Dalawang araw ang nakalipas na hindi makalabas ng bahay ni Aaron si Desiree. Hindi siya pinayagan ng binata hanggat hindi raw siya fully recovered. Kung tutuusin isa lamang simpleng lagnat ang naging sakit niya. Pero kung mag-alala ng husto ang binata sa kanya ay ganoon na lamang. Ito rin ang nag-aalaga sa kanya lalo sa tuwing oras ng pagkain at pag-inom niya ng gamot. Lagi itong attentive sa bawat kilos niya. Napaka-possessive na nilalang, at hindi siya masyadong sanay roon. Ngunit pangako niya rito na maging mabait at masunurin na siyang mate, hinayaan na lamang ang binata na alagaan siya. Isang araw lang naman ang kanyang lagnat. Siguro nagkahalo na ang puyat niya, ang sugat at ang pagtuklas sa katotohanan na nagkatagpo na nga silang talaga ng kanyang mate. Pero hindi pa rin talaga

