CHAPTER NINE MABUTI na lamang at nasa timing ang pagtawag ni Kisha. Naisalba siya sa 'maliit' na kahihiyang iyon na ginawa niya sa sarili. Lumabas siya at sumandal sa tabi ng hamba ng pinto. "Ang galing talaga ng timing mo kahit kailan. Nandito ako ngayon sa ospital," sabi niya. "Kakapanood ko lang ng news. Noong una hindi ako makapaniwala pero kayo nga ni Dominic 'yong nakita kong tumulong sa naaksidente kanina!" "Ha? Bakit nasa news kami?" takang tanong niya. "Nakunan ng CCTV footage 'yong nangyari at ipinalabas sa TV. Nakilala na rin 'yong may-ari ng sasakyan dahil sa nakuha mong plate number. Hindi ko lang alam kung naaresto na. Kumusta 'yong ale? Sana naman hindi malala 'yong pinsala sa kanya." "Okay naman siya. Actually, kasama na nga niya ngayon 'yong mga anak niya. Naawa nga

