20 (end)

2058 Words
"I'm sorry," the only thing I could say to Gerald, alam ko namang mali... dapat no'ng una pa lang ay umiwas na ako. I hurt Gerald, pati ego niya ay inapakan ko pa. He's just so innocent, at ako na nabahiran na... ay dinamay pa ang isang 'to. "Di ko sasabihing hindi ako nasaktan, Jens. You're just so beautiful and I still like you... but..." bumuntong hininga ito. Pumiksi ako noong naramdaman ang pagpisil ni Luis sa tuhod ko. Para bang pinipigilan nito ang sariling gumawa ng gulo. And besides, we're outside and it was lunch time... there are a lot of customers who may take interest if we make trouble. "I guess I cannot force myself to you." Napatanga ako noong tumayo ito at basta na lang umalis. Tinitigan ko talaga ang paglalakad nito hanggang sa lumabas na ng restaurant. At sa huli, ng hindi na ito abot ng mga paningin ko, ay napayuko na lang ako. "I would think that you really like that guy." Tikhim ni Luis. Napaangat ang mga paningin ko nang marinig iyon. I am just looking at him intently, para bang nakakita ako ng aparesyon. But honestly, I just couldn't tear off my eyes from him. He's way handsome from the others. At noon hindi ko naman masyadong iniisip iyon, ngayon para akong lumulutang kapag nakatitig sa kanya ng matagal. Napatawa ito ng mahina at pumiksi ako noong pumisil muli ang kamay nito sa ibabaw ng aking tuhod. Amuse pa nga yata e habang iniikot ang mga mata sa paligid. "I'll pick you up after work," ngumiti ito saka dumampi ng halik sa labi pagkatapos ko siyang ihatid malapit sa exit. At dahil hindi pa tapos ang lunch break ay di na nakakapagtaka kung maraming napatitig, some was prying, at ang iba ay walang pakialam. I know I'll be the talked again. Kilala naman yata si Gerald kaya ganoon. I did my best to do my work, talagang ipipilit kong tapusin ito dahil desidido na ako. If I want to end everything for Gerald's sake, kailangan ko ng magresign. Hindi pa naman ako gano'n kakapal para manatili pa dito kung alam ko namang may nasasaktan. Ang labas, parang ginamit ko pa si Gerald. Na ang bait-bait pa naman ng taong 'yon. Ni wala akong masabi, at lahat yata ng kabutihan ay sinalo niya na. Papatapos na ako nang parang trumpong dumating si Jasper at agad na humila ng upuan para makichismis sa tabi ko. Ako nga ay nagtataka kung bakit para siyang nabuhayan habang nakatitig sa akin. "So?" Umiling ako at nilapag sa isang tabi lahat ng papeles na tapos ko ng i-scan. Malapit na ako at pwede na talaga. I just have to make sure that I leave all the chores clean. Di bale ng hindi buo ang matatanggap kong sweldo. Luis can provide everything, proven and tested, but after this maghahanap din naman ako ng ibang trabaho. I couldn't stay at home, may mga katulong at madalas ko namang nakikita si Farina. "We're okay," iyon lang ang sagot ko bago uminat. At tinitigan si Jasper na mas lalong lumawak ang pagkakangisi. Tumango-tango pa ito waring pinaalala sa akin na tama nga lang ang ginawa ko. Tumango rin ako at isinukbit ang bag. Aayain ko pa sanang sumabay ito sa amin kaya lang hindi ko pa nga naibubuka ang bibig ay agad na siyang umekis. As if nababasa niya ang nasa isipan ko. O baka nga, "You two should talked and take time alone. Sayang ang pakikipaghiwalay." Umiling na nga lang ako at bahagyang umayos na ng tayo saka lumabas ng building. Indeed, Luis was waiting at the exit. Seryoso ko naman itong nilapitan at kinatitigan, medyo nakatingala. Nagtataka lang ako at bakit hindi niya pa rin ako hinihiwalayan kahit na nagloko ako. Siguro nga... "Do you really love me?" walang pag-aalinlangang tanong ko rito. Lumunok ako at hinintay talaga ang sagot nito. Ngumisi siya't binuksan ang pintuan ng sasakyan. Lumipat doon ang mga mata ko at nagulat na may isang bungkos ng pulang rosas. With chocolate of course. "So you really are..." kagat labing sabi ko na lang at kinuha ang pasalubong nito. Kinilig naman ako ngunit mas pinili ko ang tumikhim at maupo sa passenger's seat. Umikot si Luis at inabot ang batok ko at mariing humalik. Kung noon dala lang ng obligasyon at pag-iinit ko ay ngayon naiba na yata... Kasi pati kaluluwa ko ang nakaramdam ng pagkakatamis. Maybe because it's crystal clear now. Napasinghap na lang ako noong tumigil kami sa isang city viewing na restaurant. Kakain yata kami. Why? Ang daming pasabog ni Luis ngayon. O baka naman bumabawi kaya ganoon? Mukhang may hihilingin ito mamayang gabi. Hmm? Sanay naman yata si Farina na doon kina Ynes natutulog. I eyed him as we walked our way inside the restaurant. He also booked for our table earlier than this time. Kaya may reservation na nakalagay noong inalalayan kami ng nag-aassist sa amin. Umiling ako at nagpipigil ng ngiti at inuna ang pag-inom ng tubig bago tumikhim. Doon lang natawa si Luis, na ikinalingon ko. "Nauubo ka yata," Mas lalo akong umiling at nilingon ang wall glass. City lights na ang nandoon... and for the first time, simula ng nakilala ko si Luis ay ngayon ko lang naramdaman na babae pa rin pala ako. Pareho kaming naging abala at tanging ang nagkokonekta sa amin ay pagiging mga magulang ni Farina. We almost forgot that we also need to work out things. Kung ayaw naming masira at kung ayaw naming maghiwalay, kailangan talaga iyon. "We should date more often," biglang sabi ni Luis habang hinihiwa ko ang steak. Natigil ako at tiningala si Luis na uminom ng wine. Napahinga ako ng malalim, kabado sa nangyayari. We both had s*x, ginawa na yatang routine iyon. Pagkatapos nagkaanak, nagloko (ako) at nagkaayos. Siguro nga tama lang din na kilalanin pa namin ng mabuti ang isa't-isa. Di lahat ng nagloko ay talagang naaayos pa. At siguro nga oras na rin para bigyan namin ang isa't isa pagkakataon. Though I am sure I don't love Luis. Natutunan din naman iyon diba? "Sige, sama natin minsan si Farina." Ngumiti ito ng malapad pagkatapos na marinig ang pangalan ng anak. Napangiti na lang din ako at tinuon ang sarili sa mga pagkain. Gabi na rin kami nakauwi, at nadatnang nagpupuyat sina Ynes. Lumapit ako sa kanila, ganoon din si Luis at binuhat nito si Farina. Na mukhang di paawat sa kalalaro. "Sige na matulog na kayo, kami ng bahala." Ngumiti ako roon sa dalawa. Sinilip pa nila iyong dala kong bulaklak saka palihim na ngumingiti bago umakyat. Napanguso tuloy ako at bahagyang nahihiya. Di naman kasi ito madalas mangyari, ay hindi! Talagang hindi ito nangyari. "She's growing," sabi kalaunan ni Luis habang pinapanood namin si Farina na nilalaro iyong mga toys na madalas kong bilhin. Luis bought few but he sure loves buying books for kids for Farina. Di pa naman nakakabasa iyong bata. "Yeah, she'll be turning two soon." Nakangiti ko pang sang-ayon at dumikit kay Luis na bahagya nitong ikinangisi. Ikinawit pa nga ang braso sa bewang ko... at parang bubuhatin pa ako nito. "Kailan natin susundan?" He asked out of nowhere. Napatanga ako sa sinabi nito. Magt-two pa lang si Farina! For Goodness' sake. "Nah, wag muna..." iling ko at namumula. Humagikhik si Farina kaya natuon ang pansin namin doon. Nagulat na lang ako ng hinawakan ni Luis ang kamay ko. Kung noon hindi ko naman pinapansin iyan, ngayon tuwing may gagawin siya ay para bang kumikibot ang puso ko. Siguro nga inuumpisahan ko ng pansinin ang bawat kilos nito. Maliit man o malaki. At nagiging anxious na ako. Nagsimula lang naman noong gabing may nangyari ulit. He said 'I love you'. At exactly 11 pm Farina got tired and kept yawning... binuhat siya kaagad ni Luis kaya pare-pareho kaming umakyat bitbit ko naman ang bulaklak. Nilapag ko ito sa ibabaw ng side table at nagbihis. Nahuli ko pang nanonood si Luis kaya namula ako. Dapat yata ipaalala ko sa lalaking 'to na dapat pareho na kaming masanay na makita ang isa't isa na nagbibihis. Hindi naman ako naiilang, sadyang namula lang ako noong nahuling matamang nanonood si Luis. Umiling nga ako at tumabi sa kanya. Nandoon na sa gitna si Farina tulog na tulog. Hinawakan ni Luis ang panga ko't hinila saka marahang hinalikan. Gentle but sweet. "Let's sleep," aya ko. Tumango ito and I had a good sleep that night. Nakakahiya naman magpagapang kung nandito si Farina, lalo na noong madaling araw na panay ang haplos ni Luis sa katawan ko kahit 1 person away kami sa isa't isa. Sinenyasan ko na lang ito na tigilan dahil baka magising ang bata na ikinahalakhak na lamang nito. Umiling nga ako at nakangiting natulog ulit. Kakapasa ko pa lang ng resignation letter at kakabreak pa lang ay para bang turumpong hinahapong sinalubong ako ni Jasper. Kunot ang noo nito, pinagpapawisan ng kaonti at matamang nakatitig sa akin pagkatapos ng isang mahabang pahinga. “Sinabi sa akin, magreresign ka na raw?” Tumango ako at nagstraw ng juice saka sinilip si Gerald na naglalakad sa malayo. Hindi naman ako nakita nito, at lalong ayaw ko na ring magpakita. Nakakahiya. “Oo, mag-aapply ako sa ibang company. Mahirap na.” Tumango ito waring iniintindi ang desisyon ko sa buhay. Tama naman iyon. At ayaw ko na lang palawigin pa ang issue sa’kin at kay Gerald. Bago pa kaya siguro hindi mamatay-matay ang issue sa’ming dalawa. Hindi ko na lang pinapatulan dahil tapos na... and I was the one who cheated. Kinahapunan sinundo na naman ako ni Luis. May ibang nakiusyuso at may ibang lantarang sinasabi na, “Kaya naman pala nagcheat, kahit ako talagang mapapacheat kung ganyan ka-hot.” Umiling nga ako at pumasok ng sasakyan. And then I saw the displayed flowers from the back seat. Nagpigil na naman ako ng ngiti at inabot iyon para lang amuyin. And before we leave, binigyan na pa ako ng mariing halik ni Luis. I could feel how warm his kisses are, para bang prinsesang-prinsesa ako at araw-araw niya akong namimiss. Minsa napapatulala na lang ako habang nakatitig kay Luis... at lumalalim ang iniisip. Pag weekends madalas naming ipasyal si Farina sa buong subdivision. We always choose to have our weekends spent with just the three of us. Ito nga recently lang nagdesisyon si Luis na isama kami sa La Union, kahit na may gagawin siyang malaking gig doon. Sumang-ayon na ako habang wala pang trabaho. Maghahanap ako ng trabaho pagkatapos nito... sinusulit ko lang ang mga mahahabang oras... Naiwan kami ni Farina sa loob ng room. Tulog ito kaya inayos ko muna ang sarili. Nag-isip pa ako ng mabuti hanggang sa pumili ako ng puting bulaklaking long dress na may slit at summer hot. Sabi ni Luis lalabas daw kami mamaya para manood ng banda malapit sa sentro. Isasama namin si Farina at pupwesto sa malayo para naman hindi mabigla ang bata. Afterall, she’s still a baby. Alas sais ng gabi nang nakauwi si Luis... medyo pagod kaya nag-alala ako’t tinanong ito kung kakayanin pa ba. Ayaw ko namang ipilit dahil alam kong drained na ito sa kakatrabaho. All fun things can wait... hindi na ito iba. Saka isa pa, I have my time. Unemployed pa ako kaya kaya kong mag-adjust kung sakaling kailangan. Ngumiti ito ng sinabi ko ang suhestyon. Hinila pa nga ako habang nakaupo siya roon sa sofa. Malayo kay Farina na tulog na tulog. Ipinatong ako nito sa kandungan at mariing hinalikan. And I just gave in. I suck his lower lip, and indeed... we had a silent s*x that afternoon. “We can now get married, Sweet.” Bulong nito habang nakapatong ang baba sa balikat ko. Kahit papa’no partial na ang pananamit noon after that steamy night. “Okay...” simpleng sagot ko rito. Nanigas ito at bahagyang lumayo sakto para matitigan ako nito. Akala siguro nito e nakikipagbiruan pa ako. I am sure I want to get married with him. Kahit na huwis okay na ako. Hindi bale, we have all the time in the world. At saka... naaappreciate ko lahat ng effort ni Luis. Pakiramdam ko espesyal ako. Pakiramdam ko sincere ito sa ginagawa. And there’s nothing wrong to get married to him. Afterall, he’s the love of my life and the father of my daughter Farina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD