SPENCER It’s been one week na nandito sila sa Pilipinas. Umabot ng isang linggo dahil gusto niya munang maging mabuti ang kalagayan ng dalaga bago sila umuwi sa Pilipinas. Naiinip na napatingala si Spencer sa malaking orasan na nakalagay sa pader. Kahit na sabi ng mga tauhan niya na allow them 5 to 6 hours to find that worthless man ay hindi pa rin siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Hindi na iniisip ng binata na pwedeng makasira sa imahe niya bilang namumuno ng isang prestihiyosong eskwelahan, pero wala siyang pakialam kung masira man siya o hindi. Dahil nakatatak sa isipan niya, whatever happens, he'll keep Eriela safe. kahit makasagasa pa siya ng ibang tao. Napabaling siya sa kanan. Walang emosyon na tiningnan ang mga tauhang bitbit ang lalaking kanina pa niya inaasahan. "It

