TWO MONTHS LATER Philippines Masayang nagdiriwang ng kaarawan ang isa sa mga kamag-anak ni Keeno. Nasa probinsya sila nito, siya na walang-hiya ay sumama rito. Malakas ang loob niya na magpunta roon dahil balak talaga niyang maglamyerda. Nakatala na sa kalendaryo ang mga lakad niya. Isang linggo pa lang siya pero nakarating na siya ng Siargao. Apat na araw at tatlong gabi roon, tapos saglit lang sa Punta Fuego sa Mariveles, Batangas. Ngayon naman ay nangunguyakoy na siya sa monoblock habang hawak ang plato at ngumunguya ng lumpiang shanghai. Pinaramdam ng mga kamag-anak ni Keeno na welcome siya sa pamamahay nila. Sino ba naman siyang intruder sa kasiyahan ng pamilya nila? Nakikikain pa nga at nakiki-birthday. Ang lakas niyang maka-parasite. Pagkatapos dito ay katatagpuin na niya s

