Nagtaka si Irish kung bakit alam na alam ni Airon ang kanilang pupuntahan, samantalang ngayon lang niya inaya ito sa lugar na iyon,
Iniliko nito ang sasakyan sa Colts Maxi Metal Shooting Range na pag aari ng kanyang Tito Andrew,
Ihinto ni Airon sa Tapat ng malaking gate ang sasakyan bumaba si Airon at kinausap ang guard,pinanunuod lang niya ito.
Binuksan ng guard ang gate ipinasok ni Airon ang sasakyan sa malaking kasunod sila Reynald
Bumaba si Irish sa sasakyan ni Airon.
" Leuitenant kayo po pala."Saad ng guard ng bumaba siya sa sasakyan.
"Wheres tito," saad niya dito.
" sa indoor firing range po" saad ng guard
"oh tara puntahan muna natin si Tito ng maipakilala ko kayo.
Sumunod sa kanya ang apat.
Pagpasok nila sa loob ay nakita agad ni Irish na nagfifiring si General, hindi siya napansin nito na papalapit.
Mabilis ang kamay niyang hinugot ang kanyang baril,Pinaputukan niya ang inaasinta ng kanyang tito, bullseye.
Nilingon nito kung sino ang nagpaputok,
"Hi! uncle" lumapit si Irish at hinalikan ito sa pisngi.
"Hindi ka parin nagbabago Hija mabilis ka parin"inakap ng General ang kanyang pamangkin
"syempre magaling po ang trainor ko"nakangiting saad ni Irish.
Napansin ng General ang mga kasama niya.
"Oh Servantes you here again"saad ng General.
"kamusta po General"nakipag kamay si Airon dito.
"im very fine lalo at nandito ang aking paboritong pamangkin,"saad nito na nilingon si Irish.
"Tito kilala mo siya"nagtataka si Irish sa mga ito.
"Yes hija because I was one of those invited to the competition for gunshooting in brazil, that's when we first met Mr. Servantes when he returned here to the philippines he often went here to the firing range" ani ng general.
Hindi makapaniwala si Irish sa nalaman mukang mapapasubo siya sa lalaking ito.
"By the way tito meet my friends Iyah Reynald, do you remember James,"saad ni Irish na ipinakilala ang tatlo.
"Yeh I remember SPO1 James Vivar ,and also Mr. Reynald Santos he is one of the great SPG of Mr. President sayang Mr. Santos why do you resign"saad ng general.
"personal reason sir"saad ni reynald.
Tumingin si General sa kanyang relo.
"I need to go nagpatawag ng meeting ang pangulo, Irish ikaw na bahala sa kanila, magbibilin nalang ako sa mga kasambahay para ipaghanda kayo ng makakain dito"saad ng general
"ok tito thanks"tumalikod na ito.
"best turuan mo nga ako gumamit ng baril"maarting saad ni Iyah.
Hinarap ni Irish si James
"Vivar pakituruan nga ang bessy ko"pakiusap niya dito kakamot kamot ng ulo si vivar na hinarap si Iyah
" Airon saan mo gustong magsimula sa out door or dito"saad ni Irish.
"kahit san mahal ko" saad ni Airon na kinindatan pa ito.
"Airon wag kang masyadong confidence sa sarili mo,Kayang kong makipagsabayan sayo. Hindi mo pa ko kilala"nakataas kilay na saad ni Irish.
"para mas challenging bakit hindi kayong tatlo ang maglaban"saad ni James
"oo nga ang mangunguna ang siyang papakasalan ng bestfriend ko"saad ni Iyah
"best anu kaba parang pinamimigay mo na ko ah"biro ni Irish dito.
"Deal"saad ni Airon
"may the best man win"ani ni Reynald na nakipag kamay pa kay Airon.
Indoor firing muna sila nagsimula, perfect score silang tatlo,
Lumipat sila sa out door firing range. Nauna si Irish lahat ng tirahin niya ay bullseye perfect ang score niya,
"Yes ang galing ng beshy ko"pumalakpak pa si Iyah
Sumunod si Reynald sumablay ang pang anim na tira nito.
Ang huli ay si Airon bago siya magsimula ay lumapit muna ito kay Irish,
"this is for you my love, after this you'll be mine"nakangiting saad nito.
"asa ka pa"inis na saad nya dito pinagkrus ni Irish ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. tumalikod si Airon dito nagtungo na ito sa firing range.
Perferct din ang score ni Airon napayuko naman si Reynald, Bumuntong hininga ito at lumapit kay Airon
"congrats"sabay abot ng kamay nito kay Airon, tinanggap agad ni Reynald ang kanyang pagkatalo.
"Magaling ka Servantes saad ni Irish, dun tayo sa next step"
Sumunod sila dito pumasok sila sa underground,may pinindot si Irish ang switch nag liwanag ang lugar na iyon.
Nakita nila ang lugar, siguradong mahihirapan na makaperfect susubok dito kahit magaling pa ang susubok dahil sa lahat ng target are moving may mga distraction pa habang sinisipat mo ang target.
Si Airon ang nauna umakyat ang apat sa hagdan naiwan sa ibaba si Airon. Nagsimula na niyang asintahin ang mga target medyo nahihirapan na siya dahil maraming distraction sa bawat target eight out of ten ang bullseye sumablay ang dalawa pero hindi naman nalalayo sa pinakasentro ng target.
Bumaba si Irish,
"its my turn Servantes" saad ni Irish.
"good luck my love"nakangiting saad ni Airon, inirapan ito ni Irish.
Sobrang bilis kumilos ni Irish daig pa nito ang isang lalaki.
Matamang pinagmamasdan lang ito ni Airon pigil ang kanyang hininga.
Anim na sunod sunod ang pinutok ni Irish ang lahat ng iyon ang bullseye. Namangha ang mga na nunuod napapalakpak sila sa bilis nito.
Nang sinipat na niya ang pang pito ay biglang siyang nahilo naglabo ang kanyang mga mata nakalabit niya ang gatilyo sumablay ito,
Ipinilig niya ang kanyang ulo at ipinikit pikit ang mga matang nanlalabo.Muli niyang sinipat ang pang walo ngunit sumablay ito.
Ramdam ni Airon na may kakaibang nangyayari kay Irish, Kaya mabilis itong bumaba ng hagdan. Bago siya makarating sa kinaroroonan nito ay muling nagpaputok ito ng baril.
Tuluyang nawalan ng malay si Irish nasalo ito ni Airon.
"Irish" wika ni Airon pilit niya itong ginigising salo ito ng dalawang bisig niya
Nag takbuhan ang tatlo patungo sa kinaroroonan nilang dalawa.
" anung nangyari" ani ni james, nilingon lang ito ni Airon bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"best'"umiiyak na saad ni Iyah
"dalin na natin sa ospital" wika ni Reynald na bakas din sa mukha nito ang labis pag aalala kay Irish na nawalang ng malay.