Chapter 6 First kiss

2134 Words
Wala man idea sa mga damit pambabae, sinikap pa rin ni Desiree suportahan ang boss sa pagpili ng magagandang damit. Hindi kasi siya mahilig doon. Alam niya lang t-shirt at pantalon. Nakahinga siya ng maluwag nang matapos sila sa pamimili. Akmang kukunin niya ang dalawang paper bag to help him carry those but Aaron never allowed her. “Ako na, hindi kita inaya para maging alalay ko,” wika nito sa kanya. Medyo kinilig naman ang dalaga sa sinabi ng binata. “Enebe nemen yen, Sir, kinikilig ang bangs ko,” wika ng malandi niyang konsensya. Hindi siya magpahalata na malakas ang impact ng binata sa sinabi nito sa kanya. Tumango lamang siya at seryosong sumabay rito maglakad palabas ng mall. May biglang pumarada sa harap nila na mamahaling sasakyan. Black Sudan na bulletproof ang pagkakagawa. Napanganga siya sa ganda ng sasakyan pero agad tinikom iyon dahil baka mahalata siya ng boss niya. “Hop in,” sabi ng binata sa kanya. Tila hindi naman siya handa sa pag-anyaya nito na sumakay siya sa kotse. Alangan siya dahil may sasakyan siyang dala. Sa huli tumanggi na lamang siya. “Convoy na lang tayo, Boss. Dala ko kasi ang motor ko, eh. Mahirap iwan dito baka pagtripan ng kung sino. Mahal pa naman bili ko roon,” Hindi naman nagdalawang isip si Aaron, isinakay niya sa backseat ng kotse ang mga dala at inabisuhan ang driver na mauna ng umuwi. Bumaling ito sa dalaga. “Okay, makikisakay na lang ako sa motor mo.” Tinalikuran siya nito at naglakad tungo sa motor niya kung saan naka-park . Hindi naman ito kalayuan sa may entrance gate ng mall. Nakaawang lamang ang bibig ng dalaga habang tanaw ito palayo sa kanya. “Ano raw, makikisakay siya sa akin? Shete naman, oh,” protesta niya sa sarili. Kinakabahan na nga siya dahil kasama niya ito, tapos aangkas pa sa kanyang motor. Hindi niya malaman kung siya ang yayapos dito o ito ang yayapos sa kanya sa pag-angkas. Agad siyang natauhan at tinakbo ang ilang metrong layo nila sa isa't isa. “Teka lang, Boss! Seryoso ka ba na sasakay sa motor ko? Kaskasero ako magmaneho, baka mabangga tayo! Sana sumakay ka na lang sa kotse mo, para safe ka sa biyahe. Saka isa pa, hindi sanay ang big bike ko na may angkas, baka bumigay iyon!” ayaw niya itong sumakay dahil masyadong awkward ang pakiramdam niya. Feeling niya kaunti na lang sa sabog na siya at aaminin dito ng mahal niya ang binata. Pero never niyang gagawin iyon. Hindi pa siya hibang para ipahamak ang tinatagong kasarian sa mga kasamahan niya. Pero wala man lang sagot ang lalaki at patuloy lamang ito sa paglakad tungo sa motor niya. Nagtataka rin siya at bakit kilala nito ang baby niya? Winaksi niya na lamang sa isip at sumunod muli sa amo. Pagkalapit nila sa kanyang big bike, inilahad ang palad sa harap niya. Muntik pa lumapat ang kamay nito sa kanyang hinaharap. Mabuti na lamang at mabilis ang reflection niya at agad naagapan ang paglapat ng kamay nito sa kanya. Salubong ang kilay na tinitigan ang amo. Nagtatanong kung bakit nakalahad ang palad nito. Pero agad din nasagot ang tanong niya ng magsalita ito. “Give me the key and I'll drive. I know the place of the restaurant we are going to eat at. Baka kung saan mo ako dalhin, mahirap na.” Ginagalaw pa nito ang palad sa harap niya. May kung anong mahika ang binata na agad mapasunod ang dalaga. Inabot niya rito ang susi ng big bike at natagpuan na lamang ni Desiree na nakaangkas na siya sa motor habang nakayapos sa beywang ng kanyang boss. Wala rin siyang idea kung saan galing ang isang helmet na suot ng binata. Ang alam niya lang, isa lamang ang helmet na kanyang dala. Nang makaalis sa naturang parking lot, hindi nila napansin ang isang nilalang na nanggagalaiti sa galit. “It's you again, asshole! I'll make sure hindi mo makukuha ang para sa ʼkin!” umiigting ang panga na bulong nito sa sarili. Umalis na rin ito sa lugar na iyon. Samantala hindi malaman ni Desiree kung bibitaw na ba siya sa amo niya o mananatiling nakayakap sa beywang nito. Ang awkward nga kasi sa pakiramdam niya. First time ito ng dalaga. At ang kanyang dalangin ay hindi maramdaman ng lalaki ang nerbyos at kaba na bihira niya lamang maramdaman. Tahimik lamang itong nagmamaneho tungo sa restaurant. Maraming napapalingon sa gawi nila. Iniisip ng dalaga baka akala nila bakla ang isa sa kanila at bromance lang ang peg. Akmang aalisin niya ang kamay sa beywang ng binata pero mabilis nitong nahawakan ang kanyang kamay at ang isang kamay nito ay nakahawak sa manibela. Kahit mabilis ang takbo ng big bike, hindi pa rin naging hadlang sa binata na isang kamay lamang ang hawak sa pagmamaneho. Lingid sa kaalaman ng dalaga na malawak ang ngiti ng binata habang hawak nito ang kamay niya. Kinikilig man pero nananaig ang kanyang konsensya na hindi maaari. Ayaw niyang umibig sa kahit sinong lalaki except kung nakatakda sa kanya mula sa pack nila. Ayaw na ayaw niya ang minamanduhan pero isang salita lamang ni Aaron ay mabilis siya nitong napapasunod. Tila mahika ang bawat salita nito at mabilis siyang ma-hypnotize. Hindi nagtagal nakarating sila sa fancy restaurant. Ang ganda ng ambience at mukhang mamahalin nga ang pagkain doon. Walang seremonya na bumaba siya sa motor. Mabilis siyang lumayo sa lalaki at kunwari pinapahid ang kamay sa kanyang pantalon. Ginagawa niya lamang iyon para maibsan ang kaba sa lalaking kasama. Hindi maintindihan ng dalaga, kung sa misyon niya sa pakiki-bakbakan hindi siya natatakot, pero sa presensiya pa lamang ng boss niya, umurong na ang kanyang buntot. "Let's go, Dey-dey, gutom na ako.” Hinila siya nito papasok sa loob. At muling nagdaiti ang kanilang mga balat sa paghawak nito ng kanyang kamay. Pasmado pa naman siya at puro kalyo ang palad niya dahil sa matinding training nila noon sa camp. Pilit niya binabawi ang kamay pero mahigpit ang hawak ng binata roon. "Boss, bakla ka ba?” wala sa sariling tanong niya. “What?” Huminto pa ito sa pagpasok sa restaurant dahil sa tanong niya. Hindi nakatakas sa paningin ng dalaga that he smirked while asking her back. “Huwag mo akong ngitian d`yan, Boss, baka samain ka sa ʼkin. Kanina ka pa hawak ng hawak sa kamay ko. Sinasabi ko sa iyo, hindi tayo talo, boss. At isa pa kahit boss kita, makakatikim ka sa akin ng flying kick. Para kang intsik kung manligaw, tanghaling tapat. Tsk!” angil nya sa lalaki. Hindi naman maiwasan ni Aaron ang mapangiti ng lihim sa ina-asta ni Dey-dey. “No,” maikling sagot nito. Nakanganga naman ang bibig ni Desiree dahil sa sagot ng binata. “ʼYun lang?” inis na tanong niya ulit sa binata. Tumango lang ito at nagpatuloy sa paghila sa kanya papasok sa restaurant. Pinagtitinginan sila ng ibang customer sa loob ng establisyemento dahil sa holding hands while walking. Yumuko na lamang ang dalaga dahil hindi niya masikmura ang kahihiyan. May private space ang naturang restaurant para sa mga couple at iyon ang pinili ni Aaron. Mas lalong nakaramdam ng hiya si Desiree dahil doon. Baka ano isipin ng ibang tao dahil dalawa lamang sila sa loob ng isang kuwarto. Hindi niya maiwasan amag-isip ng advance dahil nga hindi naman siya sanay na may ka-date. Sakto na sa kanya ang kumain kasama ang mga kapwa niya agent sa mga ihaw-ihaw. Iinom ng alak at magyo-yosi. Minsan lang naman niya gawin iyon sa tuwing magkasama sila ng team niya na lumabas. For show up lang para hindi halata na nag-iisa siyang flower among the thorns. “Boss, uwi na lang ako. Mukhang nakakahiya itong ginagawa mo. Pagkamalan pa akong bakla sa ating dalawa. Pisti! Tangina lang, Boss, hindi ko pinangarap na maging bakla sa buong buhay ko. Kung gusto mo ikaw na lang,” galit niyang turan sa binata. Akma siyang aalis pero mabilis ito. Pinaupo siya sa silya bago naupo sa katapat niya. “Tell me, who are you, Dey-dey?” diretsang tanong ni Aaron sa kanya na tinitigan siya sa mga mata matapos makaupo ng maayos. Wala siyang pakialam kung nagmamaktol ang dalaga. He needs to know the truth. Umiwas ng tingin ang dalaga dahil hindi niya kaya ang intense na titig ng binata sa kanya. “A-ano bang p-pinagsasabi mo, Boss? Hindi nakakatuwa ang mga tanong mo, ah. Nakakatanga lang. Tinawag mo na nga ako sa pangalan tapos itatanong mo sa akin, kung sino ako? Seryoso ka rʼyan sa tanong na ʼyan, Boss?” Malamig na nakatitig lamang si Aaron sa kanya. Magsasalita pa sana si Desiree ng dumating ang waiter para kunin ang order nila. Inabot sa dalaga ang menu, ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita ang presyo ng bawat pagkain. Hindi niya pa alam kung ano ang mga iyon. Kahit na mga werewolves sila, tao rin naman sila na kumakain ng normal na pagkain. Pero hindi kasing mahal ng nakikita niya sa menu. Matipid siya sa sarili pagdating sa pagkain, pero sa mga high-tech na kagamitan at maging sasakyan, doon siya maluho. Kaya nga madalas siyang pagalitan ng ama dahil mas inuuna niya ang mga kagamitan panlalaki kaysa sa gamit na pambabae. Binalik niya sa waiter ang menu. Nagtataka naman ang binata sa ginawa niya. Bago pa ito magtanong ay sinagot niya na. “Boss, ikaw na um-order, mukhang mas masarap ang taste mo sa pagkain. Pang-kwek-kwek lang kasi panlasa ko, eh.” inabot niya ang menu sa waiter at humalukipkip na nakatitig sa binata. Medyo nagkatitigan pa silang dalawa pero unang bumawi ang lalaki. Tumikhim muna ito bago um-order ng makakain. Matapos maibigay ang kailangang pagkain, muling natahimik ang loob ng silid. Wala ni isa ang gustong magsalita. Kunwari ay iniikot ng dalaga ang kanyang paningin sa bawat sulok ng naturang private room sa restaurant. Maganda naman talaga ang ambience, parang Mediterranean style ang bawat muebles na ginamit. Maging ang pintura ay mukhang mahirap gayahin ang kulay. May pagka-gray na may blue na may itim ang kulay ng pader. May chandelier din na iilan lang ang kulay pero napakaliwanag ng buong paligid. “Siguro mahal iyan?” wala sa sarili niyang usal. Napalingon naman sa kanya si Aaron na tahimik lang din. Nakikiramdam sa mga kilos ng kasamang babae. “Ano'ng sabi mo?” tanong niya sa dalaga. “Huh?” nagtataka naman itong sumagot. Mukhang pareho silang hindi nagkakaintindihan at may sariling mundo. Sa isip ng binata, mukhang hindi ito threat sa kanilang lipi dahil inosente ang bawat kilos nito. “Boss, bakit mo nga pala ako inaya kumain? Wala ka bang date ngayon katulad ni Facs? Balita ko maraming nahuhumaling sa iyo. Wala ka bang tipo sa mga iyon?” basag ng dalaga sa katahimikan nilang dalawa. Mabilis naman sumagot ang binata sa kanya. “Wala. May nakatakda na kasi sa akin. Kailangan ko lang hintayin na dumating siya sa tamang panahon at oras. Bakit mo natanong? Interesado ka ba sa akin?” Nasamid naman sa sariling laway ang dalaga sa tanong ng binata. “Pardon? Tama ba ang narinig ko, Boss? Ano ba nakain mo ngayong araw at puro ka pahaging sa akin? Magkalinawan nga tayo? Bakla ka, ano? Okay lang naman sa akin. . .” naramdaman na lamang ni Desiree na may lumapat na labi sa mga labi niya. Mabilis ang reflection niya at naitulak ng hindi sinasadya si Aaron. Dahil sa lakas ng Luna niya, tumilapon ito. Mabuti na lamang at hindi tumagos sa pader. Nanlilisik ang mga mata ng dalaga kay Aaron. “Gago ka pala, eh! Pareho tayong lalaki rito, Dude! Pati ako pinapatos mo? s**t!” dumura pa siya sa may sahig ng naturang silid dahil sa pagkabigla ng halik ni Aaron sa kanya. Hindi man niya aminin sa sarili nakaramdam siya ng kakaiba. At noong itinulak ito, may awa siyang naramdaman ngunit binalewala na lamang dahil hindi niya maarok na ang unang lalaking nakilala ay bigla na lang siyang hahalikan. Mabilis na lumabas ng silid si Desiree at hindi niya nilingon pa ang kanyang boss. Nanggigil siya dahil nakuha nito ang unang halik na inilalaan niya sa nakatakdang werewolves sa kanya. Pero nawala lamang ng isang iglap ang iniingatan dahil sa walang hiya niyang boss. Napapakuyom pa siya ng kamay dahil sa frustration. Gusto niya manapak ng tao sa galit na nararamdaman. Susubok pa sana humarang ang security guard pero mabilis naman itong umiwas sa kanya. Hanggang sa nakalabas siya ng restaurant, hindi na siya sinundan ni Aaron. “Tangina lang! Hindi man lang ako hinabol? Gago rin, naku!” bulong niya sa sarili. Mabilis na sumakay sa kanyang motor at pinaharurot iyon palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD