HINDI PA NAGTATAPOS ang gabi. Inabot na sila ng dilim sa daan. Kahit uwing-uwi na si Amari ay nagpapahatak lang siya sa dalawang kaibigan na ubod ng kulit at ingay. Nabanggit ni Jelly na tatlong araw lang ang ilalagi nito kaya naman hindi na siya tumatanggi kapag kung saan-saan sila napapadpad. “La Taverna, g?” nakangising tanong ni Jelly. May tama na ito. Nakailang baso ito ng sangria kanina sa restaurant at pagkatapos niyon ay lumabas na ang kulit nito. Ang mga bilugang pisngi nito ay namumula. Narinig niyang humagikgik si Ale. “Huwag na. Baka makita pa niya si American boy doon. Mayari na naman iyan sa manliligaw niya.” Lumingon sa kanya ni Jelly. “Manliligaw mo pa rin? Hindi mo pa sinasagot?” Tumango siya. “Oo,” maikling sagot niya. “And by the way, he’s not American. English iyo

