Me ilang araw na ang lumipas mag mula ng pangyayari na pinasok ang bahay ni Myleen, simula nga noon ay doon na naka tira si Mang Julio at Aling Belen. Masayang umuuwi si Myleen galing trabaho dahil me kasama na sya sa bahay, di na sya mag isa kumain, manood ng TV, etc... Meron na syang matatawag na pamilya sa piling ni Tatay Julio at Nanay Belen nya, di na din sya tinuring iba ng mag asawa, para na rin syang tunay na anak nito. Araw araw pag uwi nya hinihintay sya ng mag asawa para sa hapunan at kung pang gabi naman sya, parati itong pinag hahanda ng baong pag kain ni Belen. Masaya ang samahan nila sa tahanan nila Myleen kasama din nila minsan si Matt.... Madalas pa ding lumabas ang dalawa ngunit di pa din nag tatapat ng damdamin nya si Matt...
Night duty si Myleen naka assigned sya sa emergency, toxic sila ng gabing iyon, ang daming pasyente, lalo na ng me dumting na vehicular accident, sobrang dami ang pasyente nila. 3am na di naka pag break si Myleen, nag a assist sya sa doctor na nag stitch ng nasaksak sa balikat. Nahahalata na ng doctor na nanginginig ang kamay ni Myleen, kaya ng makatapos ito ay..."Nurse Myleen, what time ang huling kain mo?" nakangiti ito ke Myleen..."Naku doc sorry po , kanina pa pong 7pm"... inabot ng doctor ang nasa bulsa nito na chocolate...."eat this, mabilisan lang coz' theres another one coming"... nadinig ng doctor ang sirens ng ambulansya na padating kaya nya iyon nasabi ke Myleen. Kinuha naman kaagad ni Myleen ang chocolate at ..."let's go Myleen " tawag ng doctor ke Myleen dahil nasa tapat na ng pinto ang ambulansya. Agad na binuksan ni Myleen ang chocolate at kinain nya ang kalahati at ibinulsa ulit ang kalahati. habang papalakad na sinusundan ang doctor. Pag ka baba ng stretcher mula sa ambulansya, agad na kumilos ang doctor dala ang kanyang pin light chineck nito ang pupil ng pasyente, nag salita naman ang kasama ng pasyente. "Inatake po, me saki po sya sa puso"... agad na kinausap ng doctor ang kasamang nurse sa ambulansya. Samantalang si Myleen ng makalapit sa pasyente ay nagulat ito, dahil si Matt ang pasyente na dala ng ambulansya... Agad na kumilos and lahat... "Myleen paki pa page mo si Doctor Agoncillio naka duty sya ngayon dahil me operation sya kanina pasyente nya to."... mabilis na kumilos si Myleen agad na pina page nya ang doctor, kasalukuyan namang lilalagyan ng mga aparato si Matt. Maya maya pa ay dumating na si Doctor Agoncillio nag pa request ito sa intensive care. Dali dali naman ang lahat ay kumilos. Di malaman ni Myleen ang takbo ng kanyang emotion naiiyak sya pilit nya itong pinipigilan, nag aalala sya sa kalagayan ni Matt... isa si Myleen na kasama sa nag dala ke Matt sa intensive care unit.. at naka sunod din nun ang isang babae na lumuluha nasa idad 50 na mahigit, naisip ni Myleen na ito ang ina ni Matt, ang isa naman ay lalake na di nalalayo sa idad nung babae . Nasa pinto ng sinalubong ng nasa intensive care ang pasyente at doon ay di na pumasok si Myleen sa loob. Kausap ng doctor na kasama ni myleen sa E.R ang lalaki na hinala ni Myleen ay ang ama ni Matt. Matangakad ito at makisig ang tindig kahit halata na na me idad ito ang kanyang tayo ay katulad ni Matt. Nakita ni Myleen ang babae na di kalayuan sa pinto ng ICU na mag isa at nasa dibdib ang mga kamay at lumuluha, nilapitan ito ni Myleen at inakay papunta sa bench na nasa hallway at pinaupo nya. Hinawakan nya ang kamay nito at..."Wag po kayo mag alala, si doctor po ang bahala sa kanya. Gusto nyo po i pag pray natin sya?".. Tumingin ang babae ke Myleen, doon lang nasilayan ni Myleen ang babae, maganda ito at nahahawig ke Matt. Tumungo ang babae sa kanya, tanda ng pagsang ayon na mag dasal sila. Pinikit ni Myleen ang kanyang mga mata, habang di pa din nya binibitiwan ang kamay nito. Sumunod naman ang babae, ipinikit din nya ang kanyang mga mata, at nag dasal sila ng tahimik. Samantala ang doctor na kausap ng lalaki ay pumasok din sa ICU doon ay naiwan ang lalaki at nakita nya sila Myleen, naisip nya na lapitan ang mga ito. Tamang tama naman at natapos na mag dasal sila Myleen..."Salamat iha, tugon ng lalaki. " Im Tony and this is my wife Marielle" Inabot ni Tony ang kanyang kamay at tinugon naman ito ni Myleen. "Im Myleen".... Hinawakan ni Marielle ang kamay ni Myleen at.."salamat iha"..."walang anuman po yon".... nasa ganoong tagpo ng..."there you are" isang batang babae at malakas na tinawag si Myleen.. "Nurse Myleen!" at nakuha nito ang buong attention ng tatlo, tumakbo ito papalapit ke Myleen at niyakap sya nito.."I know you're here, why your not coming on my room? Ive been looking all over for you" tugon ng bata, hinaplos ni Myleen ang buhok ng bata at hinawakan ng dalawang kamay nya ang mukha nito at nilapit nya ang mukha nya dito.."Ive been so busy working little Miss but sure I'll be going to your room, so where is your face mask? i told you that you must wear it when you go outside right?"... "Naku anjan ka lang pala bata ka, Ms. Myleen sorry, naistorbo ka ni kathy", Lets go Kathy" hinawakan nito ang kamay ng bata. "Malalagot ako neto sa Mommy mo eh". No!, I wanna go with Nurse Myleen"... sabay tingin ke Myleen at "Please Nurse Myleen". .."okay you go first with your Yaya and I'll follow you"..."yes" ...kitang kita sa mukha ng bata ang saya ng pumayag si Myleen...Nauna na mag lakad ang mag Yaya at.." Pasensya na po kayo sa bata" sabay tingin ke Kathy.."Matagal na ba sya dito?" "Yes Ma'am, pabalik balik po sya, me leukemia po sya and shes preparing for her bone marrow transplant. shes only 4 years old but i can say na matapang sya and masayahin". Nasa kanto na paliko ang bata ng bumitiw ito sa kanyang yaya at tumakbo papunta ke Myleen, nakatayo na si Myleen noon ng tumakbo ang bata sa kanya, hinawakan ng bata ang kamay ni Myleen " lets go Nurse Myleen"...aya ng bata ke Myleen.."mauna na po ako sa inyo samahan ko lang po ang bata, nice to meet you po! at nag bigay galang si myleen sa pag yuko nito sa mag asawa, "Nice to meet you too Myleen, tugon ni Marielle. Minasdan ng mag asawa habang papalayo ang dalawa tuwang tuwa ang bata na siniswing pa nito ang kamay nila habang nag lalakad at sabay na tumatawa sina Myleen at ang bata sa mga kwento ng bata sa kanya... Naisip ng mag asawa na mabuting tao si Myleen, sinabi ni "Tony mapalad ang mapapangasawa ng bata na yan", "tama ka " tugon ni Marielle.
Lumipas ang mga araw nasa ICU pa din si Matt, paminsan minsan pinupuntahan ito ni Myleen. Di naman lagi nakakapunta ang Ama ni Matt dahil sa trabaho nito ngunit ang kanyang ina ay laging naroon. kumuha na ito ng room sa hotel na malapit sa ospital upang mas magadali puntahan ang anak, di rin naman pwede na mag hapon sya sa ICU me oras ang pag dalaw doon at para makapasok sa ICU. Nang ika limang araw na ni Matt sa ospital, naabutan ni Marielle si Myleen na hawak hawak nito ang kamay ni Matt, nabigla ito at nag tago sa kurtina ng sa me bed ni Matt naririnig nito na kinakausap nya si Matt at parang lumuluha ito sa pandinig nya hinayaan nya ito at pinakikingan ang ang sinasabi ni Myleen.."Matt, gumising ka na, miss na kita, sabi mo di ba kailangan lagi lang masaya, nami miss ko na yung kakulitan mo. Wala na kong kausap bago matulog, wala nadin mag dadala ng food sa akin sa ospital gusto mo ba pumayat ako, gising na Matt please, please Matt, promise pag labas mo mag le leave ako lalabas tayo parati, ipag luluto kita ng favorite mo ... please Matt wake up...Matt.." at biglang gumalaw ang kamay ni Matt na hawak ni Myleen... "Matt tell me naririnig mo ba ako? Matt"... sa tagpo na yun lumabas na si Marielle sa kinatatayuan nya at lumapit kila Myleen. "Matt if na ririnig mo ko pisilin mo kamay ko please"... at pinisil ng mahigpit ni Matt si Myleen at dahan dahan dinidilat ni Matt ang kanyang mata.."Thank you Matt hinalikan ni Myleen ang kamay ni Matt at si Marielle naman ay naiyak at hinalikan sa noo ang anak. "Kausapin mo po sya Ma'am, para mag response sya.".."Matt si Mommy to, Matt please lumaban ka please anak, I love you." at tumayo si Myleen at inalis ang pag kakahawak nya sa kamay ni Matt ng biglang hinabol ng kamay ni Matt ang kamay ni Myleen nagulat ang Ina nito. Tumigin si Myleen ke Marielle at nakuha ni Marielle ang ibig sabihin nito agad na hinawakan ni Marielle ang kamay ni Matt, at si Myleen ay pinindot ang button upang tumawag ng doctor. Matapos nun ay lumabas na si Myleen sa ICU.. Pinahiran nito ang kanyang luha at lumakad papalayo sa ICU habang nasasalubong nya ang mga nurse at doctor patungo sa ICU. Di mapigilan ni Myleen ang pag luha sa tuwa na okay na si Matt. Tinawagan nya si Nanay Belen upang ibalita ito at natuwa din naman ang matanda...
Minabuti ni Myleen na umuwi na, dahil sigurado sya na ma kaka recover na si Matt. Sa bahay nagulat sya dahil me bisita sya na nag aantay, nasa labas pa lang sya naamoy nya na ang masarap na niluto ni nanay Belen, at nakaramdam na sya ng gutom dahil dito. Pag bukas nya ng pinto..."Pam! Pammmmm...ha ha ha na miss kita" nag yakapan ang dalawa.."ako din sobrang na miss kita, kayo nila tatay at nanay belen." . "sus bihira ka naman tumawag sa amin!".."eh kasi nga busy po no!" at nag tawanan and dalawa. Nakita ni Myleen na madaming supot sa sofa...at lumapit ito at umuposa tabi ni Pam.."Pasalubong ko yan sa inyo" .."naku ha ! wala naman tong kapalit?..ha ha ha" at nag tawanan ang dalawa.
"Hey, Myleen tell me something, what happened na sayo, look at you nakauniform ka na pang nurse, I thought like mo pa mag aral?
"Well the plan was been created na kasama si Mom, but now she's gone, how can i possibly study, i can't let this house be gone anyways. Beside ito na lang ang naiwan na alaala ni Mommy. There's so much in this house, a memories that I wanna hold on."..." yeah i understand even a memories of us is in this house"... " Right, so maiba naman tayo how long you're gonna stay here?" .."well not so long alam mo naman na mag aaral ako dun, I decided na pinas muna ako kasi medjo di pa naman start ang klase.. Pero si Bingo nag aaral na sya dun well nauna naman sya sa akin dun late na ng dumating ako para sa school year. Pero yung 2nd sem papasok na ako. he he... saka na mi miss kaya kita..he he..." ..."Well I missed u too." at nag yakap ang mag kaibigan...."grabe para ilang buwan pa lang ang nakakalipas na miss na natin ang isat isa" maiyak iyak si Pam,.."Sorry ha, for not being here nung me nangyari sayo"...Sus.. ano ka ba lagi nga ikaw ang nan jan sa akin eh ..okay lang saka nanjan naman sila Tatay Julio at Matt"..."What? who's Matt?, Hello! somebody needs to explain something." nangiti si Myleen.." So kaya pala na parang di mo na ako kailangan dahil me Matt na"... Biglang me nag bukas ng pinto at napatingin ang dalawa.."Tatay Juliooo! " napasigaw si Pam sa tuwa, at nagulat naman si Julio, ngunit natuwa ito ng nilapitan sya ni Pam at nag mano sa kanya."Diaskeng bata ire kung makasigaw ah! ha ha ha... eh kamusta?"..."Gusko po itong si Pam akoy nagulat sa sigaw eh" lumabas si Aling Belen galing sa kusina.."Eh ikaw naman pala Belen di mo man lang na bangit sa text na nandito si Pam sana ay nakabili man lang ako ng nasalubong ng may mapag saluhan tayo." ..."Ay sus wag ka na mag alala at nag luto naman ako"..."ay kailan ka pa dumating Pam?"..."Kahapon lang po Tay, oh eto po pasalubong ko sayo Tay"..."Sya jan muna kayo Tay ni Pam mag kwentuhan at samahan ko lang saglit si Nanay at baka me kailanganin"...Masayang nag kwekwentuhan sila Pam at Mang Julio, samantalang si Myleen naman ay nag asikaso na na maayos ang mesa..."Nay me kulang pa po ba para mabili na po?"..."wala naman na iha".."ay magpa deliver po ako ng pizza Nay para mamaya pag di naubos eh me snack pa, sigurado kasi matagal tagal na kwentuhan to he he..."..."Wala ka bang pasok bukas?"..."Wala po Nay"...Naging masaya ang salu salo nila Myleen at ang kaibigan na si Pam pati na din ang mag asawang Julio at Belen.
Samantala, sa hospital bumubuti na ang lagay ni Matt, ilalabas na ito sa ICU at sa recovery room na ito tuluyang mag papagaling.
Dumalaw si Myleen kay Matt sinama nya si Pam. Naabutan nila dun ang magulang ni Matt. Pinagbuksan ng Mommy ni Matt ang kumakatok, at masayang nakita ni Matt na si Myleen iyon, "Hi Matt, good afternoon po"... "Come in" "salamat po"..."well, since narito na si nurse Myleen I guess you can formally introduce us Matt" salita ng daddy ni Matt, napangiti ang lahat. Lumapit si Myleen ke Matt, hinawakan nito ang kamay ni Matt at kinamusta ang lagay nito. at muli nag salita ang daddy ni Matt, "well Matt?" .."okay Dad, pasensya ka na sa Daddy ko masyadong makulit eh..."well guys this is Myleen my friend".."what? a friend" ..."dont mind her Myleen"... sabay tawa si Matt pati na ang magulang nito... "Myleen, my mom and my dad" ... "actually i met them already but we dont formally introduced and again Ma'am, Sir Its nice to meet you po, and by the way this is my best friend Pamela, Pam for short"..." Hi po!" ...ngumiuti naman ang magulang ni Matt ng pinakilala si Pam. "and finally I met you Pam"...inabot ni Matt ang kamay nya ke Pam, masaya namang binati ni Pam si Matt. "okay guys since, Nurse Myleen is here i guess we can go now. So pano Nurse Myleen I leave my son to you." masayang sabi ng mommy ni Matt, "well, we have to go anak" lumapit si Tony kay Matt at hinalikan ito sa noo at lumapit din ito ke Myleen at kinamayan si Myleen, "Im happy that I finally met you" sabay bati ng bezo bezo ni Tony ke Myleen at kinamayan din nya si Pam. Samantala ang Mommy naman ni Matt na si Marielle ay nag bibilin sa anak. "So anak we better go, I know Myleen will take care of you, right Myleen?" tumingin ito kay Myleen pag kasabi at tumango naman si Myleen, "so sweetheart, dont get to excited kasi tom makakalabas ka na, eat your fruits i already cut it in bite size nasa ref sya. and drink water okay!"..hinawakan ni matt ang kamay ng ina, at hinalikan nya ito. at hinalikan ni Marielle ang noo ni Matt,."thank you Mom and Dad.."okay, we will see you tomorrow, i love you".."i love you too Mom, and you too Dad, take care both of you and Dad dont drive"... natawa ang dad ni Matt at Mommy nya sa sinabi nito.
Nakaalis na ang mga magulang ni Matt at agad namang tinignan ni Myleen ang dextrose ni Matt, kinuhaan din nya ito ng bp. "so, im okay now right?" "yep you are, but u must handle your emotion very well, mahina pa din sa ngayon ang puso mo." "Well let me check,"...hinawakan ni Pam ang pulse ni matt sa kanan at chineck nya ang heart beat nito..."please try to relax" "yes, doc" at nag tawanan ang tatlo pag kasabi noon ni Matt.
Masayang nag kwentuhan ang tatlo, di nila namanlayan na isat kalahating oras na pala sila nakapag kwentuhan. Me nag rounds na na nurse sa room ni Matt hinanda nito ang mga gamot ni Matt. Kilala ni Myleen ang nag rounds kaya kinausap nya ito tungkol sa lagay ni Matt at na confirm naman sa kanya na pwede na nga ito makalabas kung magiging stable ang bp ni Matt. Pag kaalis ng Nurse, agad na lumapit si Myleen ke Matt at pinainom nya ito ng gamot."You better take a rest dont worry i'll stay here with you for tonight, wala naman akong pasok tomorrow eh. Pam can you also stay?"..."Oo naman wala naman akong gagawin din eh."... "So yan ha me 2 Nurse ka na mag babantay sayo tonight, for now you need to rest, so take a sleep."..."Promise pag gising ko nandito ka pa?"... nangiti si Myleen..."Opo! promise".. i pinikit ni Matt ang mata nito, antok din naman sya, nais din nya talaga matulog kaya lang ay napasarap sya sa pakikinig nya ke Pam na noon ay bumabangka sa kwentuhan nila. Hinalikan ni Myleen ang noo ni Matt at inayos nito ang kumot ni Matt. Samantala si Pam naman ay nanood ng movie sa cellphone nito. Habang natutulog si Matt nag paalam ito ke Pam na bibili ng Pag kain sa labas, ngunit nais ni Pam na sumama dito. kaya iniwan nila si Matta sa room at nag bilin si Myleen sa nursing station na kung maaari ay tignan tignan muna ang room ni Matt dahil bibili lang sila saglit sa canteen.
Matapos makabili ng pagkain ang dalawa, pag panik nila sa floor kung san naroon ang room ni Matt ay nag kakaroon ng panic nakita nila na me mga aparato na tinutulak ang nurse, natakot si Myleen at tumakbo nag madali ang mga ito na maka punta sa room ni Matt, tamang tama naman nakita nya ng malapit na sila sa room ni Matt na me lumabas na nurse at doctor dito. Natakot si Myleen at dali daling pumasok sa room ni Matt na kasalukuyang kumakain ng fruit na binilin ng ina. Gulat na gulat si Matt ng makita si Myleen at si Pam,"My God akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo"..."Why?"... I woke up kasi dumating ang doctor and medjo nagutom ako" ..."okay, dont you need anything else?" ..."okay na ko dito sa fruits" ..." bumili kami ng food"... "Nga pala pupunta si tatay Julio here kasi nag padala ako ng gamit namin ni Pam." ..."Hey guys, okay lang ba mauna na ko kumain Myleen, gutom na ko eh" at natawa naman ang dalawa.."okay, ikaw uubusin mo ba yan?" ..."kumain ka na din Myleen wag mo na ako intindihin kaya ko na to" sabay ngiti ni Matt, na kinilig naman si Myleen.
Kinabukasan, maagang nag punta ang mag asawa sa ospital, agad na nag tungo si Tony sa billing section at sa doctor ni Matt. Samantala si Marrielle naabutang natutulog ang dalawa si Pam ay sa maliit na kama at si Myleen naman ay sa sofa. Dahan dahan ding lumapit si Marielle sa anak na mahimbing din ang tulog at humalik ito sa noo ng binata. Maya maya pa ay may kumatok sa pinto, at nagising si Myleen, ang doctor ni Matt kasama ang nurse na naka duty ng umaga na iyon, kilala ito ni Myleen kaya agad na bumangon ito at nag bigay galang, "oh Nurse Myleen, andito ka pala" ngumiti lang si Myleen, agad namang nilapitan ng doctor si Matt, nagising na din si Matt ganun din si Pam. habang nag aayos ng mga pinag tulugan nila ang dalawa ay bumukas ulit ang pinto this time ang daddy naman ni Matt. "well Matt I guess u knew na kung ano ang mga ibibilin ko, wag masyado mag pagod, okay? ".. tumungo naman si Matt.. agad na sinuri ng doctor si Matt at kinuha ang record nito na hawak ng nurse at pinirmahan ang chart, pwede na lumabas si Matt ng hospital.