KASALUKUYANG NASA GYM SI Amari at katatapos niyang mag-cardio. Nagpahinga lang siya saglit sa locker room at saka nagpalit ng itim na one piece. Nagulat siya sa nakitang mga pasa sa katawan partikular na sa kanyang pwet. Napausal siya ng mahinang ‘what the f**k’. Hindi niya tuloy alam kung itutuloy niya pa ang pagligo sa jacuzzi. Iyon na nga lang ang puntahan niya pati ang sauna dahil hindi siya marunong mag-swim. Langoy aso lang ang alam niya. Siya lang ang lumalangoy doon na may iba't ibang uri ng floaters. Nakakahiya. Siya lang naman ang nahihiya dahil kung tutuusin, malamang sa malamang ay walang pake ang mga taong nakakakita sa kanya. Baka iniisip pa nga ng mga ito ay good for her dahil nagtyatyaga siyang mag-aral lumangoy. Iniisip niya na naman kasi ang sasabihin ng ibang tao. Sa kat

