NAKAPANGALUMBABA SI AMARI habang pinapanood si Alejandra na nagbibihis. Her friend was getting ready for tonight’s film fest. Nag-iisang Filipino movie ang Arrivederci, Roma na ginampanan ng mga Filipino actors, ilan sa mga prod ay mga Filipino rin pati ang direktor, pero ang nag-produce niyon ay ibang lahi. Ang mga kasabay ng pelikulang iyon ay mga Español at Catalan ang lenggwahe. It looks promising based on the synopsis she read. The reviews are so and so. “Hindi ko na talaga mababago ang isip mo na sumama sa akin?” pangungulit ni Ale. Amari shook her head. “Hindi na. Nagbaon ako ng facial mask, under eye mask, Veet, bath bomb. I think I will have a long afternoon. Maybe I’ll go out for a walk later.” Hinarap siya nito at pinapili kung alin ang gusto niya, iyong olive green maxi

