Nakaupo lang ako sa loob ng isang napakalaking boutique. Saleslady ako dati at pangarap ko lang noon na makapasok at magtrabaho sa loob nito. Kaya naman hindi ko akalain na dito ako dadalhin ni Declan at nasa harapan ko mismo ang latest at limited edition ng mga luxury na gamit. “Napakarami na ng pinamili mo. Sa bahay nga marami pa akong gamit na hindi ko pa man lang nahahawakan. Tara na, umuwi na tayo,” nahihiya na sabi ko sa aking asawa. “Okay. But let's go to the mall first, I have something to sign there, and then we'll go home,” sabi ni Declan. Hinawakan ako nito sa kamay at hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Para bang naiiyak ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hanggang sa nakarating na kami sa mall na pinapasukan ko dati, tahimik pa rin

