Hotel
"Thank you sa pagpunta, Ma. Akala ko wala ka ng balak pumunta dito sa after party ko," sabi ni Muriel sa kanyang ina na sobra sa postura.
"Bakit naman hindi ako pupunta? Ikaw, talaga! Ako ang Mama mo kaya hindi ko pwedeng palampasin ito," sabi ng kanyang mama na si Marlene.
Napa-irap na lang siya dahil kanina sa graduation niya ay wala naman ito. Inasikaso na naman kasi nito ang kasal na naman sa pangatlong pagkakataon.
"Parang noong isang buwan lang ay gumraduate ka ng Culinary Arts tapos ngayon Nutritionist ka na! Ang galing ng baby ko!" sabi pa ng kanyang mama at niyakap siya habang tumatalon pa.
Napatingin siya sa mga bisita niya na palihim na tumatawa. Tumayo siya nang matuwid tsaka tinulak palayo ang kanyang mama.
"Nakakahiya talaga kayo, Ma! Hindi na ako baby."
"E 'di, bigyan mo na lang ako ng apo na baby."
Nagulat siya sa sinabi nito kaya nahamapas niya ito sa braso. Ang bata niya pa para magkaanak, 21 years old lang siya at kung maka-demand ng apo itong nanay niya ay parang nanghihingi ng candy.
"Hoy, Chef Muriel Kassandra Esperanza! Congratulations, girl!" sabi ng ka-batch niya sa Culinary Arts na si Clara.
"Muchas gracias, girl," sabi niya at niyakap ito.
"Balita ko ay kinukuha ka daw sa kompanya nila Enzo bilang Nutritionist. Grabe, ha! Kaka-graduate lang pero may kumukuha na kaagad. Patay na patay talaga itong si Enzo sa iyo. Sayang at hindi mo pinansin, puro ka kasi aral, eh!" sabi ni Clara na kaagad namang tinakpan ang bibig nang makita ang kanyang mama.
"May nagkakagusto sa anak ko?! Aba, himala 'yan. Sino?" tanong ng kanyang mama na halatang tuwang-tuwa.
"Wala iyon, ma. Joke niya lang iyon. Wala talaga, hindi ba?!" Bumaling siya sa kaibigan at palihim na kinurot ang tagiliran nito.
"Aww! Opo, hindi po iyon totoo," sabi ni Clara at siya naman ang kinurot.
Sinamaan niya ito ng tingin. Ang mama naman niya kasi ay gustong-gusto na siyang mag-asawa. Bakit hindi daw siya tumulad dito?
Tumulad dito na nakatatlo ng asawa?
No way! Ayaw niya ng ganoon.
"Parang meron, eh. Tara na! Let's party!" sabi ng kanyang Mama.
"Ah, wait lang po, auntie. Meron po sana akong ipapakiusap," sabi ni Clara at nginisian siya.
Ayaw niya yata ang iniisip nito. Tumingin siya sa kanyang ina na may hawak ng isang baso ng wine at naghihintay sa sasabihin ni Clara.
"Gusto ko po sanang isama si Muriel sa isang bar. Iyong pinakasikat na bar po dito sa Hillas. Kasi noong nag-aaral po kami ay hindi naman siya maaya dahil sinubsob niya ng sobra sa pag-aaral ang sarili. Kaya pumayag na po kayo," sabi ni Clara at nag-puppy eyes pa.
Kaagad siyang umiling. "Ayoko! Ayokong pumunta sa bar," sabi niya at hinampas sa braso ang kaibigan.
"Sure naman! Para magka-boyfriend naman itong anak ko. Baka tumandang dalaga! Hala, sige! Magpunta kayo sa bar at lasingin niyo para pag-uwi ay may dala ng bata," sabi ng kanyang mama na tumawa pa nang malakas.
"Ma! Binubugaw niyo na ako, eh!" sigaw niya kaya naagaw ang atensyon ng ibang bisita.
Ngumiti siya sa mga tao na nakatingin lang sa kanila. Hinila na siya ni Clara bago pa siya makapagprotesta.
"Syempre, para sa unang clubbing mo. Kailangan sexy para makaakit ka ng maraming boys," sabi ni Clara habang pumipili sila ng damit sa kanyang closet.
"Sexy ka diyan," sabi niya at umirap.
Napakamot sa ulo ang kanyang kaibigan at nakataas ang kilay na humarap sa kanya.
"Puro pang-manang lahat ng damit mo," sabi nito at tumingin sa kabuuan niya.
Sandali itong nag-isip at lumiwanag ang mukha pagkatapos.
"Papahiramin na lang kita. Tsaka Masquerade Party nga pala ang pupuntahan natin kaya, okay lang kung mag-wild ka roon. Tutal naman ay ngayon ay free ka na sa lahat ng paper works mo. Freshen-up, girl!" sabi ng kanyang kaibigan.
Nagkibit-balikat siya. Tama naman ito. Wala namang masama kung magliwaliw siya ng isang gabi.
Tinignan niya ang kanyang kabuuan sa salamin at parang naaasiwa siya sa kanyang sarili ngayon.
"Hindi ba masyadong revealing naman itong suot ko? Wala na ngang takip sa likuran, ang lalim pa ng cut dito sa harapan. Konting tuwad ko na lang ay kita na ang panty ko. Maghubad na lang kaya ako para all-out na," sabi niya at sinuot ang mask na bigay nito.
"Ano ka ba? Club ang pupuntahan natin, hindi simbahan kaya ayos lang iyan. Hindi ikaw si Muriel the Genius ngayon, ikaw si Sandra the b***h Girl. Kaya halika na, malapit nang magsimula ang tunay na party," sabi ni Clara kaya napailing na lang siya.
Sa labas pa lang ay rinig na ni Muriel ang malakas na music na nagmumula sa pinakamalaking bar sa Hillas at sa buong Cordancia.
"Tara na, dali! Muriel-- ay mali! Sandra pala!" sabi ni Clara at nagmamadaling hinila siya nito sa loob ng club.
"Welcome, ladies! Enjoy the night!" sabi ng isang lalaki na naka-mask din at binigyan silang ng tig-isang baso ng champagne.
It's good naman to drink champagne, it's good for the heart. It contains antioxidant that prevents damage to your blood vessels.
Umiling-iling si Muriel. Umandar na naman ang kanyang pagka-Nutritionist o pagka-nerd. Ininom na lang niya ang champagne at humingi pa ng isa.
"Isa ka rin ba sa mga naka-graduate ngayong araw na ito?" tanong ng bartender na pinapanuod niyang gumawa ng inoder niyang drink.
"Yes, actually, hindi naman dapat ako pupunta rito. Iyong kaibigan ko kasi 'yong nagpilit. Ngayon, hindi ko na alam kung nasaan siya," sabi niya at tumawa.
Naku! Tinamaan na yata siya ng kanyang mga ininom.
"Congrats, tama lang iyan. Mag-enjoy ka na habang may oras ka pa. Dahil pagkatapos ng gabing ito, haharapin mo na ang real world," sabi ng bartender at inabot sa kanya ang kanyang inumin.
Napa-isip siya sa sinabi nito. Tama! Bukas ay tapos na ito, nandirito na rin naman siya. Bakit hindi niya pa samantalahin? First time niya pero ano namang problema roon?
Twenty years niyang sinubsob ang sarili sa pag-aaral. Three years old pa lang siya ay wala na siyang panahon para sa sarili niya. Kaya, anong masama sa isang gabi ng pagsasaya?!
Ininom niya ang isang basong alak at pagkatapos ay sumalo na sa mga taong sumasayaw sa malakas na musika. Mga wala na sa sarili ang karamihan. Kung ano-ano na ang ginagawa.
Kinalimutan ni Muriel ang kahihiyan. Wala rin namang nakakakilala sa kanya rito maliban kay Clara na hindi na niya nakita.
Sa una ay tipid pa ang kanyang mga galaw pero noong sinamahan siya ng isang lalaking naka-itim na mask at malawak ang ngiti sa kanya ay parang ginanahan siya. Tumatawa siya habang nagsasayaw sila ng lalake at hindi niya alam kung bakit.
Ang alak kasi ay dapat diretso sa tiyan! Hindi pinapaakyat sa utak!
"What's funny, miss? Nakakatawa ba akong sumayaw?"
Nangilabot si Muriel nang marinig ang malalim na boses na iyon malapit sa kanyang tenga. Hindi niya namalayan na sobrang lapit na pala nila ng estranghero sa isa't isa. Ang mga kamay nito ay nasa kanyang bewang na at naamoy na rin niya ang mabangong hininga nito.
"W-Wala, natatawa lang ako sa sarili ko. Lasing na yata ako," sabi niya at tumawa ulit.
"First time?"
Napaangat niya ang tingin sa lalake at muntik nang magtama ang kanilang mga labi. Napatikhim siya at humawak sa matigas nitong dibdib.
"Yes, hindi naman talaga ako party girl."
Sobrang lapit nila sa isa't isa at wala siyang pakialam doon. Gusto pa nga niyang mapalapit ito sa kanya at hindi niya alam kung bakit.
"First timer pero ang sexy," sabi nito at hinaplos ang mukha niya.
Bumaba pa ang kamay nito sa kanyang leeg hanggang sa pagitan ng kanyang mga dibdib. Napalunok siya at nag-init bigla ang kanyang pakiramdam.
Tinaas niya ang tingin sa lalake at nagulat siya nang salubungin siya nito ng halik sa labi. Sa una ay gulat pa siya pero nang humagod ang mga labi nito ay tuluyan siyang nalasing.
Mukhang sobra naman yata ito para sa isang first timer!
Lalo siyang hinapit ng lalake at siya naman ay dinala ang sariling mga braso sa balikat nito.
Ito ang unang halik ni Muriel at sa isang lalaking hindi man lang niya alam ang pangalan ang nakakuha nito. Bakit ba kasi ang sarap nitong humalik?! Nakakabaliw!
Nang maghiwalay sila ay kapwa sila naghabol ng hininga. Ngumisi ang lalake at pinahid ang kanyang labi.
"I want to take you somewhere else. Can you come with me?" tanong nito sa nakakapang-akit na boses.
Dahil sa epekto ng alak at sa hipnotismong dala ng mga mata ng lalake ay nawala lahat ng alalahanin ni Muriel. Bigla siyang naging isang mapusok na kabataan na nagpapatangay lang sa agos at bahala na kung saan mapadpad kinabukasan.
"Sure," walang-pagaalinlangang sagot niya.
Bahala na talaga! Wala na!
Sinakay siya nito sa isang magarang sasakyan at mabilis na nagmaneho papunta sa kung saan. Ang kamay naman nito ay parang hindi na makapaghintay at humahaplos na sa mga hita niya.
Nag-init ang pakiramdam ni Muriel. Siya rin, hindi na makapaghintay sa gagawin nila ng lalake. Kung ano man iyon ay siguradong pagsisihan niya kinabukasan. Pero bukas pa naman iyon, might as well, i-enjoy niya muna hanggang kaya niya pa.
Binagsak siya nito sa malambot na kama at kaagad inatake ng halik. Mapusok at mapanghanap na halik. Napapikit niya at nai-awang ang mga labi nang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg.
Lumayo ito sa kanya ng konti para mailihis ang strap ng kanyang sexy dress. Pinanood niya kung paano lumatag ang mga mata nito sa hubad niyang dibdib.
Mukhang walang balak ang lalake na hubarin ang kanyang mask at mas mabuti iyon. Kakalimutan niya ang gabi na ito na parang walang nangyari.
Napaliyad siya at napadaing nang isubo ng lalake ang kanyang n****e at kagat-kagatin ito. Ang isang kamay naman ito ay pinaglaruan ang isa niyang dibdib.
Ang sarap!
Yumuko siya para panoorin ang ginagawa ng lalake at mas lalo siyang nag-init. Ngayon niya lang naramdam ang sarap na ito, nakakalunod at nakakapanghina.
Tuluyang hinubad ng lalake ang kanyang dress at itinapon iyon kung saan. Sinunod nito ang kanyang panty na hindi niya alam kung bakit basa.
"You're so wet, darling. You are beautiful."
Hinalikan siya muli ng lalake at ito naman ang nag-alis ng saplot. Napaupo siya sa kama at pinanuod ito. Namangha siya sa sobrang ganda ng katawan nito. Nanalaki naman ang kanyang mga mata nang makita niya ang sandata nito na handang-handa na sa pagsugod.
"Touch it," bulong nito sa kanya.
Muriel was completely out of her mind right now. She touched it in the way that the man rolled back its head. She felt something inside her succeeded.
Nakaawang ang mga labi nito at may lumalabas na munting ungol. Gusto nito ang ginagawa niya. Pero bago niya pa mapagbuti ang ginagawa ay itinulak na siya nito pahiga at inibabawan siya.
Siniil siya nito ng halik habang tinutukso siya sa ibaba. Napadaing si Muriel. Hindi niya mahawakan ang lalake dahil hinawakan ng lalake ang mga kamay niya at itinaas sa kanyang ulo.
"Please. I want..." Hindi matapos ni Muriel ang kanyang sasabihin dahil sa nararamdaman. Hindi rin niya alam kung ano ang gusto niya.
"You want me," sabi nito habang unti-unti siyang pinapasok.
"Ah!" daing niya dahil masakit iyon.
Napasigaw siya nang malakas nang pumasok ito nang mabilis at sagad na sagad.
Hindi pa siya nakaka-recover sa sakit ay gumalaw na nang mabilis ang lalake. The man consumed her all that it completey forgot that she was a virgin!
"Damn, you! Stop! I'm a virgin, asshole!" sigaw niya sa lalake na nakangisi lang sa kanya.
"I know, that's why I like it this way. I'm satisfied."
Hindi alam ni Muriel kung paano nawala ang sakit. Hanggang sa umungol na lang din siya sa sarap at sinasabayan pa ang lalake. Naghalikan sila. Labi sa labi, dila sa dila. They were completely drowned in a sinful trance and the man completely lost its self-control. Until pleasure materialized into a hot fluid. The both sated while panting.
Nagising si Muriel dahil sa sakit ng pakiramdam. Lalong-lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. Masakit rin ang ulo niya pero hindi iyon naging hadlang para makalimutan niya kung anong nangyari kagabi.
Suot pa rin niya ang kanyang mask at iyon na lang ang natira sa suot niya. Nilingon niya ang lalaking katabi niya sa kama. Nakatalikod ito sa kanya at wala ring saplot kagaya niya.
Ito na nga ba ang sinasabi niya!
Mabilis siyang bumangon at sinuot ang mga damit. Maluha-luha siya nang makita ang dugo sa may bed sheet.
Nilingon niya ang mga gamit ng lalake at nakita ang pitaka nito. Kinuha niya ang calling card nito na wala man lang pangalan. Kapag nabuntis siya nito ay bahala na.
Mabilis siyang lumabas ng hotel at iniwan ang lalake.
Ang gaga kasi!