Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Aaron ng makumpirma sa OB-Gyne ang pitong linggong pagbubuntis ng asawa. Maging si Desiree ay hindi rin makapaniwala na ganoon kabilis silang nakabuo. Ibinalita agad iyon ng mag-asawa sa mga magulang ni Desiree, maging sa team nila lalo na kay Facundo. Lagi kasi nito sinasabi kay Desiree oras na mabuntis siya, instant ninong agad si best friend. At laking tuwa nga nito ng malaman mula sa mag-asawa na magiging totoo na ang pagiging ninong nito. Ngunit dahil maselan ang pagbubuntis ni Desiree, hindi muna sila maaaring umuwi ng Slovokandia. Risky ang byahe para sa kanya. Napagdesisyunan ng mag-asawa na manatili muna sa Paris hanggang sa manganak ito. Mabuti na lamang at kilala ni Aaron ang isa sa prime Minister ng bansa. Nakiusap siya kung maaari na m

