CHAPTER 64

1287 Words

HEIANA Napatigil siya sa pagkuha ng pagkain nang marinig niya ang pamilyar na boses ng babae. Napabuntong-hininga siya at napailing na lang sa klase ng babaeng kasing tigas ng bato ang ulo. Napapikit siya dahil sa inis. Kung ganito naman kakapal ang mukha, wala na siyang magagawa. Hindi talaga ito titigil sa kakahabol sa nobyo niya. Sinasagad talaga ng babaeng ito ang pasensya niya. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na nagkaproblema si Spencer. Nakangising napailing at nilingon ang babaeng bisita. Ngumiti sa kanya si Andrea na para bang hindi nito naramdaman ang tensyong namamagitan sa kanila. Sinasadya ba nitong inisin siya? Kahit ano pa lang pakiusap niya rito ay wala pa ring kuwenta. Mas lalo nitong sinasagad ang pasensya niya. Baka mawala pa ang tinuro sa kanya sa England, ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD