“Isla Tamarrah. ( 2 )”

3137 Words
“Nanay Mercy, kumusta na. Namiss kita.” Sambit ni Kuya Uriel at niyakap ang matanda ng mahigpit. Ganun na ganun talaga ang personality ni Kuya Uriel. Kahit kay Nanay ay ganun rin ito kalambing eh. “Ang tagal mo kasi muling dumalaw rito. Akala ko nga hindi ka na babalik at kinalimutan mo na kami.” Nagtatampong wika nito sa kapatid ko. “Naging busy lang. Pwede ko ba naman kalimutan ang lugar na ito. Hayaan mo, Nay. Dadalasan ko na ang pagpunta rito ngayon. Siyangapala, si Gabriel. Kapatid ko, Nanay Mercy.” Pagpapakilala sa akin ni Kuya Uriel. Nag mano ako rito na ikinatawa nito. Napakunot noo tuloy ako kung bakit ito natawa. “Sorry. Kapatid ka nga ni Uriel. Hindi matatawaran at makakaila ang kagwapuhan na taglay mo pero magkaibang magkaiba ang personalidad ninyong dalawa. Magalang at mabait ka. Samantalang ito, nakuuu…! Napaka maloko.” Pag sagot nito sa nagtatanong kong tingin rito. “Nanay Mercy naman. Mabait kaya ako. Kaya nga paborito mo ako, eh.” sambit nito na ikinatango lang ng matandang babae. “Oh siya, mamaya na tayo mag kwentuhan at mag kulitan. Halina kayo sa loob, tamang tama at marami akong niluto. Mga paborito mo halos, Uriel. May okasyon kasi rito. Tiyak na matutuwa si Gov kapag nakita ka nun.” Nakangiting sambit ni Nanay Mercy sa amin habang naglalakad papasok sa loob. “Nasaan ba si Fifi Tamarrah?” Tanong ni Kuya Uriel kay Nanay Mercy. Natawa pa nga ito sa sinabi ni Kuya Ur pero sinagot rin naman. “Nasa opisina pa niya. May mga dumating kasi rito na galing Maynila. Mga kaibigan at barkada niya yata o kapartido na rin. Basta alinman sa mga iyon. Kanina pa nga sila roon. Malamang mainit na naman ang ulo nun kapag lumabas. Mabuti na lang at napadalawa ka ng lumitaw muli ang ngiti sa mga labi nun. Kaya kumain na muna kayong dalawa. Tiyak kasi na mag iinuman na naman kayo agad. Maganda na may laman munang pagkain ang mga sikmura ninyo.” Sagot nito kay Kuya Uriel. Tatlong pangalan na ang nacucurious ako. Si Mama Rene, Gov. Arciaga at ngayon naman si Fifi Tamarrah. Sino kaya ang mga iyon? Yun ba ang mga chumupa kay Kuya Uriel at nag paranas ng unang karanasan nito sa bading o lalaki. Ang laki talaga ng bahay na narito. Para kaming nasa isang luxury resorts sa ibang bansa na nakikita ko lamang sa mga magazine na pinambabalot ni Nanay ng Daing at Tinapa. Halatang maalwan sa buhay ang nakatira rito. Sinisigaw iyon ng bawat muebles na nakikita ko sa labas pa lang ng kabahayan nito. Pinaupo kami nito sa kubo na nasa labas. Mas masarap daw kasi roon kumain habang nakatanaw sa labas. Pinaupo kami ni Nanay Mercy roon. Mag hintay lang daw kami saglit at mag hahain lamang ito. Bakas talaga sa mukha nito ang kasiyahan. Nagpasalamat naman kami ni Kuya Uriel rito. “Grabe. Napaka ganda naman ng bahay na ito, Kuya Uriel. Habang naghihirap ang mga tao sa lalawigan natin ay napaka alwan ng buhay ni Gov. Kaya naman hindi maiwasan na maikonekta sa kanya ang pagiging mandarambong. Hindi ko maimagine kung gaano kalaking pera ang magagastos mo makapag patayo ka lang nito.” Prangkang sambit ko rito na ikinangiti lang nito sa akin. “Wala naman tayong alam sa mundo ng pulitika. Pero hindi ba’t mayaman naman talaga ang buong angkan nila kahit hindi pa sila napasok sa pulitika. Saka ang alam ko last term na ni Gov. Ayaw na raw niyang tumakbo. Yun ang huling balita ko.” Tugon nito sa akin. “Ang sabi ni Nanay Mercy ay bihira ka na lang mag tungo rito. Bakit Kuya? Saka kung bihira ka nag tutungo rito. Saan ka nag pupunta minsan sa tuwing nawawala ka ng hapon. Imposible naman na nasa bahay ka lang at nagpapalaki ng bayag. Hindi ka pa naman mapirme sa isang lugar.” Sunod sunod na tanong ko rito “Tang ina naman, Bro. Ang dami mong tanong. Reporter ka ba? Pero sige sasagutin ko iyan. Matagal na muli ng huli akong makabisita rito. Iniwasan ko talaga. Sa bayan ako nag tutungo minsan. Para mag sugal. Hahaha.” Wika nito na natatawa. What the fuck..! Kailan pa ito natutunong mag sugal. Saka anong dahilan nito para umiwas muna ng pag bisita rito? At bakit ngayon lang din nito naisipan na bumalik. Itatanong ko na sana ang mga tanong sa isip ko ng bigla naman sumulpot ang mga kasambahay na may dala dalang maraming pagkain. Kasunod nito si Nanay Mercy. May kaldereta, sinigang na hipon, cordon bleu, lechon, alimango, pusit at kung ano ano pa na hindi ko na alam ang tawag. Mabuti na lang at isa isang ipinaliwanag iyon ni Nanay Mercy. “Kumain kayo mga anak, wag kayo mahiya. Maya maya lang ay matatapos na rin ang meeting ni Gov. Pakabusog kayo, Uriel at Gabriel. Siya at maiwan ko muna kayong dalawa. Kung may kailangan kayo ay wag kayong mahihiya na tawagin ako o kung sino man kila Lily at Bertha.” Wika nito bago kami iniwan na dalawa ni Kuya. “Kain na, Bro. Kailangan natin yan dahil mapapasabak tayo mamaya. Hahaha.” Sambit ni Kuya sa akin at kung ano ano ng putahe ng pagkain ang nilagay sa plato nito. Ginaya ko na lang rin ito dahil nagugutom na rin naman na ako kanina pa. Makalipas ang ilang sandali ay naging abala na kami sa pagkain. Wala kaming imikan ni Kuya Uriel. Nakatuon lang ang pansin ko sa pagkain. Ang sasarap naman kasi ng mga pagkain na nakahanda sa hapag kainan. Gusto ko pa nga sanang kumain pero busog na busog na talaga ako. First time kung lumamon ng wagas. Kain construction worker talaga ang ginawa ko. Inabutan ako ni Kuya Uriel ng yosi. Tumanggi lang ako dahil hindi naman ako naninigarilyo. Umalis na kami sa lamesa upang mag pababa ng kinain. Habang inaasikaso ng mga kasambahay ang mga pinag kainan namin. Maya Maya pa ay may narinig kami na grupo na nagtatawanan habang papalapit sa pwesto namin. Hindi pa kami nila nakikita pero nung mapaharap na sila sa gawi namin ay sabay sabay silang natahimik at napatulala na lang sa aming dalawa ni Kuya Uriel. Si Gov. Arciaga ang unang bumasag ng katahimikan at mabilis na nilapitan si Kuya Uriel. Sabay niyakap nito ng mahigpit si Kuya. Hindi ko akalain na bata pa pala ang itsura nito. Mukha kasing matanda ang imahe nito sa mga posters na nakakalat sa isla. Unang beses ko lang din kasi makikita ng personal ito. Hinayaan ko lang na mag moment ang dalawa. “I hate you…! Bakit ngayon ka lang napadalaw, ha. Nakakainis ka. Ilang beses kitang tinatawagan pero hindi mo ako sinasagot. Kahit reply lang sa text ko wala. Asar.” Maktol nito kay Kuya Uriel na natawa lang. Para itong bata na nagtatampo kay Kuya Ur. “Naging busy lang ako, Beh. Wag ka na magalit sa akin. Mag aaway pa ba tayo, eh nandito na nga ako.” Dahilan ni Kuya Uriel. Beh? Beh, talaga. May relasyon ba ang dalawang ito. “Busy raw. Kilala kita. Sorry na nga, eh. Kung nagalit ka man sa ginawa ko nun. Sorry na. Alam mo naman na fetish ko lang talaga iyon. Hindi ko na uulitin kung hindi mo gusto talaga.” Mahinang sambit nito kay Kuya Uriel. Medyo malapit lang kasi ako sa kanila kaya kahit paano ay naririnig ko ang usapan nila. “Okay na yun. Wala na sa akin iyon. Napag isip isip ko naman na ikaw yan, eh. Tatanggapin ko na lamang. Malay mo, kaya nga ako nag punta rito para tuparin yung hiling mo. Hahaha.” Sambit ni Kuya Uriel rito. “OMG! Talaga? Gosh.. Nakakasabik naman iyon. Pero hindi kita pipilitin. Gusto ko yung gusto mo rin talaga. Natuto na ako, Beh.” Sambit nito kay Kuya Uriel. Hindi ko naiintindihan ang usapan nila pero ang alam ko lang ay nag katampuhan sila. Saglit na nawala ang pokus nito kay Kuya Uriel at napatingin sa gawi ko. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin o ikikilos ko sa harapan nito. Kaya tumayo na lang ako roon at tinignan lang din ito. “Lahi talaga kayo ng mga gwapo, Beh. Ang gwapo at ang macho rin ng kapatid mo, Fuck.!” Wika ni Gov. pagkaraan. Nahiya tuloy ako bigla sa sinabi nito. “Mukha ngang nagwapuhan ka. Natulala ka na, eh. Nga pala, Beh. Si Gabriel. Kapatid ko, bunso namin siya, actually.” Pakilala ni Kuya sa akin. Nilapitan ako ni Gov. Ilalahad ko na sana ang kamay ko rito pero mas gusto nito ang manyakap. Kaya nagulat man ako sa ginawa nito ay wala na akong nagawa. Hinayaan ko na lamang na yakapin ako nito. “Gosh..! Ang titigas din ng muscles mo. Patingin nga ako ng abs mo?” Wika nito ng mag hiwalay kami ng yakap. Sabay taas ng laylayan ng T Shirt kong puti. Tumambad tuloy sa harapan nito ang perpekto ko na namumutok na abs. Narinig ko pa na napasinghap ang mga kasama ni Gov sa paligid. Nang mapatingin ako sa kanila ay nakita ko na nakatingin rin pala ang mga ito sa akin. Yung iba nga ay natulala pa sa akin. “OMG…! Ang ganda ng abs mo. At mukhang may malaki ka ring itinatago sa likod ng pantalon na ito. Shit.” Namamanghang sambit nito bago ibinaba ang tshirt ko. Kitang kita ko pa ang pag kagat ng labi at ang mga pagnanasa sa mga mata nito. Halatang natakam sa akin si kupal. “Walang maliit na b***t sa aming mga magkakapatid. Alam mo yan, Beh. Hahaha.” Natatawa na sambit ni Kuya Ur kay Gov. “I know, Beh. I know. Anyway, ilang araw kayo mag stay rito? Tamang tama narito ang mga kaibigan ko. Ilang beses na silang nag tatanong sa iyo.” Sabik na sambit ni Gov. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi nito ng makita nito na kumamot sa ulo si Kuya Uriel. “I’m sorry, Beh pero hindi kami pwedeng mag tagal rito. Hahanapin itong si Bro sa bahay at ako. Kaya saglit lang talaga kami rito. Alam mo naman na may trabaho pa kami bukas ng umaga.” Sagot ni Kuya Uriel rito. “Sasagutin ko na ang kikitain nyo ng isang buwan kahit isang taon pa. Titriplehin ko at ng mga kaibigan ko. Mag stay lang kayo rito.” Nakikiusap na sambit ni Gov kay Kuya pero umiling iling ito. Hindi kasi talaga kami pwedeng magtagal roon. Malilintikan kami kay Nanay. “Alam mong hindi ko pwedeng gawin iyon. Sinabi ko naman na ito noon pa, beh. Pakiunawa naman.” Malumanay na sambit ni Kuya rito. Naninibago ako sa napaka mahinahon na pag sasalita nito kay Gov. Kung kami lang ang naroon tiyak na matatawa talaga ako ng malala. “Fine..! But on one condition. Gusto kong gawin na natin ang matagal ko ng hinihiling sa iyo, Beh. Gusto ko i level up na natin ang relasyon natin. Sabi mo naman sa akin na baka magawa mo na rin ang hiling ko. Yeah, pinipilit na kita. ” Bulong ni Gov kay Kuya Uriel. Walang nakakaalam kung ano ang ibinulong nito kay Kuya pero kita ko ang pag ngiti nito. “Sure, beh. Kaya nga ako nandito eh. Para pasayahin ka.” Sagot ni Kuya Uriel rito. Wala tuloy akong naintindihan sa pinag uusapan nila. Napatalon na lang muli sa kasiyahan si Gov at niyakap si Kuya Uriel. Hanggang sa ipinakilala na ni Gov. Isa isa ang mga kaibigan nito. “This is Direk Alvin, a.k.a Curacha ang tirador ng mga artista. Sikat siyang direktor ng mga BL series o movies. Creative director rin siya ng isang sikat na reality tv show na PBB. Pinoy Big Barbie.” Pakilala nito sa isang nakasalamin na lalaki. Mga nasa 40 years old na siguro ang edad nito. Parang nakita ko na nga ito na nainterview sa balita. Pamilyar kasi ang itsura nito. “Eto naman si Maykel kwatro a.k.a Danding Cojuangco este Mariposa , Fashion Designer na naka base sa dubai. Hindi siya si Randy Santiago, mahilig lang talaga siya mag suot ng shades.” Ikalawang kaibigan ni Gov na ramdam ko na todo ang sipat sa akin kanina pa. Kahit nakatago ang mga mata nito. Halatang bading ito base na rin sa kilos at pananalita nito. All black ang lahat ng kasuotan nito. May lahi yata itong bampira kaya naka shades. Hindi pa naman ordinaryong salamin iyon. Yung magarbo at madaming design pa. Tingin ko nasa 40 plus na rin ang edad nito. “Ito naman si Gay Obundo a.k.a Bato dela rosa este Mary Antonuweyt Winters, Tv Host and manager ng mga artista. I’m sure nakikita niyo na rin siya sa mga palabas sa telebisyon. Lalo na sa mga showbiz balita” Sambit ni Gov. Ito yung kilalang kilala ko. Tama nga ako ng hinala na ito yung kalbo na iyon. Hindi ba’t may boyfriend ito. Ayon sa napanood ko kamakailan. Nag celebrate pa nga ang dalawa ng anniversary nila. “Last but not the least, is Dr. Reyes. A.k.a Piolo Askal. Isa siyang sikat na doktor. Wag nyo ng alamin kung saan. Hahahaha.” Sambit nito sa lalaking mukhang seryoso. “Mukhang mga bigatin tong mga kaibigan mo, Beh. How come na ngayon ko lang sila nakilala?” Tanong muli ni Kuya Uriel kay Gov. Ngumiti lang si Gov rito. Saka lumapit sa akin. Ngumiti ito sa akin ng nakakaloko. “Kilala mo ako, beh. Dekalidad lagi ang gusto ko. Kaya nga kita pinili, hindi ba. Kakayanin ka ng mga iyan. Baka nga ikaw pa ang sumuko sa kanila.” Sambit ni Gov kay Kuya Uriel. “Palagi ka niyang ikinukwento sa amin pero ayaw ka sa amin ipakilala. Noong una nga ay hindi kami naniniwala. Iniisip namin na nag iilusyon lang itong kaibigan namin. Pero ngayon naniniwala na ako. Hindi ka lang gwapo, simpatiko ka rin.” Wika ng mapangahas na direktor na sinang ayunan naman ni Maykel Kwatro. “Syempre, iniingatan ko lang ang taong mahal ko. Baka mamaya mainlove pa siya sa inyo. Mabilis pa naman itong mainlove lalo na kapag inaasikaso siya ng matindi. Gustong gusto kasi nito ni Beh na pinagsisilbihan.” Wika ni Gov sa mga kaibigan nito. Hindi naman siguro ito tulad ni Ate Dina na asawa ni Kuya Raph kung mag selos siguro. Hindi ko naman siya nakitaan ng ganoon na ugali. “O sya, maliligo muna ako. Kayo mag siligo na rin kayo. Malay niyo isa sa inyo ang mapili ni Gabriel at makantot. Mahiya naman kayo. Maglinis kayo ng mga pukelya niyo. Hahaha.” Wika ni Gov na ikinatawa ng mga kaibigan nito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit sa mga sinasabi nito. Paano ko naman sila pipiliin. Pero ng mapatingin ako kay Kuya Uriel ay naalala ko na naman ang sinabi nito sa akin kanina. Inisip ko ang mga sakripisyo nito sa amin. Kaya naman unti unti akong kumalma. Tamod lang naman iyon. Wala naman mawawala sa amin dahil lalaki pa rin kami. Pinaulanan ko na nga si Isko ng t***d, eh. “So, hintayin niyo lang kami rito, beh at maglilinis lang kami ng mga pukelya namin. Sandali lang ito. Ipaliwanag mo na rin kay Gab ang maaaring maganap baka magulat kasi iyan. Let’s go girls.” Sambit ni Gov sa mga ito. Mahilig itong bumulong kay Kuya Uriel na ikakangisi naman ng kapatid ko. Paalis na sana ang mga ito pabalik sa loob ng kabahayan ng hilain ni Maykel Kwatro ang bisig ni Gov. Nagtataka naman itong napatingin sa lalaki. “Paano yung mga lalaking inorder natin sa Only Fans ni Roberto? Paparating na rin iyon maya maya. Pinasundo pa iyon ng chopper nitong si Direk.” Tanong nung bading na nakashades. Nag tinginan tuloy kami ni Kuya sa sinabi nito. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kaibigan. “Anong problema? Pwede niyo pa rin naman silang tikman. Alam niyo naman na hindi na ako pwede. Nandito na kasi si Beh. Kaya lasapin niyo sila mamaya. Isali na rin natin sila sa inuman. Kaya mag siligo na kayo. Mag hilod ng mabuti para hindi nakakahiya. Mga Vaklang twoooooh.. Hahahaha.” Natatawang sambit ni Gov bago pumasok ang mga ito muli sa bahay. Nilapitan naman ako ni Kuya Uriel pagkaraan. “Ayos ka lang, Bro?” Umpisang tanong nito sa akin. “Kapag ba sinabi kong hindi ay papauwiin mo ba ako?” Tanong ko rito at tumango ito. “Oo naman. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Kakayanin ko na lang silang lima. Ano gusto mo na bang umatras. Pwede kitang ipahatid kay Mang Digong. Sabihin mo lang.” Tugon nito sa akin. Kahit paano ay nag aalala pa rin pala ito. Akala ko ibinenta na talaga ako ng kumag eh. “Ayos lang, Kuya Uriel. Hindi ko man alam ang mangyayari ay sasabay na lang ako sa agos. Enjoyin ko na lang. Nandito na rin naman na ako. Isasama ko na lang sa listahan ng karanasan ko.” Pag bibiro ko na ikinatawa nito. “Salamat, Bro. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang isama ko. Alam ko na maiintindihan mo kasi ako.” Madamdaming saad nito na tinawanan ko lang. “Maiba ako, Kuya Uriel. Syota mo ba si Gov? Beh, ang tawagan niyo kasi. Ang sweet ah. Hahahahaha.” Pangangasar ko rito. “Gago. Jowa jowaan. ATM. Financier kumbaga. Kapag kailangan ko ng pera ay matik na pupunta ako sa kanya. Mabait naman iyan, eh. Hindi ko siya kayang mahalin ng katulad sa babaeng pagmamahal pero kaya ko siyang pasiyahin at paligayahin. Lalong lalo na sa kama. Alam naman niya ang set up namin.” Pag amin nito sa akin. Tumango tango na lang ako sa sinabi nito. “Nga pala, Kuya Ur. Ano yung mga ibinubulong sa iyo ni Gov. Naweweirdan lang ako kasi sa tuwing bubulungan ka niya ay napapangisi ka. Ganyan na ganyan kasi ang itsura mo kapag may kalokohan kang gagawin.” Tanong ko rito ng maalala ko ang sinambit ni Gov kanina. “Malalaman mo rin iyon mamaya. Sa ngayon ay mag toothbrush na muna tayo dahil lasang lasa ko pa yung amoy kaldereta sa bunganga ko. Nag sesebo din ang labi ko. Tara na muna sa kwarto ko rito.” Tugon nito at naglakad na kami papasok sa loob. “May sarili kang silid rito? Astig..! Iba ka na talaga, Bro. Di na kita ma reach. Hahahaha” Wika ko na ikinatawa lang nito. “Mag kakaroon ka rin nun, Bro. Natitiyak ko yan. Mukhang type ka nga ng mga kaibigan niya. Lalo na yung naka shades. Hahaha.” Sagot nito sa akin na natatawa. Hindi na lamang ako sumagot sa sinabi nito at nag lakad na papasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD