Riley's POV Napakasakit parin pala. Para akong tinataboy ulit, pero 'yun naman ang gusto ko 'diba? Ang lalayo sa lalaking 'yon at mamuhay kami ng anak ko ng payapa pero bakit ang sakit. Bakit nahihirapan akong huminga sa tuwing naalala ko 'yung sagutan namin kahapon sa mansyon niya. Alam kong kating-kati na syang patayin ako but since Peyton was there hindi niya ginawa. Pumikit ako ng mariin, hinarap ko si Carmela. Ngayon nasa mansyon niya kami ngayon, kakaalis lang ng kanyang kapatid dahil may pasok pa daw ito, wala na akong ibang mapupuntahan maliban sa mga kaibigan ko. "Saan ka ba galing? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko noon?" inis na tanong ko habang sinamaan s'ya ng tingin. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya, 'yun pala andito lang s'ya sa mansiyon nila at nag-papasara

