Chapter 14

1330 Words
NASA ALAPAAP pa rin ang pakiramdam ni Ari. Kakaibang saya ang dumadaloy sa kanya ngayon. Napakasarap sa pakiramdam na sa loob ng ilang minuto ay nakuha niyang yakapin si Samael. Kahit patago, palihim, masaya na siya do’n. Pakiramdam niya kasi, hindi siya jina-judge ni Samael. Kapag ito ang kasama niya, pakiramdam niya ay belong siya. Hindi niya kailangan ng maraming salita. Dalawang araw na mula nang gabing nag-concert si Samael nang ariin na nito ang karaoke machine. Iyon din ang huling beses na nakasama niya sina Alejandra at Iya.  Balita niya ay malapit nang umuwi ng Pilipinas si Iya. Iiwan na nito si Ale. Hahayaan na lang niya ang dalawa sa piling ng isa’t isa. Hindi na muna siya manggugulo at bibigyan niya ng oras ang dalawa na sulitin ang bawat sandali. Heto siya ngayon, walang ginawa kundi ang kumayod lang tapos diretso na ng bahay. Pagdating sa bahay ay magmumuni-muni ng gabing mayakap niya si Samael. What was that, Selina? Eat s**t? Yeah.  He didn’t smell of anything. Natural na natural. Kinilig na naman siya. She was expecting that she would smell his faint cologne. No smell is better than the alternative.  Her phone rang and it was Samael. Hindi niya agad iyon sinagot. Pinalipas niya ang ilang segundo bago sumagot.  “Hello,” bati niya sa kabilang linya. “Napatawag ka?” “Hi,” ani Samael. “Nangungumusta lang. So… Anong balita sa ‘yo?” Iniisip ka. “Sa bahay lang, bago na bagot.” He chuckled. “Really? Wanna go out instead?” Nanlaki ang kanyang mga mata. “With?” “Me and my boyfriend,” sagot naman nito. Nagtaka siya. “Where’s Belle?” “Visited her family back in France. She just French exited me. I was gonna say, can you believe that? But I should have known better. Mi Belle…”  Napakamot siya sa ulo. No go. Hindi niya gustong lumabas kasama ang dalawa. Hindi nya pa lubusang kilala ang boyfriend nito. Isang beses niya pa lang itong nakasalamuha. He’s okay. Sa tatlo ay ito ang mas madaldal, si Belle ang malakas ang halakhak, at si Samael ang palaging nagtataas ng white flag. “I’ll think about it…?” alanganing sagot niya. Bumuntong hininga ang kabila. “Is everything okay between us?” Nabigla siya sa narinig. “Oo naman,” agad niyang sagot. “If you’re asking about the other night, I’m fine. Ako nga ang dapat magtanong niyan sa iyo. I wasn’t really feeling myself lately. And thank you for having us in your place. Kinailangan lang mag-unwind. Nakaka-burnout na rin mamuhay. My God.” “Is a woman,” he continued. “Huh?” “My God is a woman, and a man. It’s a stupid song. I was gonna say, I worship Belle in all her glory. My boyfriend, on the other hand, ah… Heaven. If heaven on earth presents itself in the form of a three-way relationship, then f**k me.” She snickered. “Atlas cannot even. You carried both on your shoulder.” “I’m not suffering, baby. Que va.” “You know what they say. Sana all!” Binuntutan niya iyon ng tawa. He groaned. Parang na-imagine niya itong sapo ang noo. “Miss me with that shit.” Ari laughed. “Are you coming with us or what?” Kunwa’y nag-isip siya saglit. “Next time na lang. Sa weekend siguro. Kauwi ko galing work, eh,” dahilan niya. Saka na muna siya makikipagtuos sa isa na namang kahati kay Samael. Napaka-in demand naman kasi ng isang iyon. At hindi pa nakuntento sa isa lang.  “If you say so. Holler when you can.” Busy tone. HULING GABI NA NI Iya rito sa Barcelona kaya naman pinaghandaan nila ang okasyon. Bukas na ang alis nito kaya naman nag-all out na sila. Ika nga, go big or go home. They didn’t wanna cook, kaya naman nag-rent na lang sila ng isang soundproofed room sa Pasa Pasa, isa na namang Filipino restaurant. Syempre hindi rin mawawala ang videoke. Soundproof naman ang buong kwarto kaya hindi makalalabas ang ingay at atungal nila. Imbitado sina Keeno, Belle, Samael, si Archie na boyfriend ng huli, Lewis, at kaninang umaga lang ay dumating na si Jelly. Isinama nito ang manliligaw nitong si Lawrence.  Nagkagulatan pa kaming lahat nang malaman naming magkaibigan sina Samael at Lawrence. Doon sumingit si Lewis na ito ang tinutukoy nitong kakilala ni Samael. Ito pala ang pinagpipilitan na kaibigan ni Samael, ewan, limot na niya ang eksaktong sinabi ni Lewis. Abala pa rin sila sa ginagawang disensyo ng inarkilang kwarto. Sinuri na nila ang lahat ng bazaar para makabili ng magagandang disenyo ng lobo. Iyong malalaki na at tipong propesyonal ang gumawa kapag naisaayos na lahat. Isa-isa na ring dumating ang mga in-order nilang desserts. May mga cakes, butternut, brownies, at iba pang gawa ng mga small time businesses ng mga Pinoy.  Inilatag na nila ang pagkain sa mahabang mesa. Paisa-isa rin kung i-serve ang mga putaheng in-order nila sa restaurant. Tamad nga silang magluto kaya panay ang order nila. Hindi na nila tinipid si Iya. Sa isang sulok naman ay nakalapag sa ibabaw ng mesa ang mga parting gifts nila sa kaibigan. Takot nga si Iya na baka sumobra ang bagahe nito at ayaw nitong magbayad. Sabi naman ng nobya nito ay huwag daw nitong isipin iyon dahil kung mangyari man iyon, na hindi nalalayo sa katotohanan, ay ito na raw ang bahala. Panay ang tukso nilang financier pala ni Iya si Ale. Na-haggard na siya’t lahat-lahat sa kakaasikaso mapaganda lang ang paligid. Isa-isa na ring dumadaing sa gutom ang mga kasama nila. Katabi niya sa mesa si Belle. Kausap nito si Archie. “Arch,” she called him. “I thought you’d join me in France.” Napamaang siya sa narinig.  That’s the exact moment Samael slithered to her other side. “You heard that right. They’re cheating on me.” Halos manakit ang leeg niya sa ginawang pagbaling dito. “What did you say?” He smiled. “Nah. They would never do that. Belle invited Arch, though. He declined at the last minute. Pagkakataon na niyang masolo ako. Grab the opportunity, ‘di ba?” anito na may kasamang nakalolokong ngiti. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. “Mukha mo.” “What?” he asked, almost wanting to laugh. “Guwapo ‘yan?” inis na saad niya. “I’m just saying. He’d rather be with me than spend another minute with Belle in their backyard sipping wine,” he said as he put his arm around her shoulder. “And what’s wrong with that? Sounds inviting.” She’d die to have that. Really.  “Sure. I’m more inviting, that’s the point.” She rolled her eyes. Ever the humble guy. “But if you still wanna take up my offer, clear your sched and we’ll have a humble backyard barbecue with wine and chips and lots of kwento to make up for my bland tasting barbecues and burgers.” Napailing si Ari. “I suggest you don’t cook. Kami na ang bahala ro’n. Sa kwento ka na lang.” “You know,” he said. Lalo pa itong lumapit. “Arch got that department. How about you?” Naningkit ang kanyang mga mata. He’s too close for comfort. At ano ang gusto nitong iparating? Either way, hindi na siya kumportable sa kaalamang naghahati na sila sa hanging nilalanghap.  “Me and mah booty,” sagot niya na lang. Tapos ang usapan. Kung gusto pa nitong i-escalate ang usapan, maghintay ito at lalaklak muna siya ng alak. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD