ERIELA Napatanga at nagtatakang sinundan ng tingin ni Eriela ang nag-iisang taong ang sarap tirisin. Sinong hindi magugulat sa kinikilos ng binata kung una pa lang para silang aso't-pusa? Isa pa roon, para silang manok na kulang na lang ay magsasabong kapag silang dalawa ang magkasama. Hindi niya maintindihan ang kinikilos nito. He had a frigid demeanor towards her. Then he becomes friendly and expresses his feelings for her. That's absurd, and it's the reason she's bewildered. Napailing na lang siya sa kinikilos ng binata. Kung magpapansin sa kanya ay parang walang girlfriend. Ang sarap sabihin dito na malandi. Ang landi-landi ni Spencer. May girlfriend na nga, may kinakalantari pang iba. Kinikilabutan tuloy siya. Naninindig ang balahibo niya kapag naalala na naman niya tuloy ang paghali

