HEIANA "What are you doing here, Felix?" magkasalubong ang kilay niyang tanong sa kaibigan "Paano mo nalaman na nandito ako?" "Gusto ko lang kumustahin ang kalagayan ng pasyente ko. Binabagabag ka pa rin ba ng masamang nangyayari sa'yo? Binabangungot ka pa rin ba?" Napatigil siya sa tanong ng kanyang kaibigan. Inaalala niya ang mga nagdaang araw. Simula nang makasama niya ang binataay malimit na siyang dinadalaw ng masamang bangungot habang tulog siya. Hindi na katulad dati na palagi na lang siyang umiinom ng sleeping pills para makatulog siya nang maayos. Tipid na ngumiti siya rito at umiling. "Simula nang makasama ko si Spencer ay madalang na lang. Nakakatulog na ako nang maayos na walang iniinom." Tumango ito sa sinabi niya at kunot-noong tinitigan siya ng kaibigan. "Bakit ga

