Halos takbuhin na ni Alexandra ang gusaling kanyang pinagtratrainingan, dahil sa hindi ito nakakuwa ng sasakyan kaagad.
Hinihingal pa itong pumasok sa gusali. kapansin -pansin din na wala pang kahit isang tao sa gusali,kahit ang mga janitors ay wala pa bakante rin ang reception area nito. Maigi at ang guwardiya ng kumpanya ay pinapasok siya nang sabihin niya kung saan siyang assign na department, parang nag taka pa nga ito nang sinabi niya na pinapapasok siya ng maaga ng boss niya.
Pag pasok nang elevator ay napa silip siya sa kanyan wristwatch at nakita na meron na lamang limang minuto bago sumapit ang ala- singko, kinakabahan man ay pinakampante pa din nito ang kanyang isip.
"Ang tindi naman kasi ng utak ng boss ko saan ka naka kita na 5a.m. reporting ng trabaho, call center lang ang peg. Hayyssss,
Hoy! Alex, tandaaan mo dapat makatiis ka sa kumpanyang ito para ma absorve ka nila, kung hindi good bye na lamang sa pangarap mo maitravel ang mother dear mo sa ibang bansa at makabili ng sarili niyong bahay." ang usal pa nito sa sarili.
Sa pagsapit ng elevator sa silid ng office of the Chairman ay nagatubili pumunta ang dalaga sa cubicle nito, napahinga ito ng malalim nang makita wala pang tao sa palapag, sinipat nito ang kanyang relo ala-singko diyes (5:10)na ng umaga, malamang wala pa din ang boss nito, muli ay nagpakawala ito ng malalim na paghinga,bago pa man mahimasmasan sa kabang bumalot sa kanya ay narinig na nito ang pag tunog ng intercom..
Pinindot nito ang answering machine at walang ka abog-abog na narinig niya ang madiin at naiinis na boses ng kanyang boss.
" Ms. Carreon you're 10minutes late, come to my office, now! ang wika pa nito at binaba na ang telepono.
Muli ay nabuhay ang kaba sa kanyang dibdib, parang napa karaming mga kabayo ang nagkakarerahan sa kanyang dibdib, samantalang ang kanyang lalamunan ay parang may nakabarang isang bato na nagpapahirap sa kanyang huminga.
Kumatok muna ang dalaga nang mahina sa pintuan nito bago pumasok sa silid ng kanyang amo.
"Sir, good morning" ang bati nito
Bagkus na batiin siya nito ay tiim bagang tinitigan lamang niya ito.
"Ms.Carreon, where is your cellphone?" ang masungit na pagtatanong nito.
"Po? Cellphone?ang pagtatakang tanong nito.
"Are you deaf?" I don't repeat my question! ang naiiritang sagot nito.
"Sir, andito po sa akin" ang kinakabahang sagot nito.
"Good, now look at it! ang utos ng kanyang boss, habang nakatitig ito sa kanya.
Dali-dali naman kinuwa ito ni Alexandra sa kanyang bulsa at binuksan, nagulat ito na may 5messages and 20missed calls ang kanyang cellphone, at lahat ito ay galing sa kanyang boss.
"Sorry sir if I am late, I wasn't able to get a cab at once, masyado pa po kasing maaga kaya wala pa pung byahe sa lugar namin. ang tugon niya habang yukong-yuko ang ulo nito.
"So kasalanan ko pa kaya hindi ka naka rating ng maaga? Ang masungit na wika nito.
"No, No Sir! " ang pag aatubili na sagot nito.
"What I mean is" ang pangangatwiran pa sana nito ngunit pinigilan na siya ng kanyang boss, sa pamamagitan ng pag muwestra ng kamay nito.
"Save your alibis or your reasoning some other time,I don't need it, I have so many things to do to listen to your pathetic alibis." ang walang kagana-ganang sagot nito.
May kinuwa itong papel sa lamesa nito sabay abot sa kanya.
" I prepare some list of what you need to do today and on the next following days to come. As my PA I want you to be on time and be always ready." Sabay tingin nito sa kanya, simula sa mukha nito gang paibaba, tumikhim muna ito bago muli nagsalita
"First I need you to make me some coffee, and come back here quickly, siguro naman marunong ka gumawa ng kape, o baka natutulog pa utak mo at kahit pag gawa ng kape eh hndi mo magawa" ang kumento nito dito.
"Yes Sir, Alam ko po gumawa ng kape, may I ask kung you want your coffee with sugar and cream?"
"black and no sugar"ang seryosong sagot nito habang nakatitig sa kanya
"Yes Sir," umalis na siya upang gumawa ng kape nito.
Sa paglabas nito ay nakasalubong niya si Julia, binati niya ito at ngumiti din ito sa kanya.
"Where are you going?"
'Gagawa po ako ng kape ni sir, ma'am." ang tugon nito sa kanya.
"Okay, the pantry is at the right side. minuwestra pa nito ang papunta sa pantry.
"A okay po ma'am,.thank you po." At deretchong.pumunta sa lugar na itinuro.
__________
"That coffee, smells divine! habang sumisinghot -singhot pa si Julia sa aroma ng kapeng ginagawa ni Alexandra.
"Thank you po maam"
"Hey kanina ko pa na papansin ang pagtawag mo sa akin na ma'am, do I look old? taas kilay na tanong nito.
' Naku ma'am, hindi po ang bata -bata niyo nga po tignan." ang apuhap na sagot nito.
"Really, how old do you think I am?
"Siguro po ay nasa 25 kayo? ang nangingiting sagot.nito
"See, I don't look old, but I am already 28, kaya huwag mo ako po-poin, just call me Julia, okay? how about you how old are you?
Sige Julia, I am 22 years old!
"Wow, your young! Na siya naman pinamulahan ni Alexandra..
"Anyway you go now, Alexandra for sure our boss is waiting for that heavenly coffee"
Ngumiti lamang ito at sabay lumakad na papunta sa opisina nang boss.
______________
Kinakabahan si Alexandra while waiting for his boss verdict on the coffee that he made,halos naka ilang lagok na ito ng kape ngumit wala pa rin itong komento, ni hindi rin siya kinakausap. kung kayat naka tayo pa rin siya sa harapan ng mesa nito uoang hintayin ang utos nito.
.
"Hindi yata masarap kaya wala itong salita, ginawa ko naman ng tama yung sukat ng kape ni papa, baka naman jinojoke lang ako ni papa nuon nang sabihin niyang masarap ang pagtimpla ng kape ko"
Nahinto lamang ang pag-iisip nito nang nagsalita ang boss niya,
"I must say your coffee is okay. Ms. Carreon, from now on I want you to exclusively.prepare my coffee,.I want it serve at 6am- 10.am and at 12 noon. Also when we are outside you have to bring a coffee for me, hindi na ako pabibili sa labas okay na itong timplada mo. By the way here are the.things that you will do for this week,. iniabot nito ang isang folder at nandun lahat ng kanyang gagawin.
"Do you have any questions on it?" ang tanong nito while he is drinking his coffee.
"Wala po sir".Ang sagot nito
Good, if that is so you may go now" ang ma autoridad na salita nito.
____________
"So how does he find your coffee? Ang tanong ni Julia.
"Okay naman daw" At kwinento nito ang utos ng boss niya sa kanya.
"Wow, okay lang sagot niya pero sa inutos niya sayo eh parang naging dextrose ang kape sa katawan niya. Ano yern, "Coffee is life" natatawang usal nito sa kanya.
Napatawa na lang din ito, at nailing iling pa.
Itutuloy....
.