Present NAPALUNOK SIYA nang makitang papalapit sa kanya si Samael. Inayos niya ang pagkakalapat ng gown sa tiyan, tiningnan kung hindi siya bloated. Hinga ng malalim, pigil sa pag-umbok ng tiyan. Iyan ang eksena ni Amari. Napaka-guwapong tingnan ni Samael sa suot nitong itim na coat and tie. Ang magandang ngiti nito ay mas lalong nagbigay buhay sa mukha nito. Kitang-kita rin ang malapad at mukhang malakas na balikat nito. Hinawi nito ang buhok na tumabing at inipit iyon sa pagitan ng tainga. Tinanguan siya nito. Ipinakita nito ang hawak na kopita sabay kindat. Maluwang ang ngiting isinukli niya. When she went to the Philippines, she made damn sure that she would come back to Spain good as hell. Kahit sandali, she felt good. Masasabi niyang ‘okay’ siya. Nawala ang daloy ng isip kay

