LUMABAS SILA AMARI AT ALE at muling nagpunta ng beach. They packed the usual needs. Kanina pa nagpaalam si Samael na babalik na ito sa tinutuluyan nito kasama ang production crew ng pelikula nila. Hindi na nila ito niyaya na magpunta ng beach dahil may compromiso na ito. Sinilip na nga lang niya ito mula sa pagitan ng pinto nang nagpaalam ito sa kanya. Hindi niya makuhang harapin ito dahil hiyang-hiya siya sa sarili niya. “How was the breakfast ganap?” tanong ni Ale nang nakahilata na sila sa nilatag na sapin. “What about it? Nandoon ka naman, ah. You saw everything,” sagot niya. “You sure? Wala akong na-miss?” paniniguro nito. Sinilip niya ito sa pagitan ng nakapatong na braso sa mukha niya. “Oo naman. Ano sa tingin mo ang gagawin ko?” “Baka nag-make ka ng move. Pagkakataon mo n

