CHAPTER 4

1552 Words
SPENCER KANINA pa patingin-tingin si Spencer sa cellphone niya. Halos apat na oras na siyang naghintay kung may reply na ba sa dalaga pero wala pa rin. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Simula kasing makita niyang bumalatay ang sakit sa mukha ng dalaga ay bigla siyang nakonsensya. Kaya hindi siya makapag- concentrate sa kanyang ginagawa. Pabagsak niyang inilapag ang papeles na kailangan pa niyang permahan at ipasa sa ama niya kung aprobahin ba nito ang proposal niya sa bagong project na kanyang gagawin. "Konsensiya?" biglang lumabas iyon sa bibig niya kaya nakita niyang nagtaas ng kilay si Driego. "O baka naman, iba na iyang naramdaman mo?" tukso nito sa kanya kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Driego, stop teasing me. I'm not interested in having a teacher-student relationship.” He hissed at him. "Oh, common! Stop being stiff, my friend. Alam mo ang ganda pa naman ang mataray na estudyante mo at wala namang akong sinabi na nagkagusto ka sa estudyanteng iyon. Napaghalataan ka na." Naweweirduhan siyang napatingin sa kaibigan na prenteng nakaupo sa couch niya. Abala ito sa pagbubuklat ng libro o baka naman naghahanap ito ng ibang pagkakaabalahan. "Could you please close your mouth? Don't you see how busy I am?" "Busy?" Humagalakpak ito sa tawa kulang na lang ay hihiga na ito sa sahig. "Busy ba iyong palagi na lang tinitingnan ang phone at nakasimangot na tinatawagan ang kawawang babaeng iyon? Sabi mo pa nga, Ms. San Jose answer the d*mn phone! Oh, ano iyon?" "Gusto mong isungalngal ko itong mga papeles na nasa harapan ko?" "Sabihin mo na kasing attracted ka sa kanya. Huwag mo na ngang itanggi. ang tanda-tanda mo na ang torpe mo pa rin." "Stop it, Driego!" He hissed at him na ikinatawa nito. Kahit anong tanggi niya sa sasabihin nito ay hindi pa rin maniniwala ang kaibigan niya dahil mas gugustuhin pa nitong asarin siya hanggang mapaamin siya na ng gago. Kahit na asarin siya nito ay wala itong makukuhang impormasyon sa kanya dahil wala naman siyang gusto kay Ms. San Jose. Type niya iyong daring, sexy, and hot chicks kaysa sa mataray na iyon. Napailing na lang siyang inilapag ang phone niya at pinagtuunan ng pansin ang mga nakaumbok na papeles sa harapan niya. Kaysa pagtuunan ang walang kabuluhan na bagay. Mga nakalipas na oras ay bigla na lang niyang narinig ang pagtunog ng tiyan ng kasama niya. Kaya napaangat siya ng tingin at nakita niya itong nagmamakaawang napatingin sa kanya. "You haven't eat lunch?" kunot ang noong tanong niya rito. Nakakapagtaka lang talaga na pumunta ito rito sa opisina na gutom. Nakangusong umiiling ito sa kanya at nagpa-puppy eyes pa. "Ano pa ang ginagawa mo rito? Go now, and eat, Driego." Pagtataboy niya rito at hindi na nag-abalang tumingin sa kaibigan. Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng papeles. Nagtataka na naman siya ng may kamay na humarang sa pagbabasa niya. “Ano na naman, Driego?" “I don't have enough money to pay." "Ano na naman iyang kalokohan mo, Driego? Sinusumpong ka na naman sa pagiging kuripot mo?" "Alam mo naman mahal na ang gas, pagkain, damit na maisusuot mo araw-araw at tubig na kailangan buwan-buwan babaya—" "Oo na! Oo na! Bakit ba palagi ka na lang humihingi ng pera sa amin? Marami ka namang zero sa bank account mo," sukong aniya habang kinuha ang pera sa wallet at binigay ang ilang perang papel dito.” Nakangisi namang binibilang ang pera at saka inamoy-amoy iyon. "Ang bango talaga ng pera!" Napangiwi siya sa kanyang narinig. "Sabihin mong adik ka sa pera. Pwede ba, umalis ka na!" taboy niya rito. Imbes na sumunod ito sa sasabihin niya ay nakangising lumapit ito sa kanya at hinila siya nito bigla kaya muntik na siyang mapasubsob sa ginawa ng g*go. "What the hell, Driego! You know what, marami pa akong dapat gawin ngayon. So, stop bothering me." Nakangising inakbayan siya nito. "Common! As a bachelor, take advantage of your freedom. Don't put too much pressure on yourself." Napabuntong-hininga na lang siya dahil kahit anong gawin niya hindi siya titigilan nito. "Where are we going?" Ngumisi lang ito sa kanya at saka nagpatiuna nang lumakad. —------- ERIELA "Ano ka ba naman, Eriela! Kawawa naman iyang spaghetti na pinaglalaruan mo!" Napatingin siya sa kaibigan na nag-aalburuto habang nakatitig sa pagkain niya. She deeply sighed at ibinalik na lang ang tingin sa pagkain niya at hindi na tumugon dito. "Ano bang problema mo?" Buntong-hininga lang ang sagot niya rito. "Hindi pa kasi nagre-reply si Henry," nakangusong sabi niya na ikinasimangot nito. "Henry.” Umirap ito at ngumiwi na para bang nandidiri sa pagbanggit ng pangalan ng boyfriend niya. Alam naman niya kung bakit ayaw nito sa boyfriend niya dahil sa isang aksidente na gusto na niyang kalimutan. "Henry! Henry! Bakit ba palagi mo na lang hinahanap ang boyfriend mo? Sa totoo lang, wala siyang pakialam sa’yo. Kung mahal ka niya ay hindi sana siya aalis na walang paalam na para bang nang-iwan lang ng basura. Pagkatapos gamitin ay ayon itatapon na lang ng basta-basta." "Hindi naman siya ganoon, Meghan.” "Sus! Ipagtatanggol mo pa. Ang sarap mo talagang kutusan, Eriela!" Napatingin siya sa paligid nang bigla na lang tumahimik ang Cafeteria at nangingibabaw sa lakas ng boses ng kaibigan niya. Pasimple niyang sinipa ang binti nito at sinamaan ng tingin. "Pwede mo namang hinaan ang boses mo, Meghan. Bakit ka ba sumigaw?" "Ano naman kung sumigaw ako? Wala silang pakialam dahil free country i—" "Ako, may pakialam ako dahil nakakabulabog ka sa mga taong kumakain dito." Napatahimik ang kaibigan niya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa likod niya. Lumingon din siya upang tingnan, kung sino ang tinitingnan nito. Nakita niya ang ma-awtoridad na anyo ng Principal nilang si Spencer. Ito ang unang beses na nakita niyang ma-awtoridad ang anyo nito. Para bang isang petek lang ay sasabog na ito. Nakaramdam tuloy siya ng takot dito. Kapag kasi nag-uusap sila o mas tamang sabihin na nagbabangayan ay nakangisi lang ang principal nila. "Sir..." "What will you do, class, if someone breaks the rules?" nakapamulsang tanong nito sa mga estudyante. Bigla siyang kinabahan sa kaibigan niya. "Sir, she will clean the bathroom," suhestiyon ng isang babaeng naka-ponytail. malapit sa kinauupuan nila. Sinamaan niya ng tingin ang babae para ipahiwatig dito na hindi karapat-dapat na parusa ang ipapataw sa kaibigan niya. "All right, that's go—" Marahas na tumayo siya kaya sa kanya napabaling ang lahat ng atensyon. "Sir, it is not a good punishment dahil wala naman pong nakasulat na parusa na ganoon sa chart." He smirked at her and said, "Miss San Jose, do you think I'm concerned? Because I am the principal here, I have the authority to punish those who break my rules. If you want, you can assist your friend, or you may find yourself cleaning the filthy bathroom by yourself." His voice gives her goosebumps, but she isn't going to show her emotion to this devil. "You can decide now, Miss San Jose." She gritted her teeth and clenched her fists. She wanted to punch him in the face. Sinong mag-aakalang may isang tao pa lang ganito ang ugali? Gwapo nga, pero masama naman ang ugali. Masamang budhi. Buti pa si Sir Sergio na ama nito na ang dating Principal nila ay maganda pa ang ugali. Hindi katulad ng anak nitong ang sarap ibaon sa lupa. "Dude! That is not a good punishment. You have the option of choosing a different punishment." Tinapik ng isang gwapong lalaki ang balikat nito. Nasa likuran ito ni Sir Spencer. "You know what I'm capable of, Driego. I'm not looking for someone who doesn't treat others with respect. They only care about themselves and have no respect for others." kalmadong wika nito kay Driego. Napabuntong-hininga na lamang siya. Ayaw na niyang makipag-usap dito. Baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili, masuntok niya ang pagmumukha ng Principal nila. "Sir, we'll take care of the cleaning," wika niya na hindi na nakatingin dito at saka hinila ang kaibigan na nakatulalang nakatitig sa kanila. Nang makalabas na sila ng tuluyan ay agad nagsalita si Meghan. "Bakit ka pumayag, Eriela? Dapat ako lang pinaparusahan at hindi ikaw." Ngumiti siya rito. "That's what friends are for. Hindi kita hahayaan na ikaw lang ang maglinis dapat tayong dalawa." She wink at her na ikinatawa nito. "Baliw ka talaga." "Matagal na." Nakangiting sabi niya, pero iyong puso niya ay gusto ng sumabog sa galit. Gusto niyang suntukin ang hayop na iyon. Bakit ba ito pa ang naging Principal nila? — SPENCER HUGHES "Halaka! Mukhang galit na galit si Miss San Jose," rinig niyang paninisi sa kanya ni Driego. Hindi lang niya pinansin iyon dahil tuluyan na siyang pumasok sa opisina niya at binagsakan ang mukha nito ng pintuan. Alam naman niya iyon. Pinagmukha pa nito sa kanya? Narinig niyang napamura ito sa kanyang ginawa. "What the fvck! You damaged my face!” hindi makapaniwalang sambit nito sa kanya kaya natawa siya nang makita ang namumulang noo at ilong ni Driego. "You deserved it," aniya habang inaayos ang pagkakaupo sa swivel chair. "Kaibigan ba talaga kita?" Nakangiwing hinaplos nito ang noo. He just shrugged his shoulders and deeply sighed. Napasobra na ba siya? She deserves the punishment, right? Why does she make him feel guilty?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD