CHAPTER 45 Olivia’s POV Nang sumapit ang Lunes ay hindi agad ako pumasok ng trabaho. Nagpaalam ako kina Mr. and Mrs. Cortez na medyo mahuhuli ako sa pagpasok sa trabaho. Nagdahilan na lamang ako na may kailangan pa akong tapusin na hindi na pwedeng ipagpaliban pa. Nakaupo lamang ako sa tabi ni Josh. Hawak-hawak ko ang kaniyang kamay habang hinihintay dumating si Carina. Gusto ko siyang makausap. Malilinawan lamang ako sa totoong nangyari kung sa kaniya ‘yon manggagaling. Lumingon ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok rito ang hinihingal na si Carina. “Bakit ba kasi napakalayo nang kinuha mong kwarto sa entrance, eh,” reklamo nito. Binaba niya ang mga dala-dalang gamit sa may sofa. Gulo-gulo at basa pa ang buhok nito at medyo tumutulo-tulo pa ito. Maging ang damit na suot nito ay m

