Continue... Matayog ang maze. Kung titingnan mo ito mahihirapan ka talagang lumabas, kahit na sanggain mo pa 'yung mga patibong sa loob. Hindi ko alam hanggang kailan mananatili 'tong buhay ko sa akin, baka itong maze na 'to ang papatay sa akin. Tangina! Lumingon ako kay Kiefer. Tumaas ng bahagya ang kilay niya, inirapan ko naman s'ya. Talagang totohanin niya 'tong pagpapanggap niya, pambihira naman, gusto kong humingi ng tulong sa kanya, pero mukhang hindi niya ako matutulungan lalo na't may isang asungot rito, baka makahalata pa 'to at mag sumbong. Huminga ako ng malalim, makakaya ko 'to, kung hindi naman kakayanin ko. "Wish me luck." bulong ko at umiling. Hindi ko na nilingon si Kiefer, ngunit ramdam ko ang matalim na titig nito sa akin, I know he has plan, hindi s'ya pupunta ng w

