AMARI WAS BOMBARDED with calls from an unknown number. Ugali na niyang hindi sagutin ang mga numerong wala sa contact list niya. Mamaya ay agent na naman ng telcom o kung sino pa ang tumatawag sa kanya. Nag-notify na may nag-text sa kanya. It was Selina and she was telling her to answer the call. Ari scoffed and muted her phone. Kasabay niyon ay may nag-doorbell sa bahay nila. Hindi siya gumalaw sa pagkakahiga sa kama. Nang tumunog ulit iyon ay umilalim na siya sa comforter niya at mariing ipinikit ang mga mata. Istorbo naman ang kung sinong nambubulahaw sa bahay nila sa pahinga niya. Nag-ring ang phone niya at lumitaw ang pangalan ni Samael. Weird. Ba’t nagsasabay mangulit ang dalawa ngayon? Narinig na ‘ata siya sa itaas at binibigyan siya ng fighting chance. Natigil siya sa daloy

