“I-ikaw ang Luna?” hindi makapaniwala na tanong ni Bianca sa kanya. Dumaloy ang mga luha nito sa mga mata. Naaawa man siya pero nararapat lamang ang parusa ng asawa rito. Hindi niya intensyon saktan si Bianca pero ito na rin ang gumawa ng paraan para saktan ang sarili. “Yes,” maikling sagot niya lamang dito. Nakita niya sa itsura nito ang sakit na nararamdaman. Kahit man siya ramdam niya ang sinabi ng kanyang asawa rito. Ang sabihin hindi ito mahal at kahit kailan hindi nito pag-aari ang kanyang asawa ay parang isang punyal na sinaksak ng paulit-ulit ang puso nito. Wala sinagot si Bianca bagkus tumakbo ito palabas ng bakuran nila. Umiiyak at sobrang nasasaktan. Bumaling siya sa asawa na ngayon ay medyo humupa na ang galit sa mukha. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay. Lumingon

