HEIANA Nasa harden ang dalaga kaharap ang mga nagagandahang bulaklak na kanyang inaalagaan. Kumikislap sa kasiyahan ang mga mata niya at matamis ang ngiti habang nagti-trim ng mga halaman. Kahit paano ay napasaya naman siya ng mga halaman na kanyang tinanim. Sa nakalipas na panahon, unti-unti ng natanggap ng dalaga ang mga pangyayari sa kapaligiran niya. Naglakad siya papalapit sa patio na kung saan niya nilagay ang isang katamtaman na pot na may paborito niyang bulaklak. Napangiti siya NAng makitang tumubo na ang kanyang pinagsisikapan. Nakakadagdag saya talaga ang bulaklak. Ito lang talaga ang pampalipas oras niya at hindi siya nagsasawa na alagaan ang mga ito. With a smile on her lips, she smelled the blue rose. "Princess Heiana…" Napalingon siya sa kanyang likuran nang makitan

