Chapter Eighteen “T-Troy?” She slowly opens her eyes. Halos kulay puti ang lahat ng nakikita niya. Kahit pagod ang talukap ng mata niya ay inilibot niya ang kanyang paningin. Nakita niyang may lalaking nakayuko sa gilid ng kama niya, mukhang mahimbing ang tulog nito. “Troy..” Tawag niya rito. Alam niyang asawa niya ang lalaking natutulog. Ganyan ba talaga siya nito kamahal at pati sa langit ay sinundan siya nito? Sinubukan niyang tumayo mula sa pagkakahiga pero hindi kaya ng katawan niya. Her shoulder hurts every time she try to move her shoulders. Kahit hirap na hirap ay pinilit pa rin niyang makaupo at pagod na pagod ang pakiramdam niya matapos niyang magawa iyon. Tiningnan niya ang kamay niya na may dextrose. “Pati rito sa langit, dala-dala ko pati ito?” Tanong niya sari

