ALEX POV
Sa wakas after how many hours na biyahe nakarating din ng bahay. Nakakapagod ang traffic sa Eds
"Ma, andito na ako! sabay sandal sa upuan namin sa sala.
"Oh, anak, ginabi ka na nang uwi ah mukhang pagod na pagod ka ?
Napatingin ako sa pinanggalingan nito, galing pala ito sa kusina.
"Oo ma, grabe ang traffic maisusumpa mo ang EDSA" ang pagsang ayon ko dito.
"Ganon ba, o sige magpalit ka na, nang maginhawaan ka, at maghahanda na ako para makakain na tayo
"Cge po ma" sabay diretcho na sa aking kuwarto upang magpalit ng aking damit.
___________________
"Wow! Ma, ang bango naman ng niluto mo na pakbet , nakakagutom amoy pa lang, nakakapanglaway na, mapaparami ang kain ko nito." ang sabi ko habang dire-diretso akong nagtungo sa may lababo upang maghuhas nang kamay.
"Ma, magkakamay na ako, hindi ko na gagamiting ang mga kutsarang nilagay po ninyo" sabay balik ng kobyertos sa lagayanan nito.
'ikaw talagang bata ka, parang ang inihain ko naman ay napaka special, masyado kang eksaherada". nangingiting sambit ng napaka bait kung ina..
"hindi ako nagbibiro, totoo ang sinasabi ko, sa lutuin champion, talaga pagkain mo mama. Ang swerte ko sayo ma.
"Siya, tama na ang papuri at kumain ka ng maigi, grabe ang payat mo hindi ko alam saan mo dinadala pagkain mo".
"Ay naku ma, hindi mo ba nakikita ang mga biceps na ito jan napupunta ang kinakain ko. Pang trabahong kalabaw kaya ang lakas ko."
"Hehehehe alam naman natin na amasona ka, kaya siya kain maigi", siyanga pala kamusta unang araw mo bilang intern?
" ugh, ugh, ugh" pagkasamid ko sa aking kinakain .
"ito anak, uminom ka muna" sabay hagod sa aking likuran.
"Ano ka ba namang bata ka, josme nguyain mo kaya kinakain mo para hindi ka nabibilaukan"
'Salamat Ma" huminga muna ako ng malalim bago muli sumagot sa aking ina, isang magandang ngiti ang ibingay ko kay mama.
"Ayos lang naman ang aking orientation, ma. Na assign ako bilang assistant P.A. ng Presidente, o diba Ma, ang galing nang anak mo." Hindi ko na kwinento sa aking ina ang tunay na nangyari ayaw ko din naman na siya ay magalala pa sa akin. Simula nang pumanaw ang aking ama ay akin nang pinangako sa kanyang puntod na hinding-hindi ko bibigyan ng sama ng loob si mama, at kahit kaylan ay hindi ko siya bibigyan ng ano mang bagay na ipag-aalala niya.
"Oo naman anak, ikaw pa manang-mana ka sa.."
"Sa inyo ni Papa, alam ko na yun ma" ang pagputol ko sa sasabihin niya.
"Hindi sa amin ni Papa mo, manang-mana ka sa pinaglihian ko anak sayo, kaya ganyan ka katalino at kaganda"
"Huh? eh saan niyo nga ba ako pinaglihi ma, 22years old na ako pero hanggang ngayon wala pa din akong idea sa pinaglihian niyo sa akin" huhualaan ko sa artista ba?
"hindi"
Sa manyika,"
"hindi"
sa mga models"
"hindi"
"presidente, prinsesa, athlete"
"hinddddddddiiiii" ngiti pa nito sa akin
"uhmmmmm, ay ma sirit na, saan mo nga ako pinaglihi?
"naku, anak tuwang-tuwa ako sa pinaglihi ko sayo, sabi nila nakakatalino daw yun pagkain na yun kaya siguro matalino ka, tpos ung kutis makinis at napaka ganda mo dhil siguro sa pagkain na yun"
"Aha, alam ko na ma, siguradong tama na ako sa mani mo ako pinaglihi ano"
" ay hindi anak" pailing niyang sabi habang nangingiti na sabi ni mama
"ay ang hirap naman isipin yang pagkain na pinaglihian mo sa akin" sabay tyo upang ayosin na ang aming kinainan at hugasan na rin ito.
"Hehehe, madali lang naman kahit nga saan nabibili ito, sasabihin ko na anak, pinaglihi kita sa puwet ng manok"
"pwet ng manok" muntik ko pang maibagsak mga platong huhugasan ko sa kanyang tuwiran.
"ma, anong mganda sa pwet ng manok at ma paano naging makinis ito? tska madaldal daw sabi nila ang batang resulta ng paglilihian nito" napapaisip kung tanong.
"naku basta anak pinili namn ni tatay mo yung pinaka makinis at pinaka maputing pwet ng manok, tpos hindi ko ito pinaluluto kasi gusto ko lang siyang titigan. Tignan mo nga anak ang kinis mo at ang puti mo pa, kissable lips ka pa, marami ngang nagsasabi na hawig mo yung artista sa hollywood na siiiiiii , yun si Audrey Hepburns.
"ayos batang-bata ang hawig ko ma hahahaha" siya sige na ma, tapos na itong hugasan na ito, tulog na tayo. good night ma". sabay halik sa aking ina.
"kaloka ka ma, hahahahaha"
"maganda, makinis , kissable lips, tapos sa pwet lang ng manok ako pinaglihi, ay iba ka mader.
goodnight again ,ma.
itutuloy...