KABANATA 12 Yael “Oh, susunduin pa ba kita mamayang pag uwi?” Tanong sa akin ni Kuya Uriel. Hinatid kasi ako nito ngayon. Hindi na nga sana ako mag papahatid at sasakay na lamang ako ng Jeep. Subalit si Nanay Ising ang nagsabi na ihatid ako nito sa tricycle na ginagamit ng magkakapatid sa tuwing dadalhin ang mga tindang isda sa talipapa. “Wag na, Kuya Uriel. Kaya ko na ito. Sige na, umalis ka na at hihintayin ko na lamang ang kumare ni Nanay Ising. Baka iwan ka na ng bangka. “Hindi nila gagawin iyon. Oh siya, sunduin na lamang kita. Anong oras ba ang sara ng bakery na ito?” Tanong nito sa akin. “Mga 6PM. Wag na Kuya Uriel. Mag jejeep na lamang ako. Kaya ko naman na.” Sagot ko rito. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Aling Tarsing. Ito yung kapatid ng kumare ni Nanay Ising. Siya

