Riley's POV Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Kinusot ko ng dahan-dahan ang mata ko bago ko hahawiin na sana 'yung bagay na 'yun nang makita kong kamay ito, nilingon ko ang katabi. Nanlaki ang aking mga mata, hindi ako makapaniwala na buhay nga si Kiefer, buhay s'ya! Oh my gosh! Hindi panaginip 'yung nangyari kagabi, totoo 'yun. Damn! I'm crying again. Miss ko lang talaga ang lalaking 'to eh, mahal na mahal ko 'to, kahit na sarili ko kaya kong isakripisyo 'wag lang silang mawala sa akin ni Peyton. Nilandas ko ang kamay ko sa buhok niya. Hinaplos ko ito patungo sa gwapo nyang mukha, wala pang pangitaas na damit ang loko, himbing na himbing ang kanyang tulog, mukhang pagod na pagod. "Sleep tight, baby." Hinalikan ko s'ya sa pisnge 'saka ako nagpasya na bumaba

