Chapter 7

1700 Words
Riley's POV "I'm not doing this for my own self Carmela, I need you ikaw lang aasahan ko sa pagkakataon na ito, can you take care of my son? Promise after this plan. Tutulungan kitang mahanap ang mag ama mo." binulong ko na 'yung pang huli at mukhang hindi niya naman narinig iyon. Carmela Bleserion is one of the goddess, I mean one of my friends, she used to come with me all the time since hindi niya maalala sina Alex at the rest na mga kaibigan namin. May amnesia s'ya at hanggang ngayon wala parin syang maalala pero alam kong may asawa at anak s'ya, ngunit patay na ang lalaking anak niya, at ang mag ama niya naman iniwan s'ya ng gumising ito sa hospital. Naging kaibigan ko s'ya dahil kina Penelope pero sa akin lang s'ya masyadong lumalapit, model din ito sa Roswell Company, sabagay kung saan-saan naman napupunta itong mukha niya. She's pretty naman kasi. "Jusko ah! May trabaho ako, Riley. Model ako! Hindi maid!" Umikot ang kanyang mata at sinapak ang sariling noo. Ngumiti naman ako sa kanya at ngumuso na kinataas niya ng kilay. "Ngayong araw lang naman, titingnan ko pa kung matatanggap ako sa inaaplayan kong trabaho." sagot ko. May nakita kasi akong papel kahapon na nakadikit sa restaurant dyan sa ibaba, nagkainteres ako kaya't kinagat ko na ang trabaho bilang maging secretary. Madali lang naman iyon. Tinawagan ko ang number na naroon at babae ang sumagot, sabi niya ngayon daw ang interview at ang boss ko daw ang magi-interview sa'kin, medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon kong mag trabaho bilang Sekretarya. "Sigurado ka ba dyan? Pwede ka naman maging model ah, gaya ko. Sayang 'yang mukhang iyan, kaya lang maaga kang nagkaroon ng anak." "Please, babalik din naman ako kaagad, susubukan ko lang naman kung matatangap ako,"usisa ko pa at inayos ko 'yung dress ko hanggang tuhod at hapit na hapit ito sa bewang ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nilagyan ng liptint ang labi ko. Bumuntong hininga si Carmela at tiningnan niya 'yung anak kong ngayon ay mahimbing parin ang tulog, maaga kasi ang interview ko ngayon at hindi lang naman daw ako ang mag aaply marami pa daw. Kinakabahan ako baka hindi ako matanggap, sa bar talaga bagsak ko nito. "Your son is handsome, mukhang mayaman din ang Ama nya. Bakit hindi mo na lang hanapin ang Ama niya? Naamoy kong mayaman ang Ama ng batang 'yan, you don't need to work anymore." hindi alam ni Carmela na mayaman ako at sapat na ang pera ko para buhayin ang anak ko. Kilala niya lang ako bilang Riley, wala rin naman akong balak na sabihin sa kanya ang pagkatao ko dahil 'yun ang gusto ko. "Nah, no need. Kaya ko namang buhayin ang anak ko sa sariling sikap ko. At isa pa? Hindi ko kilala 'yung Ama niya, one night stand lang kasi 'yun." mapait na pahayag ko kahit ang totoo nyan ay kilala ko at naging boyfriend ko pa pero dahil Gago s'ya? Gago talaga s'ya. "Hindi libre ito ah. Kailangan may sweldo, kumakayod din ako, Riley. Bayaran mo 'ko." Tumango ako "Oo naman, wala naman kasing libre sa'yo." "Sige na umalis kana!" Pagtataboy nito sa'kin. Nginitian ko naman s'ya tapos humalik ako sa noo ng anak ko. Agad akong lumabas ng condo nang makitang mag a-alas syete na, tinungo ko 'yung kotse ko sa parking lot 'saka ko ito pinaandar patungo sa kompanyang aaplyan ko. Hindi naman malayo ang kompanya dahil ilang metro lang ito sa condo namin. Tiningnan ko pa 'yung sarili ko sa salamin baka nagmu-mukha akong engot sa harap ng boss ko, I need to look presentable, para dagdag points na din iyon sa sarili ko. Nang ma-satisfied na ako sa sarili ko, bumaba ako ng kotse bitbit ang folder na pinadala ni Queenie kahapon galing US. Iba ang pangalan ko rito at mas lalong iba ang mukha ko ngayon, hindi naman nahalata ni Carmela ang mukha ko kasi wala namang pakialam ang babaeng iyon sa ano man ang anyo ko at sa kung sino man ako. Naka-dress ako ngayon ngunit makapal ang make up ko, ang buhok lang ang umiba dahil ganu'n parin, ni hindi ko nga nakilala ang mukha ko eh. Ampangit ko kasi. Habang naglalakad ako papasok sa kompanya. Maraming mga ulong napapatingin sa gawi ko, ang iba tumatawa pa at ang iba naman batid ang 'di pagkagusto sa mukha ko, nandidiri pa, naku kung alam niyo lang. umirap ako sa kanila, hindi ko sila pinansin, tiningnan ko 'yung papel na hawak ko, nasa 60th floor ang office ang boss ko. Pinikit ko nang mariin ang mata ko. This is it Riley! Kailangan mong maging independent na naman, back to zero ka na naman. Alang-alang sa kaligtasan ng anak mo. Nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa 60th floor na ako, lumabas ako. Nagulat pa ako dahil marami ngang nakapilang mga babae at halos ipakita na nila 'yung s**o nila dahil sa damit na suot. Ganu'n ba dapat? Sobrang pu-pula pa ng mga labi nila na tila pinaghandaan. Saan kayang club ang punta ng mga babaeng ito? Effort na effort pa 'yung pag curl ng buhok nila, pati 'yung mga make up nila pak na pak! Ako? Ampanget ko. "Yes, Ma'am? Isa ka rin ba sa mag-aaply ng secretary ni Sir?" tanong ng isang babaeng mukhang assistant dahil sa suot nitong formal attire. "Yes po, matagal pa po ba?" nakangiti kong tanong. "Mukhang oo po dahil andami po nilang nakapila dyan, actually isang babae lang 'yung tinawagan ko kahapon, akala ko s'ya lang ang interviewhin ngayon, hindi ko alam na madami pala." sabi niya habang dahan-dahang tumitingkayad para makita kung anong kaganapan ang nangyari sa loob. "Ah" 'yun lang ang tanging naisagot ko. Hindi na ako nag tanong kung sinong babae iyong nakatawag niya kahapon. Panigiradong nakalimutan niya na, sa dami ba namang mga babae rito. Akmang uupo na sana ako sa upuan nang may isang babaeng lumabas sa opisina, luhaan s'ya at halos 'di maipinta ang kanyang mukha. Lahat kami ay napatingin sa gawi niya, anong meron? May isa na namang lumabas na babae, ito 'yung may malaking boobs. Mahigpit nyang tinakpan ang sarili habang gusot na gusot naman 'yung damit. Tumaas ang kilay ko, unti-unti kong inangat ang ulo para masulyapan ang loob ng opisina kaso... "All of you bitches fvcking get out of my office now! I need a Secretary not a prostitute!" sa lakas ng sigaw ng lalaki, lahat na mga babaeng nakapila agad na tumakbo palayo at halos magkadapa-dapa pa para makaalis. Kumunot ang noo ko. "Mukha wala ka nang kakompetensya, Miss, at mukha ikaw lang ang matinong umaply dito bakas naman kasi iyon sa ayos mo." Is she insulting me? Tumikhim ako. "Pwede na bang pumasok?" kasi gusto ko nang umuwi dahil miss na miss ko na ang anak ko. Kung ano man ang dahilan ng mga babaeng iyon bakit sila umiyak ay wala na akong pakialam, kailangan ko ang trabahong ito dahil isa ito sa matinong trabaho. Kumalabog ng malakas ang puso ko, binuksan ko 'yung pinto ng opisina ng may ari ng kompanyang ito. Sumalubong sa'kin ang napakatahimik na silid, malamig at sobrang bango pa at ang linis-linis pa. Tumigil ang mata ko sa isang lalaking tinatambakan ng papel ang kanyang lamesa. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa papel na tambak tambak. Tumikhim ako para mapansin niya, Fvck! Kinakabahan ako! "I told you, Annie, hindi na ako tumatanggap ng mga basura! Paalisin mo na sila!" "Ang harsh mo naman, hindi mo pa nga ako nainterview! Sungit naman nito." irap na sagot ko at mabilis akong lumapit sa mesa niya. Tila alam nya namang hindi ako si Annie kayat tumayo ito, Natatakpan ng katawan niya 'yung liwanag na nanggaling kanina sa bintana na nasa likuran niya. Sumingap ako. Ang tangkad niya at ang laki ng katawan, tila natatakpan 'yung sarili ko dahil sa anino niya. Dahan-dahan kong inangat ang tingin. "Who are you?" malamig na tanong niya. Pero bigla akong napaatras nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko. Walang iba kundi si KIEFER STAN MONTEFALCO! Hindi ako makagalaw, tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanlaki pa ang aking mga mata sa gulat. Humakbang s'ya paalis sa kanyang mesa, mariin niya akong tinapunan ng tingin, mula ulo hanggang paa. Umatras muli ako. "You need to find a job and earn money, Riley!" Ang salitang iyon ni Queenie ang sumisigaw sa utak ko. Kinuyom ko ng mariin ang kamao ko, God knows how much I want to punch and kill this asshole in front of me. Kaharap ko ang ma-mamatay taong si Montefalco, ang malas malas ko. "Who are you? And why are you still standing there, don't you have mouth?" iritadong tanong nito habang dahan-dahang sumandal sa kanyang mesa. He can't recognize me because of this shitty looks, and damn! Bakit ang sexy niya ngayon? Bullshit! Riley, shut the fvck up. "Ahm..." pilit kong pinakalma ang sarili baka bigla ko na lang sigawan ang demonyong ito. "What is your purpose here woman?" mariing tanong nyang muli, at this time? Napaharap na ako sa kanya, hindi niya naman ako makikilala 'diba? "Aapply sana ako bilang Secretary mo, available pa ba?" kahit kinakabahan ay pinatatag ko parin ang sarili ko. "Degree you've finished?" "Business Management," Umikot ang kanyang mga mata at bumalik s'ya sa kanyang kinauupuanm Talagang hanggang ngayon bossy parin ang bwesit na ito. Ma-mamatay tao naman. Nangigigil talaga ako na patayin ang lalaking ito. "What's your name?" "I am Althea Crimson."sagot ko. 'yan ang pangalan ko dito. Magpapanggap ako hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataon na patayin ka Montefalco. "You're hired, bukas ang umpisa. You can leave." Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis akong lumabas ng opisina niya habang habol na habol ko ang hininga ko. All this time! Pinipigilan ko ang sarili kong hininga. s**t! Kailangan ko ng umalis! "Natanggap ka?" isang lalaking hindi ko kilala. Nakangisi ito sa akin, ngising may tinatagong sikreto. "Pakialam mo?" mataray na tanong ko. Tumawa naman s'ya at umiling sa akin. Pumasok siya sa opisina ni Kiefer. Mga baliw! *** Another kaengotan na naman ng author char lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD