PASILIP-SILIP SI AMARI sa kanyang telepono kung may nag-text na ba sa kanya. Abala siya sa paghiwa ng tofu na binili niya kanina. Hindi naman pala maghahapunan ang Ate Eileen niya sa bahay. Nag-text ito kanina lang nang sabihin niyang nag-uwi siya ng tofu para lutuin nito. Lalabas daw ito kasama ng mga kaibigan. Gusto niya pa naman ng tofu sisig nito. Kung kailan naman siya ginaganahan kumain ng kanin. Siya na lang ang magluluto. T-in-text niya nga si Keeno at nagpapaturo siya kung paano magluto niyon. Tumunog ang telepono niya at agad niyang kinuha iyon. It was Aiden alright. He replied after her last message which was three hours ago. Amari rolled her eyes. She does this, too. A lot. And it sucks being on the receiving end. Para hindi napaghahalataan na ang dami niyang time sa phone

