Isang malakas na kalabog ng pinto ang naidulot ng pagdadabog ni Luna. Nanggigigil ang journalist na hinubad ang kaniyang sapatos sabay diretso ng kitchen ng condo.
Agad siyang nagsalin ng malamig na tubig sa isang transparent na babasaging baso.
“Buwisit na lalaking iyon!”
Agad niyang nilagok ang malamig na tubig. Naubos niya ang isang baso. Pagtapos ay paulit-ulit siyang nagpakawala ng mga malalalim na paghinga upang ikalma ang sarili. Para kay Luna na isang dakilang man hater, wala nang mas nakaiinis pa sa isang pangyayari na kung saan ay makasasama mo ang isang lalaki na pinakaayaw mo sa lahat.
Mayamaya pa ay narinig ni Luna ang pag-ring ng kaniyang phone kaya’t padabog itong kinuha. Napabuntonghininga pa ang babae.
“WHAT?” mataray na tanong ni Luna. “Ano na naman ang itinawag mo? Pagod ako ngayon.”
“Hala siya! Hindi pa man din ako nagsasalita, galit agad sa akin! Ako ba ang kaaway mo?” iritadong sagot ni Tanya, ang kaibigan ni Luna na news writer at editor sa kaparehong network. “Nakalimutan mo ‘yung tumbler mo rito, gaga ka! Naku, alam mong kapag galing sa South Korea, iuuwi ko talaga ito. Aangkinin ko na talaga ito, wala na talagang bawian.”
“Itabi mo na lang or bahala ka sa buhay mo kung ano ang gusto mong gawin. Kung saan ka masaya,” tanging nasabi lamang ni Luna.
“Problema mo ba?”
“PROBLEMA KO? ANO PA BA? SIYEMPRE, LALAKI!” sigaw ni Luna. Hindi man nakikita ni Luna ngayon si Tanya ngunit alam niyang iling-iling na naman ito. “Buwisit! Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng ito, hindi na sana ako lumabas ng condo para lang sa buwisit na inumin! Nanggigigil talaga ako!”
“Easy ka lang! Baka guwapo naman ‘yung lalaki? Baka puwede siyang patawarin?”
Napabuntonghininga na naman si Luna. Hindi siya nakasagot sa tanong ng kaibigan. Naalala niya ang mukha ng lalaking nakasagupa kanina. Wala siyang nasabi sa tanong ni Tanya, tuloy ay naghari ang pansamantalang katahimikan sa kanila.
“Nanahimik ka riyan? So guwapo nga?”
Ibinaba na lamang ni Luna ang tawag at walang ano-ano ay inihagis sa kaniyang kama ang cellphone. Napaisip tuloy siyang lalo sa tanong ni Tanya. Bagaman ayaw sa mga lalaki ay hindi naman nagsisinungaling si Luna sa kung ano ang nakita ng kaniyang mga mata.
“So? Ano naman kung guwapo? Who cares? I don’t really care at all! What’s important is that I really hate him so much!” inis na singhal ni Felissa sa sarili na may kasamang pag-amin. “Guwapo lang ang mukha niya pero pangit ang ugali niyang buwisit siya! Kung makasigaw at magmalaki sa akin! Hello?”
Talagang kapag mainis talaga ang tao, lalabas talaga kung ano ang totoong ugali nito.
Gayundin naman ang direktor na si Josiah.
“Hindi mo kilala si Luna Helasque? Have you gone mad? Lahat ng kasabayan nating direktor, hinahangaan iyan! Kamo, in-denial ka lang!” sigaw ni Oxy sa kabilang linya dahilan para kaagad na ilayo ni Josiah ang phone sa kaniyang tainga. Animo’y galit na ama ni Josiah si Oxy kung manermon ang kaibigan!
“Kilala man o hindi, I don’t care about her! Sana lang talaga ay hindi na kami magkita ng babaeng iyon! Oh, Jesus Christ, I would have gone insane...” Umiling-iling pa si Josiah at naghubad ng kaniyang damit. Hinubad rin nito ang pang-ibaba dahilan para boxer shorts na lamang ang matira sa katawan ng direktor.
Bumungad ang magandang hubog ng katawan ng lalaki. Maputi, maskulado, maugat, talagang kahanga-hanga ang binata.
“What if, hindi sa pinag-o-overthink kita, paano kung maging magkatrabaho kayo in the future?”
“THAT WON’T HAPPEN!” mabilis na buwelta ni Josiah. Kung panggigilan talaga si Luna, kulang na lang ay lamusakin na ang mukha!
“Nakita ko na sa personal, maraming beses na. You know, nag-direct na rin ako ng halos lima pataas na documentary project,” salaysay ni Oxy. “And ikaw rin, Josiah, nakapag-direct ka na rin ng documentary. Hindi malabong magsama kayo sa isang project, right? Luna is a wonderful woman. Hindi mo ba type, pre? Hindi ka ba nagagandahan kay Luna, pre?”
“What the f**k, Ox? Baliw ka na ba? I would never ever!” sigaw na naman ni Josiah na daig pa ang highblood sa kasisigaw.
“You didn’t answer my question...”
Nangunot ang noo ni Josiah. Naupo siya sa malaki at malawak na puting kama. Hapit na hapit sa katawan niya ang itim na boxer short.
“Hindi ka ba nagagandahan kay Luna?”
Mabilis na pinatay ni Josiah ang tawag at inilagay sa katabing table ang kaniyang phone. Napangisi si Josiah at mahinang napatawa nang sarkastiko. Naasar na ang mukha ng direktor na natatawa na hindi na rin malaman dahil sa tanong ng kaibigan na Oxy.
“Maganda? So what? That won’t change the fact that she was very annoying!”
Sapul! Mula sa mga salitang iyon ay inamin din ng guwapong direktor na maganda ang journalist na si Luna. Well, gayundin naman si Luna na hindi marunong magsinungaling. Ngayon, ang dalawang opposite haters ay aminado na may atraksiyon sa pagitan nila.
Kinabukasan ay maagang nakatanggap ng tawag si Luna at kahit inaantok man ay wala siyang nagawa kung hindi ang bumangon at sagutin ang tawag. Nakita niyang galing ang call sa kaniyang assistant na si Maegan.
“What?! May naiwan na naman ba ako?” bungad ni Luna. Kagabi kasi ay may tumawag sa kaniya—si Tanya na kaibigan—na may nakalimutan daw siya—ang kaniyang tumbler.
“Ma’am Luna, na-adjust po ang meeting ninyo with Direk Gab,” pahayag ni Luna.
“Then? When is it?”
“Sorry po, Ma’am, huwag po kayong magagalit, ah?” saad pa ni Maegan mula sa kabilang linya. Mula sa pagkakahiga ay napaupo si Luna at napaseryoso ang mukha. Alam niya na ang ganitong tono ng kaniyang assistant. Kapag nagsabi ito ng; huwag magagalit, huwag siyang tatanggalin sa trabaho, huwag maiinis; tiyak na may bagay itong nagawa na ikaiinis ni Luna nang sobra-sobra.
“What? State it now!” bahagyang tumaas ang boses na ani Luna at napabangon sa higaan.
“Na-adjust po kasi ang meeting ninyo with Direk Gab pero same place. Instead of today at 1:00 PM, naging 9:00 AM na po siya...”
Kaagad na napatingin si Luna sa time sa kaniyang phone. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang oras mula rito! 8:32 AM na!
Twenty-eight minutes na lang!
“Oh, my goodness, Maegan! BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?” aligagang ani Luna at tuluyan nang bumangon sa kinahihigaan. “Gusto mo bang mapahiya ako kay Direk?! I have never been late in my meetings, all my life! I can’t do that! Bakit ngayon lang sinabi?!”
“Kasi, Ma’am, nakatulog ako kagabi nang dumating ang e-mail. Paggising ko naman po ay low battery ang laptop at phone ko kaya nag-charge muna ako. Hindi ko naman—”
Mabilis na ibinaba ni Luna ang tawag at hindi na pinakinggan pa ang rason ng kaniyang assistant. Dali-dali siyang nagtungo sa malaking aparador ng kaniyang condo at naghagilap doon ng mga susuotin. Pagtapos ay nagtatatakbo siya patungong bathroom. Muntikan pa ngang madulas sa pagmamadali.
“This can’t be! No! Hindi!”
Paulit-ulit na napamura ang journalist sa kaniyang sarili habang binibilisang kumilos.
Kung saan-saan niya na nga rin inihahagis ang mga mahawakan o mga huhubarin niya sa katawan. Bahala na. Ang mahalaga ay hindi siya ma-late dahil hindi kakayanin ng pride niya ang mapahiya sa harapan ni Direk Gab! Para sa journalist, hinding-hindi iyon kailan man mangyayari! Kailan man, hinding-hindi iyon pahihintulutang mangyari ni Luna!
“Oh, my God! Fifteen minutes!”
Saktong nakalabas ng kaniyang unit si Luna ay nagtatakbo ito papuntang elevator. Nakasalubong niya pa ang personal assistant na si Maegan na kinuha ang bitbit niyang bag at sabay na silang sumakay ng elevator. Dahil VIP, silang dalawa lamang sa VIP elevator.
Paulit-ulit na humingi ng tawad si Maegan ngunit hindi siya pinansin ni Luna.
“Okay, Direk, will be there soon. No, I’m okay. No need na ipasundo ako. I’m very fine. Okay. See you!” sunod-sunod na sabi ni Luna mula sa kabilang linya nang tawagan siya ni Direk Gab. Pinaypayan ni Luna ang kaniyang sarili gamit ang kamay, kahit malamig ang paligid.
“I’m so sorry po talaga...”
“SHUT-UP, OKAY? YOU’RE NOT HELPING! Quiet!” ani Luna. “Look at yourself, kulang pa ng patong ang make-up mo! Medyo lukot pa ang part ng kuwelyo ng blazer mo! May kaunting lampas sa lipstick mo! Ayusin mo nga iyan! Mahahalata tayong nagmamadali!”
“Eh, Ma’am Luna, ikaw rin naman po. Kulang ng shade sa bandang labi ninyo. Hindi nga rin po ayos ang pagka-tuck in ng polo ninyo.”
“Sumasagot ka pa ano?” sita ni Luna at humarap sa salamin ng elevator.
Nang bumukas ang elevator ay nagmadali na silang dumiretso sa kotse. Kaagad na umandar ang kotse. Mabuti na lamang at eksperto ang driver ni Luna kaya’t marami itong alam na ruta at highway na mas mabilis. Mabilis ang pagpapatakbo ngunit smooth. Pinuna ni Luna at Maegan ang kanilang sarili upang ayusin ang sarili para hindi mahalata.
“Oh, my God! Five minutes! Arrived!”
Last five minutes na lang ay nakarating na sa isang five star hotel sina Luna at ang assistant na si Maegan. Kung kaninang taranta ay naging kalmado ang dalawa at bumalik sa dating hindi nagpa-panic. Kailangan na ipakita kay Direk Gab na mabuti at maayos ang daloy ng lahat—kahit hindi naman talaga sa part nina Luna at Maegan.
Bumati ang mga staff at bellboy na nakasalubong nina Luna habang naglalakad sa vicinity ng hotel. Confident na ngiti at pagkaway naman ang isinukli ni Luna.
“Luna! You’re here!” salubong ni Direk Gab na napatayo pa sa kaniyang kinauupuan.
“Of course! I would never been late in my whole life!” ngiting ani Luna ngunit nang magtama ang kanilang paningin nila Maegan ay pinanlakihan niya ito ng mata dahil sa kanilang pagmamadali. “Thank you so much!”
“My pleasure!”
Naupo si Luna sa katapat na couch ng pinakasikat na direktor sa buong Philippine TV na si Director Gabbo Serafico! Nag-beso pa ang sikat na direktor at journalist bago kumuha ng tig-isang buko juice sa table na nasa pagitan nila. Sabay silang sumimsim sa inuming ito at sabay ring nagpunas ng bibig.
“I’m so sorry for the sudden changes of our meet-up for today. You know, marami talaga akong inaasikaso but you are a priority, Luna,” ani Direk Gab. Sa paraan pa lamang ng pagkausap nito kay Luna ay halata nang mataas ang pagkilala sa journalist.
“No worries, Direk Gab! Ano ka ba?! Ako ang dapat na mag-adjust dahil we both know that you are Direk Gab!” natutuwang ani Luna.
“Well, I just want to clarify things about my resignation as for my profession...”
Biglang nagbago ang awra ng mukha ni Luna. Mukha sa nakangiting hitsura ay bigla na lamang napaseryoso ang journalist. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan nito at nag-iwas ng tingin sa direktor.
“Do you really need to do this?”
“Nakapagdesisyon na ako, Luna, and I will follow my heart this time...” Kahit seryoso ang mukha ni Luna ay nakangiti pa rin si Direk Gab. “You know, people are bound to encounter changes in their lives. We, people, are bound to change our decisions if it is the desire our hearts. I have been thinking about this. Gusto kong sundan na ito this time.”
Kataka-taka na kaharap ngayon ni Luna ang isang taong ang kasarian ay kinaiinisan niya. Galit na galit si Luna sa mga lalaki ngunit ang kaharap ngayon na direktor ay lalaki rin.
Bakit okay lang kay Luna?
Dahil bisexual si Direk Gab.
“Alam mong ikaw pa lamang ang nakaaalam nitong desisyon ko, even my family don’t know any of these.” Hindi alam ni Luna kung matutuwa ba siya sa ganoong bagay. “You are very close to my heart, Luna Helasque.”
“But how about the three documentary projects na gagawin natin? You know, isang beses pa lamang tayong nagkasama sa isang project at mabilisan pa ang process, right?” paliwanag ni Luna. Gayunpaman, hindi nagbago ang hitsura ni Direk Gab. Nakangiti pa rin ito nang pirmi, na talaga nga namang hindi na mababago ang desisyon nito.
Ganito ang situwasyon.
Matagal nang pinapangarap nina Direk Gabbo Serafico at journalist Luna Helasque na muling magsama sa documentary project dahil isang beses pa lamang silang nagkasama—at hindi lamang isang documentary project dahil tatlo ang kanilang nais. Matagal na rin silang magkakilalang dalawa at hindi biro ang kanilang samahan.
Bukod pa roon, matagal na ring inaabangan ng mga netizen ang kanilang pagsasama sa mga projects. ANG KASO, bigla na lamang gustong mag-resign ni Direk Gab. Tinatapos na lamang nito ang dalawang on-going na projects bago tuluyang ianunsyo sa publiko at industriya ang nasabing pagre-resign.
“We have been rooting for this, Direk Gab! Hindi ako papayag na hindi ikaw ang makasama ko! It was our huge dream! Paano na ang tatlong projects natin? Direk Gab?”
Ngumiti si Direk Gab.
“That is why, nagmamadali na akong makipagkita sa iyo dahil may naisip akong plano...” pahayag ng direktor dahilan para mangunot ang noo ng journalist. “I had like to introduce you a person, a valuable and great director like me, a very close person into my heart, na gusto kong pumalit sa akin para makasama mo instead of me. I know, you will like him. He is a very good director.”
Hindi napigilan ni Luna ang mapaisip. Alam at aminado siya sa kaniyang sarili na hindi niya magagawang tanggihan si Direk Gab.
“And who is that director? Do I know him?” takang tanong ni Luna sa kaharap na direktor.
Muling ngumiti si Direk Gab.
May sinenyasan itong lalaki sa kaniyang likuran na siyang secretary niya. Formal ang lalaki at naka-black ang formal attire. Tumango ang lalaking secretary at pumasok ito sa isang room. Pagkalabas ay may kasama na itong isang lalaki na seryoso ang mukha.
Nangunot ang noo ni Luna nang makita ang kalalabas lamang na lalaki. Matangkad, maganda ang pangangatawan, magandang ayos ng buhok, maputi, at malakas ang dating.
Pamilyar na pamilyar kay Luna!
Nagsimulang maglakad ang lalaking secretary ni Direk Gab at ang kasama nitong lalaki. Habang tumatagal ay mas namumukhaan ni Luna kung sino ba ang ipakikilala ni Direk Gab. Sa isip-isip ni Luna, para bang hindi ito ang unang beses na nakita ang lalaki. Lalo na, hindi maganda ang pakiramdam ni Luna ngayon sa kung sino man ang makikita!
“Oh my goodness...” bulalas ni Luna sa kaniyang sarili nang tuluyang makita kung sino ang direktor na ipakikilala ni Direk Gab.
Sa isang iglap, biglang nagtama ang mga mata ni Luna at ng direktor na palapit sa kanilang gawi. Parehas na namilog ang kanilang mga mata sa gulat! Dahan-dahang napatayo si Luna sa kaniyang kinauupuan at mabilis na kumuyom ang kamao sa galit.
“Luna, I want you to meet a very good friend of mine, one of the well-known multi-awarded directors in our country, Direk Josiah Camero...”
Napatakip si Luna sa kaniyang bibig.
“Josiah, I want you to meet Luna Helasque, a very good friend of mine, a veteran journalist of SBG-12...”
Hindi kapani-paniwala!
Si Josiah naman ay napasinghap at napataas ang kaniyang dalawang kamay na animo’y sumusuko sa mga kapulisan.
“Jesus Christ, it can’t be...”
Ang tinutukoy na direktor ni Direk Gab na siyang papalit sa kaniya upang makasama ni Luna sa kanilang documentary projects ay walang iba kung hindi si Josiah Camero!
Ang direktor na si Josiah at dokumentaristang si Luna, ngayon ay nasa harap ni Direk Gab!
Silang kinaaayawan ang isa’t isa!
“IKAW?!” sabay na sabi ni Direk Josiah at Journalist Luna na parehong hindi makapaniwala!