THREE MONTHS AGO Sampung minuto nang naghihintay si Amari kina Belle at Archie sa loob ng isang cafeteria. Kinakabahan siya na hindi mawari kung paanong upo ang gagawin. Nag-order pa siya ng kape, hindi niya rin pala magagalaw. Parang sinisilihan talaga ang puwit niya. Walang may alam na makikipagkita siya sa dalawa. Belle insisted they meet, kaya’t heto siya. Gustuhin man niyang umalis ay may naghahatak pa rin sa kanya upang manatili. Isa pa, nandito na rin naman na siya. Mamaya ay makasalubong niya pa ang dalawa sa daan kung sakaling umalis nga siya. Nagulantang pa ang buo niyang pagkatao nang tumawag si Belle sa numero niya. Naiwan niyang naka-on ang speaker kaya ganoon na lang kalakas ang volume ng ring tone niya. “Where are you?” tanong niya rito. “We’re near. Are you there alrea

