KANINA PA LUMALANGOY sa pool si Amari. Ang sosyalin nga niyon, mainit ang tubig. Talaga namang nag-effort ang mga magulang niya. Kaya niya pa namang tiisin ang lamig kahit na nga ba pa-autumn na. Pero okay na ito, hindi siya nanginginig. Hindi pa siya umaahon at talagang sinusulit niya ang ipinunta rito. Well, talagang ang sadya niya ay para magpaalam sa mga magulang ang binabalak na pag-uwi ng Pilipinas. Hindi niya naman akalaing ganoon kadaling mapapayag ang dalawa. Wala nang maraming tanong, oo agad. Hindi nga siya sanay, eh. Parang, mga magulang niya ba talaga ang nakausap niya kanina? Samantalang dati ay ang daming kundisyones bago makauwi. Pero ayan, pinayagan naman siya. Kailangan na lang niyang magpaalam sa trabaho niya. Sa Lunes na niya iyon aasikasuhin. Busy ang kapatid niya

