FINAL CHAPTER CHAPTER 60 Olivia's POV *TWO YEARS LATER* “Picture lang po muna kasama ang bride,” sabi sa ‘min ng photographer na kinuha ni Josh. Sunod-sunod ang naging pag-picture sa amin. Halos sampung minuto ata kaming nandoon para magpa-picture. “Magsisimula na ang kasal in ten minutes. I-retouch ko muna kayo, Madam,” sabi sa akin ng isang make up artist. Tumango ako sa kaniya at nakangiting lumapit dito. Gahol na gahol kaming lahat sa loob ng dressing room. Biglaan kasi ang naging kasal. Dapat ay sa susunod pang buwan ito ang kaso ay ayaw na naming pumayag na malaki na ang baby bump bago magpakasal. “Pumila na kayo,” utos sa amin ng wedding planner. “Sunod-sunod lang ang magiging pagpasok niyo. Ang mga groomsmen na kapareha niyo ay makikita niyo sa kabilang side ng red carpet.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


