AMARI WOKE UP EARLY. Sayang ang araw kung itutulog niya lang. Sa pagmulat niya ay tumambad sa kanya ang wine glass sa bedside table. Ang ganda ng tulog niya dahil na rin sa tulong ng red wine kagabi. Tumayo siya at kinuha ang kopita. Pupungas-pungas pa siyang lumabas ng kwarto at naglakad patungong kusina. Nang sa kung saan ay may nanggaling na tinig. “Good morning.” Tumalon ang puso niya at muntik na niyang mabitawan ang tangang kopita. Agad niyang hinanap ang pinanggalingan niyon. Si Samael na nakahiga sa sofa at nakatakip ang braso sa mukha. Nakikita niya ang nakapaskil na ngiti sa mga labi nito. “Ang aga naman niyan,” anito. Ilang segundo siyang nagtaka bago naunawaan na ang tinutukoy nito ay ang hawak-hawak niya. “Good morning,” aniya sabay tungo sa kusina. Ibinaba niya ang b

