NASA labas ng ICU si Maze kasama si Kuya Shan at Ate Carila. Umalis sina Anniza at Joshua ng matapos ang operasyon ni Shilo, may malaki itong sugat sa balikat kung saan ito nabagsakan ng sanga ng puno. Hindi din kasi pwede magtagal si Anniza sa ospital dahil buntis ito sa magiging pangalawang anak sana ng mga ito. Nalaman niyang namatay ang unang anak ng dalawa. Nasa loob ng ICU ang ama at ina ni Shilo. Under observation ang binata at kailangan magising sa loob ng 24hours, dahil kung hindi ay magdedeklara ng comatose ang doctor. Kanina ay pinapapasok siya ni Kuya Shan ngunit tumanggi siya. Hindi niya kayang makita si Shilo sa ganoong sitwasyon. Mula kasi sa bintana ng pintuan ay nakita niya ang mga tubong nakakabit sa katawan ni Shilo. May nakabalot na bandage sa balikat, tuhod at ulo

