Chapter 15

1252 Words
Di ko alam, nakaramdam akong paninikip sa dibdib nang nakalabas ako ng kwarto. Nagseselos ba ako? Pero bakit ako magseselos? Hayss! “T-teka lang, Ri. Wag kang umalis!” rinig ko pa mula kay Tristan, tagaktak ang pawis nito habang bumababa ng hagdan. “Ituloy niyo iyong ginawa niyo! At saka kailangan ko narin umuwi sa boarding house ko.” Napahawak ako sa aking dibdib nang bahagya itong kumirot. Humabol iyong pinsan niya sa kaniya. “Tris! Don't leave me!” sigaw nito at pababa rin ito ng hagdan. “Enough! I don't fvcking need you. You are just my fvck buddy at saka magpinsan tayong dalawa!” galit na singhal niya sa babae. “Tris, naman. Wag mo naman akong pagsalitaan ng ganiyan para namang wala tayong pinagsamahan sa ibabaw ng kama niyan. I know naguguluhan kalang at naiipit. Siguro ay pinuwersa ka ng malanding babae na iyan. You love me right? Hindi ba't iyan ang sabi mo sa akin nong mga nakaraang linggo before that b***h appeared in our lives!” nanlilisik ang mga mata ng babae habang nakatingin sa akin. Napapailing nalang ako at umalis hawak-hawak ang aking dibdib. “Ri, wait! Ano ba?! Ayaw mo talaga akong tantanan ha?!” Kumaripas na ako ng takbo palabas ng mansyon. At agad akong pumara ng taxi. Hindi ako dederetso sa boarding house ko kasi alam kong susundan niya ako don. Ayokong makinig sa paliwanag niya. Malinaw na sa akin ang lahat. He used me for his interest at para maging parausan lang. Bakit nasasaktan ako? Wala naman akong gusto sa kaniya. “Manong sa tabing dagat ho ako.” Tumango lamang sa akin iyong driver. Mga ilang minuto ay natanaw ko na ang dagat, malakas ang alon nito na para bang nagdadalamhati rin. Agad akong dumukot ng pera sa bulsa ko at inabot ito sa driver. Matamlay akong lumabas ng taxi at naglakad patungo sa isang bench. Umupo ako rito, nakatitig lamang ako sa mga alon. “Nawa'y tangayin mo rin ang sakit na nararamdaman ko” mariing bulong ko. Namamasa na rin ang aking mga mata. Bakit ba kasi ako nasasaktan eh, hindi ko naman gusto ang hinayupak na iyon. Hays! Sumagi sa isipan ang memories namin together kahit palagi kaming nagbabangayan at palagi ko siyang nasusuntok. “Ri, si Professor Matteo ang crush mo hindi iyong Tristan na iyon!” sita ko sa aking sarili. At bigla nalang may tumabi sa akin paglingon ko si Kael, bigla-bigla nalang sumusulpot para siyang kabute eh. “Mag-isa ka yata ngayon? Nasan iyong boyfriend kuno mo?” napairap ako. Sino ba nagsabi na boyfriend ko ang mokong na iyon. We're just fvck buddies, isa lang ako sa mga collection non. “Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako ha?” ngumisi siya. Aba! Gusto ata nito masapak eh. “Masama bang makita ang crush ko?” pabalik na tanong niya sabay kagat ng labi niya. Pinanlinsikan ko siya ng mga mata. “Mabuti na rin na hindi kayo magkasama dalawa kasi masosolo kita.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Nga pala pasensya kana kanina ah? Kung nakipag-agawan ako sa Tristan na iyon sayo.” Marunong pala ito humingi ng pasensya kala ko kasi ay walang modo eh. “Whatever!” narinig ko siyang humigikhik. “Kain tayo? Treat ko.” Aya niya, agad namang nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya. Medyo nakaramdam narin ako ng gutom eh. Basta treat niya, sasama talaga ako. Siyempre pagkain na iyan, di dapat tinatanggihan ang grasya. Para naman maibsan itong mabigat na nararamdaman ko. “Oh sure, basta treat mo ha?” tumango siya, nauna siyang tumayo at inabot niya sa akin ang kamay niya ngunit tinitigan ko lamang ito. “I can handle myself di ako baldado nyor” napapailing ito at napapatawa kahit sinungitan ko na siya. Kakaiba talaga ang humor ng lalaking ito. Di tulad nong Tristan na iyon na sakit ng ulo ang laging ibinibigay sa akin. Bakit ko ba nalaala ang lalaking iyon. Ri, focus lang pagkain na muna isipin mo. Wag iyong asungot na iyon! Inakay niya ako patungo sa nakaparada niyang big bike. Mapapasanaol nalang talaga ako sa yaman ng mokong na ito. Pati siguro brief nito mamahalin ey di ko tulad ko na sa tsanggi lang nabibili mga panty ko at ang tagal na. Nagdalaga na lang ako iyong panty ko spongebob parin at medyo lustred narin. Sinuot ni Kael ang isang helmet sa akin. Pati helmet mamahalin, sabagay anak mayaman pala itong lalaki na ito..at saka pangbabae ito na helmet ah? Di kaya sa girlfriend niya ito? At maging third party pa ako. Ayokong maging kabit. “Ayokong maging third party niyo.” usal ko pa kaya't napapailing siyang napakamot sa batok niya. “Wala pa akong girlfriend pero kung papayagan mokong manligaw ikaw ang magiging first at last ko.” Mapagbiro rin pala ang isang ito. “Ewan ko sayo, Kael ang dami mong alam!” “At saka binili ko talaga ito para sayo, Ri.” Dagdag niya pa sabay suot ng helmet sa ulo niya. Di na ako nagsalita pa. “Sakay kana, at kumapit ka nghusto ah baka mahulog ka sa puso ko...” sabi nito sabay tawa. Ang korne ng lalaking ito. Kakaiba rin ang trip eh. Mukhang magkahumor silang dalawa ni. Piste! Naalala ko na naman siya. Bakit ba?! Malakas kong hinampas ang likod niya. “Ito naman di na mabiro eh. Pinangiti lamg kita ang lungkot mo kasi.” Magbiro kana sa lahat wag lang sa broken hearted. “Yakap ka sa akin wag kana mahiya.” Bahala siya. Pinaandar na niya ang motor niya ngunit bigla nalang itong nagbrake kaya't napayakap ako nang wala sa oras. “Yayakap rin pala.” “Ewan ko sayo. Sige paliparin mo na nagugutom na ako eh?” naiinis kong turan at agad naman niyang sinunod. Dinala niya ako sa mamahaling restaurant ngunit hindi ko bet ang mga pagkain. Mahal na nga ang kunti pa ng serve. Mabuti pa mag street foods nalang kasi siguradong mabubusog talaga ako. Sobrang nakakasatisfied pa. “Ayoko dito, don tayo oh!” nagningning ang mga mata ko nang mahagilap ko ang nagtitinda ng fishball, quick-quick at tempura. Bago pa siya makasagot ay hinila ko na ang kamay niya. “Dito? Malinis ba mga pagkain dito?” “Oo naman, malinis pa sa mukha mo..ano kaba! Mura lang kaya ang ganitong pagkain tapos mabubusog kapa.!” Napalunok siya ng laway. Halatang nandidiri. Kumuha ako ng isang tuhog ng tempura at inabot ito sa kaniya. “Subukan mo, promise babalik-balikan mo talaga!” nag-aalangan naman siya na tanggapin ito. Ang arte ng lalaking ito. Kumain nalamg ako bahala siya maglaway. Nakita ko siyang tumikim at napatango-tango. Bakas sa mukha niya na nagustuhan niya ang lasa ng tempura.. Kakain naman pala eh. Ang dami pang arte. “Masarapdiba?” tumango siya at panay sa pagsubo. Mas nauna pa nga naubos iyong kaniya kaysa sa akin. “Patry itong orange na ito.” Tukoy niya sa quick-quick. “Oh? May maliit na itlog sa loob!” Natawa ako sa naging reaksyon niya.. ang cute lang. “Tawag diyan quick-quick, Kael! Itlog yan ng quil. Kung sa tagalog pa pogo.” “Sugo?” Napamura nalang ako at narinig kong tumawa si Manong Tindero. “Pogo, hindi sugo!” natatawang pagtatama ng sinabi niya. Napahinto ako sa pagsubo nang biglang may humawak sa braso ko, paglingon ko—si Tristan. Hindi maitimpla ang mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD