KAYA AYAW MAGPUNTA NI Amari sa La Taverna dahil takot siyang may makitang multo mula sa past life niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Hindi lang siya makaungot dahil request ni Jelly na dito sila magpalipas ng gabi. She hoped and prayed that she won’t see Aiden here tonight. Kakaisip niya kasi rito ay na-attract niya tuloy ang presensya nito at ngayon nga ay nakita pa siya nito. Hinugasan niya muna ang mga kamay bago lumabas ng banyo. Naghihintay ang dalawa niyang kaibigan pero wala na ang lalake. Wala nang sinabi ang dalawa kaya hindi na rin siya nagsalita. Umakyat na sila pabalik sa pwesto nila. Napadako ang mga mata niya sa bar at doon ay nakatayo si Aiden, nakapatong ang siko sa counter, habang kinakausap ang bartender. Minadali niya ang pag-akyat. Pabalik sa pwesto ay sin

