sabi. Kasunod si waldo na may bitbit na malaking tote bag.
“Surprise anak, di mo man lang ba ako papaaukin?” Sabi nya kaya niluwagan ko ang pinto.
“Sino po kasama nyo nag punta dito?alam ba ni dad na andito kayo?” Tanong ni jacob hindi pa nila napansin na andito ako sa may pinto ng kwarto.
“Nope,and i dont want to talk about it, im here becausw i miss you anak!!” Sabi nya at niyakap si jacob kaya ang saya nilang tingnan mag ina.nang bigla nalang itong napatingin sa pinto at gulat na gulat ang mata.
“Oh my God totoo ba itong nakikita ko?” Sabi nya sabay bitaw niya kay jacob at nag lakad palapit sakin.
“Aaah eh hello po maam” sabi ko sabay haplos ko sa buhok ko dahil baka mukha akong bruha.
“Jacob?” Tawag nya sa anak niya pera nasa akin ang mata.
“Mommy siya si Sharon,”sabi ni jacob titig na titig naman sakin ang mommy nya,
“Ahh maam pasensya na po kayo, baka po mahawa kayo sakin may trangkaso po ako.” Sabi ko kasi mas lalo siyang lumapit sakin.
“How are you iha? May masakit pa ba?” Tanong nya at lumingon kay jacob,
“Nagka lagnat siya mommy”sabi ni jacob.
“Ahaaaam , bakit ano bang ginawa mo sa kanya jacob bakit siya nilagnat? Dahan dahan naman kasi” sabi nya kaya naguluhan ako nasamid naman si waldo sa iniinom nyang softdrink samantalang namumula naman ang mukha ni jacob saka napakamot sa batok.
“Mommy!? Its not what you think!”sabi nya kaya ako naman nagtataka sa usapan nila.
“Anyway, iha balik ka na sa loob para mag pa hinga.kausapin ko lang itong anak ko.” Sabi nya kaya tumango nalang po ako.
“Anak ano ito?” Tanong ni mommy sakin na akala mo may malaking krimin akong nagawa.
“ what mommy?” Nakita ko naman si Waldo na nagpipigil matawa na nakaupo sa may table.
“Anong what ka diyan? First time to nag uwi ka nag babae.at dito pa sa hotel mo dinala ha?” Sermon nya sakin. “Mag sabi ka nga bata ka.may nangyari na ba sa inyo ng magandang batang yon?” Tanong nya bigla at nagkanda ubo naman si Waldo kaya napatingin naman si mommy sa kanya.
“Napaano ka Waldo?” Baling nya kay Waldo na umuubo.
“Ahh wala po madam.bigla nalang po kasi pumasok yong iniinom ko sa ilong ko doon sa tanong nyo” sabi nya kay mommy at pinag hahampas naman siya ni mommy.
“Kayong dalawa !!! Matutuyoan ako ng dugo sa inyong dalawa!” Turo nya samin ni Waldo.
“Madam paano naman po ako nasali diyan? Eh ni girlfriend nga wala ako dahil nakatutok ako kay sir” sabi nya kay mommy kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“So ganon kasalanan ko pa ngayon?” Masama tingin at tanong ko sa kanya.
“Hindi po sir, ang ibig ko pong sabihin wala akong time sa ganon.” Kinakabahan nyang sagot sakin.
“ so ano nga? Gusto ko siya para sayo anak mukhang mabait.di kagaya nong anak ng kaibigan ng daddy mo na halatang may gusto sayo” sabi ni mommy kaya napangiti ako.
“Special siya sakin my pero naguguluhan ako sa sarili ko.” Sagot ko.
“Hmmm dapat ligawan mo muna bago ang ano!” Sabi ni mommy na Hindi masabi ang gusto nyang sabihin.
“Huli na po yata kayo madam” bulong ni waldo .sinamaan ko siya ng tingin, ng ma-realized niya sinabi nya bigla nalang siya nag paalam. “ madam sa labas po muna ako baka po magka black eye ako pag mamaya pa ako lalabas”sabi nya na biglang sinara ang pinto.
“Mommy naman” sabi ko na nahihiya.
“Aw anak are you blushing? Ang cute naman ng anak ko mag blush” tudyo pa ni mommy kaya napakamot nalang ako sa ulo. Sa kanya nag mana si John may pagka makulit.
“Hindi po, babae lang yon nag b-blush” sagot ko.
“Hmm ok. Sige puntahan mo na girlfriend mo baka nainip na at magpapahinga muna ako. Malinis ba yong kabilang kwarto?” Tanong ni mommy.
“Opo kakalinis lang yon nong dumating kami.”sagot ko.
“Sige, anak one more thing, bigyan mo na ako ng apo ha? di ka na bumabata.” Pabirong sabi ni mommy kaya napa iling nalang ako.
Kanina pa si gurang sa labas.nahihiya naman akong lalabas at nahihilo pa rin ako. Saka baka mahawaan ko pa mama nya. Mayamay pumasok siya na nakangiti.
“Hi babe, how are you feeling?” Tanong nya na kinapa ang noo ko pati leeg ko.
“Nahihilo ako At masakit ulo ko.” Sagot kobsa kanya.
“Hmmm.sa wakas kunti nalang lagnat mo. Gusto mo pa bang kumain?” Tanong nya kaya umiling ako ng kaunti.
“Busog pa ako sa kinain ko.” Sagot ko at naupo siya sa tabi ko. “Hwag kang tumabi sakin kasi baka mahawa ka.”dagdag kong sabi.
“I have strong immune system. Here take this for pain relief” abot niya sakin ng tableta.ininom ko saka bumali sa pagkakahiga. Binuksan naman nya ang tv sa sport channel habang naka yakap sakin.dahil masakit pa rin ulo ko kaya pumikit nalang ako ulit para matulog.nakatulog nga ako na kayakap si gurang sakin.
“I love you babe” bulong niyang sabi saka humalik sa noo ko akala nya siguro nakatulog na ako.kinumutan niya pa ako saka inayos ang pagkakahiga ko kaya pinanindigan ko nalang ang magtulog tulugan kasi baka mabuking nya ako. Napangiti ako ng niyakap nya ako ulit habang nanunuod siya ng tv.masarap pala sa pakiramdam na may taong mag aalaga sayo ng ganito.bigla ko tuloy namis si mama at papa. Pero mabait pa rin ang Dios dahil kay nanay Azon kahit papano na ibsan ang lungkot ko.mahal na rin yata kita Jacob,sana totoo yang sinabi mo, sana tanggapin mo ako kahit wala akong maipag malaki sayo at sa pamilya mo.alam ko na di ka lang basta bastang tao dahil nakikita ko sa kilos mo.sana matanggap din ako ng pamilya mo.hanggang sa tuluyan akong nakatulog sa isiping yon.