Hinahanap Dumaong ang Concordancia sa Harbor. Tapos na ang celebration at oras na para mag-uwian. Nagpaalam ako kay Chef Armani na sasama muna sa pag-uwi sa mama ko. Buti na lang at pumayag siya. Kailangan ko na namang magpaalam kay Irish. Habang naghihintay kami ng sasakyan patungo sa istayon ng tren ay lumapit sa amin si Principe Reneesh. Malungkot at pagod ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi ko pa siya kinakausap simula nang malaman kong siya iyon. Ang totoong papa ni Irish. "Muriel," tawag niya sa akin. Hinarap ko siya, si Irish naman ay lumapit sa kanya at nagsimulang paghahampasin ang kanyang binti. Napasinghap ako. Ano ginagawa ng anak ko?! "Bad ka! You made my mama cry! Bad!" sigaw niya. Nagulat ako sa ginawa ng anak ko at kaagad siyang kinarga. "Irish, no,"

