CHAPTER 33 Olivia’s POV Nagmamadali akong tumakbo paakyat ng hagdanan ng ospital. Madaling araw palang kasi ngayon. Buti na lang ay pinapasok ako ni Manong Guard kahit na hindi pa visting hours ng ospital. Alas kwatro pa lang ngayon ng madaling araw at alas siyete pa raw ang duty ni Abi. Maging ang doctor ay mga ganoong oras pa rin daw pupunta para makausap ako. Pero kahit ganoon ay inagahan ko talaga ang punta rito. Ang balak ko sana ay kagabi ako pupunta kaso alas dos na ng madaling araw dumating ang pansamantalang papalit sa ‘kin. Nasa tapat na ako ngayon ng kuwarto ni Josh. Huminga muna ako ng malalim bago ko pihitin ang door knob pabukas. Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ni Josh ay nagtama ang mga mata namin ni Carina. Nakaamba na ang kamay niya para pihitin ang door knob n

