CHAPTER 2:
Kinabukasan nagising si Garnet na may hang over. nararamdaman niyang parang binagsakan siya ng martilyo sa ulo.
"Oh...ang sakit ng ulo ko." napahimas siya sa ulo niya bitbit ang towel at toothbrush. naghilamos ito at nagsipilyo then nagtungo ito sa kitchen wala naman tao. nag iisa pala siya. naalala pala niya may tinatapos na pelikula ang mama niya dahil isa itong direktor at ang ama naman niya maaga din umalis dahil isa itong news anchor at si Gareth naman as usual dun kina Bryan nag stay over. lagi nalang ganito ang cycle ng buhay nila at sanay na ang dalaga. kumuha ito ng mug at nagtimpla na siya ng kape. nag iisip siya bakit nagka hang over ito and to her horror... naalala pala niya na may sinabi siyang hindi maganda kay Edelweiss kagabi sa BAR.
"Oh s**t!" agad niya inubos ang kape niya at kumuha siya ng kanyang baking materials at nmagbe-bake siya ng cake as peace offering kay Winston. After she bake the cake, agad ito naligo, nagbihis at kumuha ng susi ng kotse niya at dinala na niya ang cake at pinasok sa kotse at nagmamadali itong umalis patungo sa mansion ng mga Alarcon.
Pagdating ni Garnet sa mansion ng mga Alarcon, agad siyang sinalubong ni Doña Hera. Ang ina ni Winston.
"Good morning po Tita Hera. Andyan ba si Winston?"
"Good morning hija. Naku hindi pa umuuwi si Winston. Baka andun sa girlfriend niyang mukhang walang matres."
"Siyanga pala tita, pakibigay po sana to kay Winston. Peace Offering. may kasalanan kasi ako sa kanya."
"Ay ano yan? Black Forest?"
"Opo Tita."
"Tamang-tama! favorite namin yan. Thanks hija. Will you stay here until dinner? Birthday ko kasi ngayon."
"Ay! Happy Birthday pala Tita. Sure po."
at biglang pumasok sa eksena si Wesley na mukhang hagard.
"Ay! Good morning best! maliligo muna ako ha?" si Wesley na tutungo na sa banyo na may dalang bathrobe at towel. Buong araw walang ginawa ang dalaga kundi ang mag usap sila ni Doña Hera at ni Wesley.
"Hay alam mo ba tita, natatawa ako kay Garnet kagabi."
"Bakit hijo?"
"Lasing po siya tita at kung ano sinasabi kay Edelweiss." natatawang si Wesley.
"Ah... Eh... Ok na yun tita. wala na po akong magagawa kundi tanggapin at masaya na ako kay Winston dahil may girlfriend na siya." nahihiyang si Garnet.
"Huwag mo siya ipamigay sa iba kung nagseselos ka lang. Mahirap magpretend na kinikilig ka sa kanila pero deep inside, selos na selos ka." si Wesley.
"Hija kung ako lang ikaw ang gusto ko maging daughter in law. Ewan ko ba sa anak ko kung bakit ang walang matres pinili niya. Hmmm I have an idea Wesley."
"Ano po yun tita?"
"Maglabas ka ng Whisky at Red Wine." si Doña Hera.
"Bakit po Tita?"
"Lalasingin natin siya." napapangiti na si Doña Hera.
"Mukhang may binabalak ka yata Tita." si Garnet na naguguluhan.
"Meron. matulog ka dito mamayang gabi hija. Kapag lasing na si Winston, hubarin mo mga damit niya at maghubad ka rin at matulog sa tabi niya."
"Huh?! Hindi ko yata kaya yan Tita." namumula na ang pisngi ni Garnet sa suggestion ng ginang.
"Please? ako bahala sa iyo hija. I'll call your parents na dito ka matutulog tonight."
"Sige po Tita." naguguluhan pa rin si Garnet pero ewan ba niya. Tumututol ang utak niya pero gusto ng puso niya. ah bahala na! sa isip ni Garnet. all she was thinking na: "Winston, akin ka na mamaya."
Gabi na nang makauwi si Winston. At tamang-tama, dinner was ready.
"Winston hijo, bakit ngayon ka lang umuwi?" nagtatampo na tinig ni Doña Hera
"Tita dinner's ready." si Garnet na bitbit ang lasagna.
"Ay Winston, andito ka na pala. I'm so sorry pala kagabi." nahihiyang paumanhin sa kanya ni Garnet.
"Naku ok lang I understand."
"Ay pinsan buti you're here na." si Wesley.
"Tara dinner na tayo. I'm so starved." si Doña Hera habang naghahapunan nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. sinenyasan ni Doña Hera si Wesley na i-serve na ang Whisky. naka apat na shot lang si Winston ay lasing na to. agad nila binuhat si Winston pero di nila kaya dahil sa mabigat siya kaya pinatawag ni Doña Hera ang driver na si Mario at ang hardinero na si Rodrigo na tulungan sila na alalayan si Winston sa kanyang kwarto. Pinahiga nila ng maayos ang binata at sinugatan ni Rodrigo ang kanyang kamay at pinahid ang dugo sa kama. napapikit si Garnet dahil takot nga ito sa dugo pagkatapos, binayaran ni Doña Hera sina Mario at Rodrigo dahil kinuntsaba niya ang mga ito. pinauwi muna ni Doña Hera si Rodrigo sa probinsya upang pagalingin ang kanyang sugat. nung umalis na sina Mario, Rodrigo at Doña Hera, iniwan nila si Garnet na mag isa to do her task na inutos sa kanya ng ginang. Habang hinuhubaran niya si Winston, umungol ang binata...
"E-ede-delweiss-ss... E-edel-weis-ss... I-I lo- love y-you..." at hinaklit ni Winston ang beywang ni Garnet sabay hinalikan. nagulat man ang dalaga pero hinayaan na niya. after the kiss, nakatulog na nga ang binata. Hinawakan ni Garnet ang labing hinalikan at bago pa siya mawala sa sarili, sinimulan na hubaran ni Garnet ang binata.
"I'm so sorry Winston. ayoko sana gawin to pero inutusan lang ako."
at naghubad na rin ito at natulog sa tabi ng binata. sa isip ng dalaga:
"Ah bahala na! ang importante, you are mine now my love."
Samantala sa isang hotel, nagtatalik si Edelweiss kay Gerald, ang totoong nobyo niya. That man has a beer belly, with hairy chest and mustache, and he's also in his late 40's. si Edelweiss naman ay 23 years old.
"Edelweiss hon, makipag break ka na sa Winston na yan! I'll make you happy basta iwanan mo na ang lalaking yun."
"Don't worry sugar ko, piniperahan ko lang yan si Winston. so make love to me darling. Ok lang kahit mabuntis ako. Itutuloy na natin ang 4th round? nabitin kasi ako."
at pumatong na ang dalaga sa itaas ni Gerald. they are so very noisy as they make love."
--->Itutuloy