Nang lumapag ang private airplane galing sa Pilipinas ay agad na sinalubong ng mga naka-unipormadong mga lalaki si Attorney Rodrigo San Jose na nakasuot ng asul na polo at puting pants. Namamanghang inilibot ng tingin ni Attorney San Jose ang kabuuan ng napakaenggrandeng palasyo. Glamoroso at nakakatakot tapakan ang makintab na sahig at nakakahiyang dumihan ito. Pati na ang naglalakihang chandelier ay nakakamanghang pagmasdan. Hindi siya makapaniwala na nakatapak siya rito at makakausap pa niya ngayon ang reyna at hari ng Devonshire. Hindi niya inaakala na ang tinuturing na nilang anak ay isa pa lang makapangyarihang tao. May dalawang mga lalaking nakabantay sa naglalakihang gintong pintuan na agad naman pinagbuksan si Atty. San Jose. "Attorney San Jose, you may now proceed inside becaus

