Chapter 16

1483 Words

SINENYASAN NI ARI SI Keeno na gumilid ito para makaupo siya. Kasalukuyan silang nasa piso ni Ale at nagpapababa ng busog at hilo. Kumpleto pa rin sila, wala pang umuuwi at gusto pang ituloy ang kasiyahan. Ngunit siya ay inaantok na at gusto nang matulog. Iyon nga lang ay ayaw naman ni Iya na may ma-miss siya sa kaguluhan. Ang dahilan nito ay aalis na ito.  “Himala,” ani Keeno. “Ang dami mong tinatanggihan ngayon. Maria, alak—” “Maria?” ulit ni Ari. “Ah, m*******a. Akala ko si Iya. Maria din kasi pangalan no’n. Ayusin mo kasi.” Nangunot ang noo ng kausap niya. “Okay ka lang? Kulang ka yata sa hilot.” “Okay lang, boss. Sadyang marami lang akong iniisip,” sagot niya naman.  “Hey, bebegirl, are you okay?” singit ni Iya at tinabihan kami sa sofa. Hinaplos nito ang mukha niya. Tiningnan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD